Kabanata 18
Nang dumating sila sa sementeryo ay maraming tao ang nandoon upang bisitahin ang yumaong mahal nila sa buhay. Nagtungo sila sa libingan ng kaniyang lolo at lola, nadatnan nila doon ang isang pamilya, nakita sila ng tiyahin at ningitian sila saka may sinabi sa mga kasama nito kaya napalingon ang nga ito.
"Ate!" tawag ng tiyahin niya kay Samantha saka sila sinalubong. Nakipagbeso ito sa kanila "Kelan kayo dumating? Hindi mo man sinabi para mapuntahan naming kayo." nagtatampong sabi ni Samantha. "I'm sorry, Ate. Hating gabi na kami dumating kaya hindi na kami nag-abala pang tumawag." paliwanag nito.
Bumaling ito kay Ysabelle "Oh, is that you Ysabelle?! Buti at natagpuan ka na." hindi makapaniwalang sabi nito. "Sorry nga pala kung hindi kami nakatulong nong nawala ka." paumanhin niya. "It's okay, ang mahalaga ay natagpuan siya" sabi ni Samantha rito.
Lumapit sila sa pamilya ng tiyahin niya at nagbatian saka nag-usap usap. Lumapit kay Ysabelle si Abigail, ang panganay na anak ng kanyang tiyahin. "Look who's there, long time no see." bati ni Abigail kay Ysabelle. Tinanguan lang siya ng dalaga, "Masaya ka na? You made everyone worried for nothing. Pinaniwala mo kami na nawawala ka, but the truth is you just hide from embarrassment at humiliation." mapanghusga nitong sabi.
Tiningnan lang siya ni Ysabelle at hindi na umimik pa. Dahilan na ikinainis ni Abigail, napasinghap siya. "Sabi ko nga ba't may tinatago kang baho, you're a two faced bitch!" mapang-asar na sabi ni Abigail. "I don't even know why you are grandma's favorite!" naiinis nitong sabi.
Ngumisi lang si Ysabelle, "I see, I understand that you're insecure but you should also blame yourself for being such a bitch." sabi ni Ysabelle. "How dare you to call me bitch!" galit na sabi ni Abigail. Humarap sa kanya si Ysabelle, "Oh I'm so sorry but you start barking since I came here." mapang-insulto niyang sagot.
Lalong nainis si Abigail sa sinabi ni Ysabelle. "From now on I'll make your life miserable, so be prepared." banta nito. "Are you sure? You might regret it." tanong ni Ysabelle kay Abigail. "Yes! I swear I'll make you miserable." sagot nito.
Ngumiti ng malapad si Ysabelle. "Challenge accepted." sagot nito. Nabigla si Abigail sa sagot ng kanyang pinsan, lagi kasi itong tumatanggi at sinasabing hindi dapat sila mag-away dahil magpinsan sila pero wala siyang pakialam kung nagbago nga ang pinsan niya. Ang importante sa kanya ay masira ito at makitang nagluluksa at miserable si Ysabelle.
Tinawag sila ng kanilang mga magulang upang kausapin nila ang kanilang lolo at lola. Ginawa naman ito ng dalawa, masayang kinausap ni Abigail ang lolo't lola niya. Samantala ay kinamusta lang sila ni Ysabelle. "How are you down there?" tanong niya. "We don't know, only god knows." sabi niya.
Mejo nagtagal sila sa sementeryo at nagplastikan lang sila ng kanyang pinsan. Maggagabi na silang umuwi at nang dumating sila ay sinalubong sila ng mga katulong. "Ma'am, Sir! Pumunta ho rito kanina sina Detective Henry. Hinahanap nila si Ysabelle." pagbabalita ni Maria sa kanila. Kaya nagtatakang lumingon sila kay Ysabelle.
BINABASA MO ANG
Behind that facade Book 1 (COMPLETE)
Mystery / ThrillerKilalanin si Ysabelle Fuentabella, ang mahinhin at mabait na dalaga. Nakilalaniya si Gian Garcia at nahulog siya rito ngunit nasaktan lang siya dahil pinahiya't sinaktan siya ng binata. Isang araw ay bigla na lang nawala si Ysabelle at nang nahanap...