Epilogue

517 9 1
                                    

AN:/ Nagulat kayo noh, well tapos na ang part 1. Balak ko talagang magsulat ng part 2. Kaya maraming salamat sa pagbabasa nito at sana ay supportahan niyo.

Comment, Vote and Share

Epilogue

Isang linggo ang lumipas mula nang namatay si Theo, nahihirapan alamin ni Detective Henry kung bakit nga ba namatay ang binata.

Ipinaglamay na siya ng pamilya nito at tuloy pa rin ang pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Theo.

Samantala ay wala rin clue sina Abigail at Crystabelle kung nasaan si Ysabelle. They check the CCTVs sa lugar kung saan nakita ni Crystabelle si Ysabelle ngunit hindi ito nakunan.

"Sigurado ka bang doon mo siya nakita?" tanong ni Abigail.

"Yes, I'm sure. Let's just hope that even one of CCTVs capture her." siguradong sabi ni Crystabelle.

Napag-usapan ng magpinsan na huwag nang ipaalam sa kanilang mga magulang ang totoo at hayaan siyang magpanggap na Ysabelle hanggat hindi pa nila ito natatagpuan.

Nitong nakaraang araw rin ay nililigawan siya ni Gian. Lagi kasi itong bumibisita at dinadamayan siya.

Naputol ang pag-uusap nila nang dumating si Gian. May dala na naman itong kumpol na bulaklak at isang kahong chocolate.

"Bakit mo pa yan pinapaasa? Hindi naman kayo pwedi dahil mamamatay lang siya kapag sinagot mo tss." bulong sa kanya ni Abigail.

Kapag kasi magkasintahan ay natural na may halikan na magaganap.

"I've been giving him a hints but he's dense and persistent." pabulong din na sagot ni Crystabelle.

"Good luck then and let's hope na hindi ka niya mahalikan." bulong ni Abigail saka na umalis upang maiwan ang dalawa.

Nilapitan siya ni Gian at inilahad ang mga dala nito.

"Kumusta na ang araw mo? Nakakaabala ba ako? Mukhang seryoso kasi ang pinag-uusapan niyo." sunod-sunod na tanong ni Gian sa kanya.

"Okay naman." matipid na sagot ni Crystabelle.

Hindi naiitindihan ni Crystabelle kung bakit hinahayaan niya si Gian na manligaw sa kanya. Kung tutuosin ay pwedi niya itong bastedin.

Ngunit tuwing kasama niya ito ay tela nakakalimutan niya ang kanyang mga problema kahit na isa ito sa problema niya.

Kaya hinahayaan niya lang ito basta maging alerto lang siya dahil baka halikan siya nito bigla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaya hinahayaan niya lang ito basta maging alerto lang siya dahil baka halikan siya nito bigla.

Ayaw na niyang dagdagan ang mabiktima niya na hindi dapat mamatay.

"Gusto mo bang lumabas tayo? Para naman hindi mo gaano naiisip si Matheo." pag-aya ni Gian sa kanya.

"Sure but where are we going?" tanong niya.

"Amusement park or wherever you want to go." huwestyon nito.

Pumayag si Crystabelle saka nagbihis upang sumama sa labas kay Gian. Pinaalalahan pa siya ni Abigail na mag-ingat dahil baka mahalikan siya ni Gian bago pa sila lumabas.

Nagdesisyon silang sa isang park na lang sila pumunta at magpicnic o manuod sa kanilang cellphone.

Simple pero nakakarelax at maganda ang view kaya mag-eenjoy sila.

"Sigurado ka bang dito lang tayo?" tanong ni Gian.

Tumango si Crystabelle bilang sagot.

"Okay, manuod na lang tayo sa cellphone ko. Gusto mo ba yon?"

"Okay." tipid na sagot ni Crystabelle.

"Ysabelle, sigurado ka ba talaga? Ang tipid mo kasing sumagot at naninibago talaga ako sayo." paninigurado pa ni Gian.

"Get use to it." sagot niya rito.

Napabuntong hininga si Gian at tumango na lang. Naisip niyang mas mabuti ito dahil kahit papaano ay maiidate niya ang dalaga at hindi tulad ng dati na napakalamig ang pakikitungo nito sa kanya.

Habang naghahanap ng mapapanuod online sa cellphone niya ay iginala naman ni Crystabelle ang kanyang paningin.

"Anong gusto mong panuorin?" tanong ni Gian sa kanya.

"Anything, maybe RomCom or fantasy." sagot nito.

Masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin doon kaya nag-eenjoy si Crystabelle na magmasid sa paligid.

Nang biglang may naaninag siyang tao na mejo malapit sa kanila. Nakasuot ito ng puting bestida at nakalugay ang buhok nito.

Tela masaya ito at kaya nagmomoment. Nagulat siya nang namukhaan niya ito.

Dahil ang kanyang nakita ay walang iba kundi si Ysabelle, ang nawawalang kakambal niya.

Agad siyang tumayo at hindi nagpaalam pa kay Gian saka pumunta sa kinaruruonan nito.

Ngunit bago man siya makalapit ay may grupong tourist na humarang sa daan kaya nahirapan siyang puntahan ito.

Nang nakadaan siya ay wala na ito sa kinatatayuan nito. Hinanap niya ito sa paligid ngunit hindi na niya makita ang kanyang kakambal.

"Hey bakit bigla ka na lang umalis?" tanong ni Gian sa kanya.

"I... I just want to buy some buko juice!" pagdadahilan niya nang makita ang isang nagtitinda ng buko juice.

Kaya pumunta sila doon para bumili. Iginagala pa rin ni Crystabelle ang paningin niya umaasang makikita niya ulit si Ysabelle.

Ngunit natapos na ang date nila ni Gian ay hindi pa rin niya ito makita.

Nasaan ba talaga si Ysabelle?


End of part 1

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon