Kabanata 16
Tulalang umuwi si Gian, naiisip pa rin niya ang sinabi ni Ysabelle. Hindi niya ito naiitindihan. Nagdoorbell siya nang nakarating siya sa kaniyang bahay, pinagbuksan naman siya ni Giselle. "Huh, Kuya an gaga mo ata? Akala ko ba'y magdedate pa kayo ni Ate Ysabelle?" nagtatakang tanong sa kanya ni Giselle. Tumuloy sa loob si Gian.
"Giselle, sino ba yan?" tanong ni Troy na galing sa kusina, nabigla ito nang nakita si Gian. "Huh? Gian?!" gulat niyang tawag kay Gian. Dumungaw ang iba na nasa sala at naglalaro sa xbox.
"Nasaan si Ysabelle?" tanong ni Neil. "Umuwing mag-isa" maikling sagot ni Gian, agad siyang nilapitan ni Troy saka ito binatukan. "Bakit mo naman siya hinayaan?" naiinis na tanong nito.
"Hindi ko mapigilan saka... nevermind." naiiling pang sagot ni Gian saka tinungo ang refrigerator at kumuha ng beer in can saka ininom. "Kuya, what happened?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Giselle. Kumuha pa ng isa pang delatang beer si Gian saka sinara ang refrigerator at tinungo ang isang upuan.
"Hindi pa rin niya ako pinapatawad." malungkot nitong sabi saka tinungga ang hawak na beer. Nilapitan siya ni Giselle saka umupo ito sa katabing upuan nito. "Ano nga ho ba talaga ang nangyare at di mo man po siya naihatid?" pangungulit na tanong ni Giselle. "Oo nga, Gian" sang-ayon ng mga kaibigan niya.
Kinuwento niya sa kanila ang nangyare. "Ang huli niyang sinabi ay ang sinaktan at pinahiya kong Ysabelle ay wala na." pagkuwento nito. "Maiitindihan ko sana pero parang may iba pang kahulugan ang sinabi niya." kumonot ang noo niya.
"Itindihin mo po lang siya Kuya Gian, kahit ako po kung mangyayare rin sa akin yon ay magbabago talaga ang pakikitungo ko sayo," pampabubag ng loob sa kanya ni Giselle. "Patunayan mo lang po na mahal mo talaga siya, kahit din ako ay hindi maniniwalang mahal ako ng tao kung sinaksaktan naman ako." payo niya rito.
"Tama siya," sang-ayon ni Neil. "Ang kelangan mong gawin ay patunayang seryoso ka." payo nito. "Kapag napatunayan mo yon tiyak ay maniniwala siya." dagdag ni Troy.
"Kaya huwag ka pong mawalan ng pag-asa," ningitian siya ni Giselle. Nilibot ni Gian ang kanyang mata saka sila ningitian. "Tama kayo, salamat." pagsasalamat sa kanila ng binata.
Tinapik ni Neil ang likod ni Gian. "Wala yon, kaibigan ka namin." sabi nito. Tumawa sila saka niyaya sila ni Kean na kumain na. Kanina pala itong naghahain at naglalapag ng mga plato saka kubyertos. Masayang pumunta ang lahat sa dining table saka nagsimulang magdasal at kumain.
"Nga pala, bakit kayo narito? Akala ko ba'y uuwi kayo?" nagtatakang tanong sa kanila ni Gian, tiningnan pa sila ng may pagdududang tingin. "A-ano, napadaan lang kami hehe," kinakabahang sabi ni Troy. Sinigkitan siya ni Gian, saka bumaling kay Giselle. "Bakit mo sila pinapasok?" tanong niya rito.
"Dahil mga kaibigan niyo po sila." sabi nito tela napakanormal yon. Napabuntong hininga si Gian, saka sila tiningnan lahat. "Makinig kayong mabuti, hindi sa ayaw ko sa inyo pero simula ngayon hindi na kayo puweding basta tumambay rito lalo na kung hindi niyo ako kasama o si Giselle lang ang nandito sa bahay." pagbabawal niya sa kanila.
Bumaling siya kay Giselle, "Ikaw naman ay huwag na huwag mo silang papasokin lalo kung wala kang kasama, huwag mo rin papasokin ang kung sinong lalake maliban lang sa akin." paalala niya rito na siyang ipinagtaka nila.
"Hindi naman kami iba, Gian!" reklamo ni Troy. "Oo nga po, Kuya. Saka bakit pa?" sang-ayon ni Giselle.
"Babae ka pa rin at mga lalaki pa rin sila," mangahulogan niyang rason saka tiningnan si Troy. "Baka pagsamantalahan ka nila." dagdag niya para maitindihan siya ni Giselle. Tumango naman si Giselle bilang pagkaintindi.
BINABASA MO ANG
Behind that facade Book 1 (COMPLETE)
Mystery / ThrillerKilalanin si Ysabelle Fuentabella, ang mahinhin at mabait na dalaga. Nakilalaniya si Gian Garcia at nahulog siya rito ngunit nasaktan lang siya dahil pinahiya't sinaktan siya ng binata. Isang araw ay bigla na lang nawala si Ysabelle at nang nahanap...