Kababata 32
Huling araw ng exam habang naghihintay sila ay nilapitan ni Gian si Ysabelle. Hindi kasi mawala sa isip niya ang napag-usapan nina Theo at Ysabelle.
Inisip lang niyang baka magkakabutihan ang dalawa ay kumikirot na ang puso niya.
"Pwedi ba kitang makausap?" tanong niya rito.
"Spill." maikling sabi ni Ysabelle.
"Gusto ko sanang makausap ka sa ibang lugar." sabi nito.
Nainis si Ysabelle dahil bakit hindi na lang nito sabihin ang pakay sa kanya. Ngunit naramdaman niya ang mga matang nakamasid sa kanila at nakikinig.
"Okay." pagpayag niya saka tumayo at nagtungo sa dulo ng hallway.
Agad naman umalis ang nadatnan niya roon na naglalambingan na magkasintahan.
Nang maiwan sila ay humarap siya sa binata. Nag-aalinlangan si Gian sa kanyang sasabihin.
"If its not important then you're wasting my time." pagsusungit ni Ysabelle.
"I've been curious about your relationship to that man, the one who always with you." sabi nito.
"Why do you ask? It's none of your business." malamig na sabi ni Ysabelle.
"It is! Dahil hindi ako sigurado kung may pag-asa pa ako sayo o kung nakapag-move on ka na." pag-amin nito.
"Nagseselos ako!" dagdag pa niya.
Ngumisi si Ysabelle, "Are you fucking kidding me? This past few days you're missing in action." sarsaktikong sabi niya.
"It's because I was busy in pursuing your parents! Mawawalan ng saysay kung galit sila sa akin at nagpapasalamat akong casual na ang pakikitungo sa akin ng iyong ama." paliwanag ni Gian.
Humalipkip si Ysabelle, "But that doesn't mean you gonna ignore me." paninisi nito.
Sa narinig ni Gian ay nagtaas baba ang labi niya, hindi siya nakapaniwala sa sinabi ni Ysabelle. Hindi nagtagal ay kumurba ng isang ngiti ang labi niya.
Dahilan ng ipinagtaka ni Ysabelle.
"Namiss mo ako." tela sigurado niyang sabi.
"Tsk! In your dream." masungit na sabi ni Ysabelle.
Hindi naiitindihan ng dalaga kung bakit bigla atang sumaya ang puso niya pero isinasawalang bahala niya iyon.
"Namiss mo ako, period." pag-uulit pa ng binata. "Let's have lunch together later and date." deklara nito at hindi niya hibayaang magsalita si Ysabelle.
Tumalikod na siya at pumasok sa loob ng klase, sumunod naman si Ysabelle.
"It's not what you think!" sigaw niya.
"The way to talk to me that's the only meaning." sabi ng binata saka kinindatan siya.
Hindi namalayan ni Ysabelle na kanina pala siya namumula at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Umupo na lang siya sa kanyang upuan at nagbasa.
"Anong bang pinagsasabi ni Gian? Ano ba ang sinabi mo sa kanya at namumula ka ngayon?" nagtatakang bulong na tanong ni Trixia.
"N-nothing!" sabi ni Ysabelle.
Ngumisi ng nakakaluko si Trixia at dinutdot niya ang kaibigan.
"Kinikilig ka noh? Ano ba talaga ang nangyare at para kiligin din ako." panunukso nito.
Agad umiling si Ysabelle, "I'm not so shut up." masungit na sabi ni Ysabelle.
Nakangiting nagpatuloy sa panunukso ni Trixia sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Behind that facade Book 1 (COMPLETE)
Mystery / ThrillerKilalanin si Ysabelle Fuentabella, ang mahinhin at mabait na dalaga. Nakilalaniya si Gian Garcia at nahulog siya rito ngunit nasaktan lang siya dahil pinahiya't sinaktan siya ng binata. Isang araw ay bigla na lang nawala si Ysabelle at nang nahanap...