Thirty

207 5 0
                                    

Kabanata 30

Dumating ang exam day nina Ysabelle. Ang iba ay busy sa pagpasa ng cheating answer, napapailing na lang si Ysabelle at sinagot ang mga questioner.

Habang sinasagutan nila ang Math questioner ay may ibinato si Trixia na papel sa desk niya. Kaya napatingin siya rito, Trixia mouthed to her.

"Read it."

Limingon si Ysabelle sa kanilang adviser na tinitingnan ang bawat estudyante kung nagkokopyahan ang mga ito o nangongopya.

Dahil napansin niyang laging napapatingin ito sa kanila ay inignora na lang si Trixia at nagpatuloy na lang ito sa pag-sagot.

Kaya inulit ito ni Trixia, this time ay sa papel na ito nakasulat ang "Read me".

Kinompol niya ito at nagpatuloy sa pag-sagot. Dahil don ay binato siya ulit ng papel. Napansin yon ng kanilang guro.

"Sandejas! Anong binabato mo kay Fuentabella?" masungit nitong tanong at lumapit sa kanila.

"A-ano.." nauutal at kinakabahang sabi ni Trixia pero pinutol siya ng kanilang adviser.

Kinuha kasi nito ang maliit na pirasong papel at binasa ito ng malakas.

"Ysa, help me to answer please!" pagbasa niya sa unang piraso.

"Just pretend to lend me a sratch paper." pagbasa nito sa pangalawang papel.

Bumaling siya kay Ysabelle at nagtanong.

"Fuentabella, be honest okay if you want to pass. Pinagbigyan mo ba si Sandejas?" nakataas pa ng kilay niya at nakapameywang kay Ysabelle.

"Nope." maikling sagot ni Ysabelle.

"Is anyone notice her giving Trixia a peace of paper?" tanong niya sa kaklase nila lalo na yong mga nasa likod nila't katabi.

"You can search in her table or her if you don't believe me." sabi ni Ysabelle rito.

Kaya ginawa iyon ni Ms. Santos ang bago nilang adviser.

"Kung sino ang mahuhuli kong nagkokopyahan at nangongopya ay invalid ang nitake niyong exam at magreretake kayo. Naiitindihan niyo?" banta niya sa mga studyante.

Para sa iba ay pagkakataon ang pagretake ng exam pero ang mga studyante na umaasa sa cheating ay dead end ito.

Ballpen lang kasi ang pweding dalhin at nasa harap mo lang ang principal, ang vice principal at ang guidance.

Kapag nahuli kang nagcheat ay bagsak ka na sa subject.

Tiningnan ni Ms. Santos ang bawat sulok ng mesa ni Trixia, she even inspect her ballpen just to make sure.

"Sandejas, titingnan ko ang laman ng mga bulsa mo." sabi niya kay Trixia.

Hindi na ito nakapalag at tiningnan nga ni Ms. Santos ang bawat bulsa nito. Hindi rin niya pinalampas ang magkabilang braso nito at ang sapatos nito.

Dahil wala siyang makita ay pinalampas niya si Trixia, iyon nga lang ay dapat siyang maupo sa unahan malapit sa mesa ng guro.

Nagpatuloy ang pagsagot nila sa kanilang exam. Nang matapos sila ay agad nilapitan ni Trixia si Ysabelle.

"Sorry, friend! Muntik ka pang mapahiya't makapagretake ng exam." paumanhin nito kay Ysabelle.

"Tsk, study hard then and take a memory plus capsule!" payo niya rito.

Sa lagay ng utak ni Trixia ay dapat talaga itong uminom ng memory plus.

Since half day lang ang exam week nila ay maaga silang uuwi.

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon