Twenty Five

205 6 0
                                    

Chapter 25

Ngumisi si Ysabelle at pinagcross ang kanyang kamay. Suminghap si Abigail nang maisip na yon ang sagot ng kanyang kaharap at inisip na yon ang kompirmasyon niya na tama ang hinala niya.

"I knew it!" singhal niya. "I knew it since we meet again at cemetery that something odd with you!" sigaw niya.

Dinuro niya si Ysabelle sa noo. "Who are you huh?" tanong niya.

"I'm your cousin," sarsastikong sagot niya.

"No! You're not." sigaw ulit ni Abigail.

Sa lakas ng mga sigaw ni Abigail ay rinig na rinig siya sa labas ng kwarto kahit hindi maitindihan ay maririnig pa rin ng mga dadaan.

Kaya nang dumaan ang isang katulong at narinig niya yon. Kaya agad itong nagtungo sa kwarto nina Samantha at Chris.

"Sir! Ma'am! Sina Señorita Abigail at Señorita Ysabelle ay nag-aaway." pagsusumbong niya.

Lumabas sa magkatabing kwarto ang magulang nila.

"What? Okay naman sila bago natin sila iwan." hindi makapaniwalang sabi ni Samantha.

"P-pero ma'am! Totoo po, nagsisigaw nga ho si Señorita Abigail." pangungubinsi niya.

Sa pag-alala ay pinuntahan nila sila at para rin malaman kung hindi nagsisinungaling ang katulong. Nang nakalapit sila ay rinig na rinig nila si Abigail, kaya agad silang pumasok sa loob.

"Huwag ka ngang ngumisi! Tell me, where is she?" naiinis na tanong ni Abigail.

Nang hindi sumagot si Ysabelle ay sinigawan niya ulit ito.

"Sumagot ka!" sigaw niya.

"Abigail!" tawag sa kanyang ama kaya natigilan siya at napatingin sa mga magulang nila.

"Dad..."

"What the hell is happening here?! Bakit mo sinisigawan si Ysabelle?" nagtatakang tanong sa kanya ni Rafael ang Daddy ni Abigail.

"D-dad, please listen to me. This girl," tinuro niya si Ysabelle. "She is not Ysabelle!" pagsumbong niya sa kanila.

"What?! Are you blind? Bakit mo nasabing hindi siya ang pinsan mo?" nagtatakang tanong ulit sa kaniya.

"Oo nga iha saka kanina lang ay okay kayo ah." nagtatakang tanong ni Chris.

"Isipin niyong mabuti. Nagbago siya at umabot pa sa puntong halos hindi na natin siya kilala." pagrarason niya.

"Ang lamig na niya at saka mean! Hindi na kami close." dahilan niya.

"That's because she is broken hearted!" naiinis na paliwanag ng kanyang ama.

"Its not, she definitely a stranger to me." dahilan niya.

"Abigail, you know what a broken heart can do and what it's effect to a person!" pangaral sa kaniya ni Rafael, ang kanyang ama.

May punto man ang kanyang ama ay pinanindigan niya ang kanyang hinala.

"Alam ko! Pero kilala ko ang pinsan ko. Kumain pa siya ng ice cream kanina and I have a proof of that." pangungubinsi niya.

Tiningnan nila siya na nagtatakang tingin at may halong pagkainis. Agad naman binuksan ang cellphone niya at hinanap ang stolen shot niya kay Ysabelle.

Pinabalik niya kasi ang kotse nang makitang bumalik si Ysabelle sa Jollybee. Pinakita niya ang kuha niyang litrato kaya tiningnan din nila ito.

Nasa counter si Ysabelle at umorder. Ang sunod na litrato ay inabot niya ang order niyang ice cream sundae kaya nagtatakang tumingin sila kay Ysabelle.

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon