Three

666 21 0
                                    

Kabanata 3

Hindi nakatulog si Ysabelle sa kakaisip sa nangyare kanina, pagkatapos kasi silang ipakilala ay nagsiuwi na sila. Kitang kita niya kung gaano close sina Gian at Geisel, kinabukasan ay inaantok na siya pero wala siyang magagawa kundi pumasok dahil may oral orientation at quizzes sila. Nahalata iyon ng kaniyang mga kaibigan nang nagkita kita sila.

"Anyare sayo? Hindi ka ba nakatulog?" nag-alalang tanong sa kanya ni Trixia. "Ganon na nga" sagot niya, napasinghap ang dalawa. "D-dahil ba sa nakita mo kagabi?" tanong ulit ni Trixia, tumango lang siya bilang sagot. "I feel you, girl. Pati ako ay hindi nakatulog" sabi naman ni Sofia. "Bakit naman?" tanong ni Trixia. "Nakita niyo ba kung paano siya tingnan ni Troy? Parang may isang anghel na nahulog sa langit!" inis niyang sabi.

Nakasalubong nila ang Infinite band tela kinuukulit ni Troy si Gian. "Ge na pare, ibigay mo sa akin ang number ni Geisel" pangungulit niyang sabi. Narinig iyon nina Ysabelle. "Para saan ba? Hoy Troy, magkaibigan nga tayo pero kung kinukulit mo ako dahil gusto mong makadamoves kay Geisel ay hindi ako makakapayag. Matanda ka na kesa sa kanya, napakabata pa niya para ligawan mo." inis niyang sabi. "Bakit napakaoverprotective mo? Teka nga gusto mo ba si Geisel?" tanong ni Troy. Napakasakit ang mga naririnig nila pero nagdesisyon sina Ysabelle na pakinggan pa ang susunod na sasabihin ng dalawa.

"Dahil kaibigan kita't kilala kita, paasa ka eh. Kaya ako ganito dahil mahal ko siya, kaya ayaw ko siyang masaktan." paliwanag niya, mas lalong nasaktan si Ysabelle sa kanyang narinig. Mahal pala ni Gian si Geisel, naiisip niyang kaya ganon lang ang binata dahil balak nitong ligawan si Geisel. "Kuya Gian!" narinig nila iyon kaya napatingin sila sa likod nila. Nakita nila si Geisel na nakauniform na ito at papunta sa gawi nina Gian.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Gian. "Wala naman kaming teacher at narinig kong malapit sa amin ang buliding niyo kaya ito, pinuntahan kita." sabi ni Geisel. "Kahit na paano kung may pumasok na guro niyo? Bumalik ka na sa klase mo." pangaral na sabi ni Gian kay Geisel. "B-but I want to see you" dahilan ni Geisel. "Magkikita naman tayo mamaya, sabay tayong maglunch at ipapasyal kita rito sa campus para makabisado mo tong school." pampalubag loob sa kanya ni Gian, napangiti naman si Geisel. "Okay, promise?" tanong niya, inilahad ni Gian ang kamay niya at nakaporma na ang daliri niya sa pinky promise sign. "Pinky Promise" sagot niya saka nila pinagdikit ang pinky nila't hinlalake. "Copy, paste and stuck in my head." sabay nilang sabi.

Gaya ng promise niya kay Geisel ay tinupad niya iyon, isinama pa niya si Geisel sa kanilang practice room para mapanuod sila. Nasa kay Geisel ang buong atensyon ni Gian kaya nagselos si Ysabelle, nasaktan pa siya nang narinig ang pinag-uusapan ng mga kaibigan ni Gian."Mukhang seryoso siya kay Geisel." bulong ni Kean. "Oo nga eh, nakalimutan niya tayo. May sarili silang mundo." sang-ayon ni Troy. "Ganito pala ang pakiramdam ng one sided love, napakasakit. Hindi pa nga ako nagsisimulang manligaw ay mukhang talo na ako." pagdrama ni Troy.

"Ikaw si Ysabelle Fuentabella tama?" tanong ni Geisel sa kay Ysabelle. "Ako nga" sagot niya. "Ang ganda niyo po" puri niya kay Ysabelle. "Hindi naman, mas maganda ka" sabi niya. "Talaga po?" inayos pa niya ang buhok niya. Tumango si Ysabelle bilang sagot. "Salamat" sabi niya. "Alam mo lagi kong naririnig sa high school department kung gaano ka ho kaganda't kamanhinhin. Tama nga sila, hinahangaan po kita." masaya nitong sabi. Lumipas ang dalawang araw na ganon ang eksina, mejo marami rin ang nangbubully kay Geisel dahil malapit siya sa Infinite band. Hindi alam yon ni Gian dahil nilihim iyon ni Geisel sa kanya pero kahit ganon hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang usap-usapan ng mga tao.

"Ang bata bata niya para lumandi" paninira ng isang chismosa. Hindi na nakapagpigil si Gian sa mga naririnig, "Pwedi ba! Bago kayo manghusga, tingnan niyo ang mga sarili niyo." galit nitong sabi. "Kuya, hayaan niyo po sila." pagpigil sa kanya ni Geisel. Magsasalita pa sana si Gian pero pinakiusapan siya ni Geisel. "Huwag ho kayong makipag-away, baka maereport ka sa guidance" sabi pa nito. "Okay, pero kapag sumobra sila. Malalagot sila sa akin" sabi nito. Tumango naman bilang sagot si Geisel.

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon