Kabanata 40
Gulat na gulat at hindi nakapaniwala si Abigail sa kanyang nasaksihan. Agad lumapit sa kanila ang mga tao at nakiusa.
"Tumawag kayo ng pulis!" sigaw ng isang lalake.
"Damn, why did you shout?" bulong ni Crystabelle sa kaniya.
"I was shock okay?" bulong niya pabalik.
Lumapit sa kanila ang mga bouncer at ang may ari ng bar.
"What happened here!?" tanong ng may ari sa mga tao, itinuro sila ng mga tao sa bar.
Kaya napabaling ito sa kanila.
"He was just drunk and been flirting with girls and then when he flirt with us he suddenly collapse." paliwanag ni Crystabelle.
"Y-yeah, at nang tutulongan namin siya ay parang may kakaiba sa kaniya kaya tiningnan namin siya ng maigi. Doon ko napansin na patay na siya." nauutal na paliwanag ni Abigail.
Sinabihan silang huwag munang umalis para tumistigo sa darating na pulis kaya hindi sila makaalis.
Kung aalis din sila ay may tsansang pagdudahan sila ng mga tao. Kaya nagdesisyon si Crystabelle na manatili sila sa bar.
Hindi nagtagal ay dumating ang dalawang pulis at isang ambulansya. Tinanong nila ang mga tao doon kung anong nangyare.
Dahil sila ang unang witness ay pinasama sila sa presinto upang tumistigo.
"Diba pweding dito mo na kaming tanongin? Gabi na po at delikado ngayon." nakikiusap at pagdadahilan na sabi ni Abigail.
Ayaw nilang pumunta sa presinto dahil tiyak na tatawagan ang kanilang magulang at magtatagal pa sila.
Dahil may punto siya at curfew na ay pumayag ang pulis saka tinanong na lang sila tungkol sa bangkay. Gaya ng sinabi nila kanina ay iyon ang kanilang sinabi.
Pagkatapos silang interviewhin ay bumalik na sila sa resort.
"P-paanong nangyare yon?!" hindi makapaniwalang tanong ni Abigail.
"Believe me, I don't know either it's just I have this peculiar ability." sagot sa kanya ni Crystabelle.
Mahirap paniwalaan, yan ang naiisip ni Abigail ngunit nasaksihan na niya ang nangyare at totoo iyon. Ayaw naman niya igiit na nagsisinungaling si Crystabelle dahil baka magpahalik na naman at madagdagan ang mamatay.
"Impossible! Hindi totoo ang magic at huwag mong sabihing nakulam ka o malay ko, baka ikaw mismo ang mangkukulam." sarsastikong sabi ni Abigail.
Tumigil sa paglalakad si Crystabelle.
"There's a possibility that I'm cursed by some witch. Only that old hag knows or only god knows it." mapait na sabi ni Crystabelle.
Nagsisi siyang hindi niya naitanong sa kanilang lola noon kung bakit may ganon siyang kakayahan.
"So now you witness it, do you believe me now?" tanong niya.
"Oo kahit mahirap paniwalaan." sabi ni Abigail.
"Will you help me?"
Tumango tango si Abigail, wala siyang magagawa kung iyon nga ang dahilan.
Bigla rin siyang kinain ng konsensya at pagsisisi. Kung hindi niya ipinilit ang pinapagawa niya kay Theo ay buhay sana ito.
Kung kinulit niya sana si Ian kung anong nasaksihan nito ay hindi niya iyon maipapagawa kay Theo.
Si Ian din ang nagsuggest na si Theo ang gumawa.
Napamura siya sa kanyang naisip. Nalinlang siya ng binata! Alam nitong mamamatay ang sinomang humalik sa kanyang pinsan ngunit itinanim pa iyon nito sa kanyang utak.
"Paano natin mahahanap si Ysabelle? Baka naman pinakidnap mo siya para magpanggap?" nagdududa pa niyang tanong.
"I'm not that bad," sabi ni Crystabelle. "In fact, I think I saw her a while ago when we we're going back to resort."
"What?! And you didn't even inform me?" gulat na tanong ni Abigail.
"I'm not sure okay? Nakasakay kasi tayo at umaandar ang kotse. Also she was running." dahilan ni Crystabelle.
"Saan mo siya nakita at puntahan na natin."
"From hospital to resort road," sagot ni Crystabelle. "Ipagsabukas na natin dahil curfew na."
Bumalik na sila sa resort at kanina pala sila hinahanap dahil maghahapunan na pala sila. Nagdahilan sila at pinaniwalaan naman sila na naglakad lang sila sa dalampasigan.
Samantala sa hospital dinala ang bangkay upang malaman kung bakit namatay ang biktima. At gaya ni Theo ay kusang tumigil ang heartbeat nito.
"Coincidence lang ba ito o isa pala itong serial murder case?" kursyudad na bolong ng doctor na tumitingin sa mga bangkay.
"Definitely its a serial murder case." sabi ng hindi kilalang binata.
Moreno siya't singkit ang mata.
"Impossible naman na nagkataong parepareho ang cause of deaths ng mga bangkay na na-autopsy mo ng sunod sunod." deduction ng binata.
"Sino naman ang salarin?" tanong ng doctor.
"I know who but I need an evidences." sagot nito.
To be continued
Sino kaya ang binata?
BINABASA MO ANG
Behind that facade Book 1 (COMPLETE)
Mystery / ThrillerKilalanin si Ysabelle Fuentabella, ang mahinhin at mabait na dalaga. Nakilalaniya si Gian Garcia at nahulog siya rito ngunit nasaktan lang siya dahil pinahiya't sinaktan siya ng binata. Isang araw ay bigla na lang nawala si Ysabelle at nang nahanap...