Eight

579 19 0
                                    

Kabanata 8

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 8

Nicheck up ng doctor si Ysabelle bago pa siya pweding makalabas. Dahil hindi naman malala ang natamong sugat at okay na siya ay pinadischarge na siya. Hindi na nakadalaw sina Gian dahil naisipan niyang baka mabigla si Ysabelle saka dadalawin niya lang ito sa mansion ng mga Fuentabella Family.

"Anak, where have you been this past few days? Hinanap ka namin at hindi ka naman napahamak pero bakit hindi ka bumalik agad?" tanong ng kanyang Mommy. "Long story" sagot ni Ysabelle saa magulang nito. "Okay, ang importante ay nakabalik ka na" sabi ni Samantha. Bumaling lang si Ysabelle sa bintana at tiningnan lang ang dinadaanan nila. Hindi nagtagal ay huminto ang kotse sa harap ng isang malaking gate, nabuksan yon at agad silang pumasok. Isang malaparaisong harden ang nakita niya. Agad itong nagparking sa harap ng mejo kalakihang pinto.

Bumaba sila at pumasok sa loob. "Gusto mo bang magmeryenda?" tanong sa kanyang Mommy. "Later, I'm tired and I want to rest" sagot ni Ysabelle. "Okay then" sabi ni Samantha sa kanyang anak at inalayan papuntang silid nito. "Call me if you need something" sabi nito sa anak, bag pagsarhan ng pinto. Bumaba sila ng kanyang asawa.

"Love, bakit ang tahimik mo?" takang tanong ni Samantha kay Chris, kanina pa kasi itong walang imik. Ni hindi man nito kinausap si Ysabelle. "Naninibago ako sa anak natin, parang hindi siya si Ysabelle! Magalang at mahinhin ang anak natin, hindi ganon na Englishera, hindi mahinhin at walang galang." sagot nito sa kanyang asawa.

"Natrauma lang siguro ang anak natin." sabi ni Samantha. Umiling ng marahan si Chris, "Hindi ganon ang nakikita ko, kung natrauma nga siya ay may makikita tayong takot sa kanyang mga mata at iiyak yan saka sasabihin sa atin kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya. Pero sa nakikita ko mukhang umaakto siyang walang nangyare at basta nagbago siya." pagrereklamo ni Chris. Hinawakan naman ni Samantha ang braso ng kanyang asawa.

"Baka naman ayaw niyang mag-alala pa tayo, alam mo naman kung gaano kabait yan" pagtanggol ni Samantha sa kanyang anak. "Sana nga" sabi ni Chris. Samantala ay pamunta na sina Gian at ang katropa niya sa mansion ng mga Fuentabella. Kasama nila sina Trixia at Sofia, hindi sila sumabay kina Ysabelle dahil kelangan nilang samahan sina Gian.

"Kumusta ang kalagayan niya?" tanong sa kanila ni Gian. "She is acting weird, she's being mean to us and cold!" sagot ni Sofia. "Yeah, saka naging englishera siya!" sang-ayon ni Trixia. Nag-alala naman si Gian dahil sa kanyang narinig. "Seryoso kayo?" gulat na tanong sa kanila ni Troy, tumango sila. "Makikita niyo yon mamaya" sabi nila.

Nang nakarating sila ay namangha sila sa malaparaisong harden ng mansion at sa mansion mismo. Two story ito at may pagkamoderno ang design. Sinalubong sila ng magulang ni Ysabelle. "Hi tita, nasaan si Ysabelle?" tanong agad ni Sofia. "Nasa kanyang kwarto, tuloy kayo. Ipapatawag ko siya sa maid." sabi ni Samantha.

Sa loob ng kwarto ni Ysabelle, nasa may study table siya at binabasa ang diary. Kumatok ang maid kaya nainis siya ayaw niya sa lahat ay naiistorbo siya, binuksan niya ang pinto at napataas ang kilay sa maid. "P-pinapatawag ho kayo ni Madam, senyorita" nauutal nitong sabi. Napabuntong hininga siya at kinalma ang sarili saka ngumiti sa maid. "Okay, thanks and sorry if I scare you" sabi niya sa maid. Tumango siya sa akin at ngumiti, "Okay lang po, senyorita! Na-miss naming ho kayo, buti na lang at natagpuan ka na" masayang sabi ng maid.

Ningitian lang siya ni Ysabelle at bumaba na. Nang nakababa siya ay sinalubong siya ng yakap nina Trixia at Sofia. "Guess who's with us?" nakangising tanong ni Sofia, tinaasan siya ng kilay ni Ysabelle at nakita niya sa likod ng mga kaibigan sina Gian at kabanda nito. Mas tinaasan sila ni Ysabelle ng kilay at tiningnan sila na tela tinatanong kung bakit nandito sina Gian.

