Kabanata 9
Isang linggo ang lumipas mula nang natagpuan si Ysabelle, hindi pa rin nito sinasabi kung bakit hindi agad siya bumalik. "Umm, Mom, Dad?" pagkuha niya ng pansin sa kanyang magulang. Naghahaponan na sila, napalingon sa kaniya ang dalawa. "I want to go to school, tomorrow." paalam niya sa kanila. "Are you sure?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina. Tumango naman siya bilang sagot.
"Okay then" pagpayag ng kanyang ina. "But in one condition, from now on. Hatid-sundo ka naming ng daddy mo." seryoso niyang sabi. "What?! But Mom I'm not a kid anymore!" reklamo niya "You're mom is right, darling. It's for your own good." sabi naman ng kanyang ama. Napasapo siya sa kanyang noo saka tumingin sa kanila.
"I know that you're worried but you don't have to do this" reklamo niya sa kaniya. "Please, darling. Natrauma lang kami ng mommy mo." pakiusap ng kanyang ama. Napabuntong hininga si Ysabelle saka napilitan pumayag sa kondisyon ng kanyang magulang. "Fine!" sabi niya saka nagpatuloy kumain. Nahihiya lang siya dahil para sa kanya ay bata lang ang hinahatid sa school at may mga bata ring hindi na hinahatid ng magulang niya.
Nahihiya lang siya pero wala siyang magagawa kung yon ang gusto ng kanyang magulang.Tumikhim ang kanyang ina "Ehem, Anak, we knew it's been week pero pwedi mo bang sabihin sa amin kung bakit ka hindi nagpakita?" tanong ng kanyang ina. "Bakit hindi ka agad umuwi nang natakasan mo ang mga nangbastos sayo?" sunod nitong tanong. "Oo nga anak, bakit ni hindi ka man lang tumawag sa amin?" takang tanong ni Chris.
Nagdadalawang isip pa si Ysabelle kung sasabihin niya ang dahilan o hindi na. "Long story" tanging sagot niya. "Look I don't want to talk about it. I don't even want...(mumble)" tiningnan niya ng kaniyang magulang at umaktong hindi maganda ang kanyang pakiramdam at tumayo na siya. "Good night" sabi niya saka tumayo at pumunta sa kanyang kwarto. Nag-alalang nagkatinginan ang kanyang magulang, gusto talaga nilang malaman ang dahilan ng kanilang anak. Kaya sinundan siya ni Samantha nakita niyang pumasok sa loob ng kwarto si Ysabelle kaya nilapitan niya ito.
"Gagawa ka ba ng cookies?" tanong niya sa anak, nakasanayang kasi nitong lagi itong nagbebake ng cookies tuwing gabi para dalhin ito sa school. "No mom." sagot ni Ysabelle. Tumango naman ito. "Gigising ka ba mamayang medaling araw para makapaghanda ng baon?" tanong ulit niya. Napakunot at nagkasalubong ang mga kilay ni Ysabelle saka marahang umiling. "Oh, why?" takang tanong sa kanya ng ina, nakasanayan talaga nito na lagi yon ginagawa ni Ysabelle.
"I don't want to waste my time" sagot ni Ysabelle. "Mom, I'm going to sleep. Good night." isinarado ni Ysabelle ang kanyang pinto. Lumapit si Chris sa kanyang asawa na kanina palang nakikinig sa kanila. "Hayaan mo siya, Love. She was rejected by her crush before she's gone missing." paliwanag niya. "Y-you mean, kaya niya pinagpupuyatan ang mga yon ay dahil sa kanyang crush?!" konklusyon ni Samantha, alam niya kasi ang galawan ng isang teenager na may crush. Tumango naman sa kanya si Chris.
"Oh my god! Bakit hindi ko alam?!" sabi niya. Nag-alala siya kay Ysabelle, kung magsasalita sana ito ay nadamayan niya ito. "Kaya hayaan mo na siya, kelangan niya munang makapag-isa" inakay siya ng asawa niya papuntang kwarto nila. Nanuod muna sila ng paborito nilang palabas bago matulog, nang biglang lumabas ang breaking news.
"Ito ho ang nagbabagang balita, limang lalaki natagpuan patay sa isang nirerenovate na building. Ayon sa mga pulis ay isa silang grupong drug pushers. Ang nakakapagtaka ay wala itong nakitang karatolang may sinasabing sila ay drug pusher at huwag gayahin tulad ng natatagpuan iba pang patay na mga drug pusher at user. Wala ring nakitang pweding maging dahilan ng kanilang pagkamatay, ayon kay Detective Henry ay tulad din sila ng bigla na lang natatagpuang patay pero hindi alam ang dahilan ng kanilang pagkamatay." sabi ng reporter ng balita.
"Nagpapasalamat talaga akong walang nangyaring masama kay Ysabelle." sabi ni Samantha kay Chris. Sumangayon naman sa kanya si Chris. Samantala sa kwarto ni Ysabelle, nakaupo siya sa harap ng salamin. Nakabukas ang TV sa kanyang kwarto at naririnig niya ang balita, biglang nagring ang kanyang cellphone. Kaya sinagot niya ito.
BINABASA MO ANG
Behind that facade Book 1 (COMPLETE)
Mystery / ThrillerKilalanin si Ysabelle Fuentabella, ang mahinhin at mabait na dalaga. Nakilalaniya si Gian Garcia at nahulog siya rito ngunit nasaktan lang siya dahil pinahiya't sinaktan siya ng binata. Isang araw ay bigla na lang nawala si Ysabelle at nang nahanap...