Kabanata 6
Nang nabalitaan ng mga magulang ni Ysabelle na nahuli ang tatlong nangbastos sa kanilang anak ay agad silang pumunta sa presinto upang tunghayan ang pagtatanong ng detective na si Detective Henry. Nasa isang kwarto ang mag-asawa kasama ang kasamahan ni Detective Henry habang pinapanuod nilang kinakausap nito ang isa sa tatlo.
"Natatandaan mo ba ang dilag na ito?" tanong sa kanya ni Detective Henry at pinakita rito ang litrato ni Ysabelle.
Tiningnan naman iyon ng kanyang tinatanong na pangalanan natin, Dante.
"H-hindi ho." nauutal niyang sagot.
"Siya naman ang binastos niyo nong nakaraang araw bago siya nawala." sabi ni Detective Henry.
Tela may naalala na si Dante, "Kung hindi mo natatandaan dahil sa iyong kalasingan nong binastos niyo siya ay panuorin mo ito." sabi ulit ni Detective Henry.
Pinanuod niya kay Dante ang kuha ng CCTV kung saan kinausap nila si Ysabelle at pinapasama.
"Sir! Hindi namin ho siya binabastos, pinapasama naming siya." pagtanggi ni Dante.
"Pareho lang yon! Ngayon naalala mo na, anong nangyare nong hinabol niyo siya sa eksinita?" tanong nito.
Hindi sumagot si Dante, "Tinatanong kita!" sigaw ni Detective Henry.
"Attorney ka ba para sabihin ko pa sayo? Alam kong may karapatan akong manahimik." sabi ni Dante.
Tumayo si Detective Henry at nilapitan si Dante, "Sagotin mo na ang tanong ko, alam ko ang batas pero ayaw mo naman sigurong umabot ito sa korte diba?" bulong nito kay Dante.
"At kapag hindi ka sumagot, ibig sabihin lang yon ay may nagawa kayong masama" pagaakusa ng Detective.
Doon naisipan ni Dante na magkwento dahil alam niyang tama ang Detective.
"Hinabol namin siya pero napakabilis niyang tumakbo, siguro ay dahil din sa lasing kami kaya hindi namin siya mahabol." pagkwento nito.
"Yon ba talaga ang nangyare?" tanong ng Detective.
"Oho! Tanongin niyo pa ang mga kasama ko." sabi nito.
Pinaalis niya na si Dante at sunod naman niyang tinanong ang dalawa pa niyang kasama. Pare-pareho lang ang kanilang kwento sa kwento ni Dante.
Mejo nawala ang pagkabahala ni Samantha sa kanyang narinig.
"Love, hindi narape ang anak natin!" masaya nitong sabi.
"Hindi pa tayo sigurado kung nagsasabi sila ng totoo, love. Pero sana nga ay ligtas ang anak natin" sabi naman ni Chris.
Kinausap nila si Detective Henry tungkol doon, "Huwag ho kayong mag-aalala magtatanong tanong pa kami sa mga tao doon. Mahahanap din natin ang anak niyo" pampalubag niyang sabi sa mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Behind that facade Book 1 (COMPLETE)
Mystery / ThrillerKilalanin si Ysabelle Fuentabella, ang mahinhin at mabait na dalaga. Nakilalaniya si Gian Garcia at nahulog siya rito ngunit nasaktan lang siya dahil pinahiya't sinaktan siya ng binata. Isang araw ay bigla na lang nawala si Ysabelle at nang nahanap...