"He want to talk to you" tela kinikilig na sabi ni Sofia. "Why?" cold na sabi ni Ysabelle. Nagkibit balikat ang dalawa saka sila tumungo sa sala at umupo sa sofa. "Hmm, maiwan ko na kayo ha" sabi ng dalawa saka pumunta kung saan kasama ang mga kaibigan ni Gian. Nagtataka si Ysabelle kung bakit pa siya iniwan ng dalawa kay Gian, dahil kaninang umaga pa lang ay kung ano-anong panlalait ang sinasabi.

"Ahem" pagpapansin sa kanya ni Gian, hindi kasi alam ng binata kung paano kakausapin si Ysabelle. Tiningnan lang siya ni Ysabelle ng walang emosyon. Humugot ng malaking hininga si Gian at nilakasan ang loob. "Sorry for being rude to you." paumanhin niya. Hindi pa rin sumagot si Ysabelle kaya naisipan ni Gian na gulat lang ito at nasasaktan lang.

"K-kumusta pala ang pakiramdam mo?" nauutal niyang tanong. "What are you doing here?" cold na tanong ni Ysabelle. "Para kumustahin ka" sagot ni Gian. Tumawa ng sarsastiko si Ysabelle, "Funny, the last time I check you rejected and humiliate me."

"My mistake, I should have explain to you" sabi ni Gian. "Tss, jerk!" inis na sabi ni Ysabelle at napabuntong hininga saka nagsalita ulit. "Get out of this house, you're stressing me" sabi ni Ysabelle. Tumango si Gian, alam niya kasing mainit ang ulo sa kanya ng dalaga. "Okay, have a rest" sabi na lang niya sa dalaga saka siya umalis.

Naisip niyang hindi pa panahon para mag-explain, saka na siguro kapag pumasok na si Ysabelle sa school. Nagtatago naman sina Trixia at Sofia habang pinakinggan ang pag-uusap ng dalawa, agad nilang nilapitan si Ysabelle at niyakap.

"Iiyak mo lang yan, girl" payo ni Sofia. "Andito lang kami" sabi naman ni Trixia. Nainis sa kanila si Ysabelle at kumalas sa yakap nila. "I don't want to waste my tears to that jerk!" inis nitong sabi. "Come on, mas masasaktan ka kung sasarilihin mo lang yan" sabi sa kanya ni Sofia. "Who say I'm hurting? Hah!" ngumisi siya saka tumayo.

"I want to be alone, so give me time." sabi na lang ni Ysabelle at pumasok sa kanyang kwarto. Nag-alalang nagkatinginan ang magkaibigan saka sila nagpaalam sa magulang ni Ysabelle. "May alam ba kayo kung bakit ganyan ang anak namin? She's been acting weird at hindi ako naniniwalang dahil yon sa trauma" tanong sa kanila ni Chris.

"Tito, dahil siguro nasasaktan ho siya." sabi ni Sofia, pinaliwanag ng dalawa ang nangyare bago mawala si Ysabelle. Hindi na lang nila sinabing pinahiya ito ni Gian dahil alam nila kung paano magalit ang mga magulang ni Ysabelle.

"Hindi ko akalain may pinagdadaanan pala siya, bakit niyo ito nilihim?" tanong niya sa dalawa. "K-kase ho ayaw ipagsabi ni Ysabelle sa inyo" sagot na lang nila. Walang magawa si Chris kundi hayaan ang dalawa at lalong nag-alala kay Ysabelle. "Hayaan muna natin siya mapag-isa" sabi na lang niya nang sabihin pa ng dalawa ang gusto ni Ysabelle.

Lumipas ang araw nang namalagi si Ysabelle sa mansion, tuwing kakain lang siya lumalabas. Naiitindihan naman ng magulang niya pero nag-alala pa rin sila. Kaya isang gabi ay kinausap nila ito. "Anak, may problema ba?" tanong ni Chris sa kanyang anak. "N-nothing" nauutal na sabi ni Ysabelle. " Kung may problema ka ay huwag kang magdalawang isip na sabihin sa amin" sabi ni Chris tumango lang si Ysabelle bilang sagot.

Akikasong akikaso at tudo ang pag-aalaga nila kay Ysabelle. Nakaupo si Ysabelle sa harap ng salamin. "You're lucky, you have such a wonderful life." kausap niya sa sarili. "You don't mind, don't you? After all you're kind and sweet." ngumisi siya.

To be continued

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon