Kabanata 10
Napamulat si Ysabelle nang naramdaman niyang may nagmamasid sa kanya, umupo siya at iginala ang kanyang paningin. Mejo nabigla siya nang nakita ang dalawang lalaking pinagmamasdan siya, lumapit ang mga ito sa kanya. Nagtutulakan pa habang lumalapit, napataas siya ng isang kilay.
"Napakaganda mo talaga Ysabelle, hindi ko alam kung bakit ka tinanggihan ni Gian" sabi ng lalaki. Clean cut ang buhok, may pagkasingkit ang mata at kissable lips. Yong nga lang mukha itong manyak dahil ang lagkit ang tingin niya kay Ysabelle. "Huwag kang malungkot Ysabelle, andito naman ako" sabi naman ng kasama nito, malaki nga lang ang tenga. Akmang uupo sila sa tabi ni Ysabelle ay tumayo ito at pinagpagan ang skirt niya.
Hindi niya pinansin ang dalawang lalaki at akmang iiwanan sila ay hinarangan nila ito. "Huwag mo kaming ignorahin, pasalamat ka nga't handa ka naming saluhin" ngumisi ang unang nagsalita. "You're annoying" malamig na sabi sa kanila ni Ysabelle. "Ysabelle ikaw ba yan? Huwag kang maging malamig sa amin" akmang hahaplosin niya ang pisngi niya. "Wanna die?" malamig na tanong ni Ysabelle. Tumawa lang sila saka hinila ang braso ni Ysabelle. "Hindi ko akalain na may ganyang side ka pala" natutuwang sabi ng kasama nito.
Aakma nilang hihilahin si Ysabelle ay pinigilan sila ni Gian. "Let go of her!" galit niyang sabi. "Oh, Gian ikaw pala. Since you rejected her papasayahin naming siya." sabi nit okay Gian. "Bitiwan mo siya kung ayaw niyong malagot sa akin!" seryoso niyang sabi. "Gian naman! Huwag kang ganyan, ayaw mo sa kanya diba kaya wag kang umastang kayo na" naiinis na sabi ng kasama nito.
Kinuwelyuhan ni Gian ang isa. "Sinaktan ko nga siya pero hindi ibig sabihin ay hahayaan ko kayong galawin siya!" saka niya sinuntok ang manyak na lalaki. Tinulongan naman siya ng kasama niya, dinambahan si Gian. Siniko naman nito ni Gian sa bandang tiyan. Nagsuntokan sila, samantala ay naiinip silang pinapanuod ni Ysabelle. Nang natumba ang dalawa ay tumalikod na si Ysabelle upang umalis, naisip niyang bakit pa siya nanuod sa walang kwentang away.
Hinabol naman siya ni Gian. "Ysabelle sandali!" tawag nito sa kanya at hinawakan ang kamay nito upang mapatigil si Ysabellle, tinaasan na lang siya ng kilay. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Gian sa kanya. "Are you blind?" balik na tanong ni Ysabelle. "Tinatanong kita ng matino kaya sumagot ka ng matino!" inis niyang sabi. "Really, 'cause for me your question doesn't make sense." inikotan pa nito ng mata. Halata naman kasing okay siya. "Nag-alala ako sa sayo, okay? Natakot ka ba? May ginawa ba silang masama sayo?" nag-alala niyang sabi kay Ysabelle.
Nagtatakang tiningnan siya ni Ysabelle, hindi niya naiitindihan ang sinasabi ng binata at kinikilos nito. Sa pagkakatanda niya kasi ay pinahiya siya nito at nireject. "Tss" sabi niya at kumalas sa pagkakahawak ni Gian saka naglakad pabalik ng klase. Hinabol siya ulit ni Gian at tinigilan siya. "I know na naguguluhan ka pero I'm sorry if I was such a jerk! Dahil pinahiya kita sa harap ng maraming tao at nireject pa kita." paumanhin niya.
"Ah, so you're guilt is eating you now and you're regretting it." konklusion ni Ysabelle. "Yes, I'm sorry Ysa, will you forgive me?" umaasang sabi ni Gian. "Okay, I forgive you for rejecting me but I never forgive you for humiliating me." tuluyan lumayo si Ysabelle kay Gian. Pumasok sila sa kanilang klase, halos magkasabay lang sila.
"Psst! Ysabelle, bakit kayo magkasama?" tanong ni Trixia sa kanya. "Long story" sagot na lang sa kanya ni Ysabelle. "Hep! Hindi pwedi yan, kelangan mong ikwento ang buong pangyayare!" pangungulit sa kanya ni Trixia. Sinamaan siya ng tingin ni Ysabelle. "Mind your business will you?" malamig niyang sabi na may halong pagkainis. Napanguso naman si Trixia dahil sa pagtrato sa kanila ni Ysabelle.
"Nagbago ka, Ysabelle. You're became so cold and mean to us" nagtatampong sabi niya rito. "People change" sagot niya sa kaibigan niya. Dumating ang kanilang guro at nagsimula na silang magklase. Lumipas ang oras ay lunch break na nila. "Ysabelle, magkaraoke tayo mamaya!" pag-aya sa kanya ni Sofia. "Oo nga, ang tagal na natin hindi makapagbonding" sang-ayon ni Trixia.
BINABASA MO ANG
Behind that facade Book 1 (COMPLETE)
Misteri / ThrillerKilalanin si Ysabelle Fuentabella, ang mahinhin at mabait na dalaga. Nakilalaniya si Gian Garcia at nahulog siya rito ngunit nasaktan lang siya dahil pinahiya't sinaktan siya ng binata. Isang araw ay bigla na lang nawala si Ysabelle at nang nahanap...