Fourteen

377 10 7
                                    

Kabanata 14

Kinabukasan pagkatapos ng Halloween Party ay madaming pulis at SOCO team ang nasa loob ng school, kahit walang pasok ay napilitan pumasok ang ilang studyante para matanungan kung ano ang nangyare. Pagkatapos kasi ng palaro at nalibot ang guwardya ay may nahanap itong bangkay, nakacostume ito ng zombie at lalaki pa ito. Hindi pa alam kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito at nitong madaling araw lang inimbestigahan ito.

"Grabe nakakatakot ang nangyare sa kanya" sabi ng isang babae.

"Baka sa sobrang takot ay nagkaheart attack siya." konklusion ng isa.

Kumalat yon sa lahat ng studyante at nabahala ang mga magulang nila dahil sa una ay may nawawalang studyante, yon ay so Ysabelle. At ngayon ay may namatay na hindi pa alam ang dahilan. Naging usap-usapan yon ng mga studyante kaya nakarating ito sa kanilang mga magulang.

"Ano ba yang nangyayare sa school niyo? Sunod sunod na ang mga nangyayaring hindi maganda" tanong ng parents ni Sofia.

"Mom, Dad, hindi yan maiiwasan." pagrarason ni Sofia sa kaniyang mga magulang.

"Kahit na, ang concern lang naming eh ang hina na ng seguridad ng school!" nakapameywang sabi ng kanyang ina.

"And because of that, were hiring a bodyguard for you." paginform sa kanya ng tatay niya.

"What?!" gulat na tanong nito.

Ayaw sana ni Sofia kaso seryoso ang kanyang magulang, kaya ayon nang nakarating siya sa school ay yon ang chika niya sa dalawa.

"I feel you! Ako rin balak maghire ng bodyguard ang mga magulang ko." sabi ni Trixia.

"Ikaw, Ysabelle? Maghahire rin ba ang mga magulang mo ng bodyguard?" tanong ni Sofia kay Ysabelle.

Nilampasan lang niya sila at umakktong walang narinig.

"Ayan na naman siya, tinatanong natin pero hindi sumasagot" reklamo ni Trixia.

"Nakakatampo na!" sang-ayon ni Sofia.

Nadaanan nila si Detective Henry, nang nakita nito sila ay tinawag niya sila. "Alam kong nakakatakot ang nangyare kagabi pero, gusto sana naming kayong tanongin" paalam niya sa kanila.

"Okay" pagpayag ni Sofia. Lalagpas sana si Ysabelle pero tinawag siya. "Ikaw rin Ms. Fuentabella. Saglit lang naman ito." pagpigil niya, kaya walang magawa si Ysabelle kundi harapin ang detective. "If you're asking where I am during that time, I was in hallway running away from zombies" agad niyang sabi.

"Kami rin detective, tumatakbo kami saka nagtago sa isang abanonadong klase." paliwanag nina Sofia at Trixia. "Wala ba kayong napansin na kakaiba?" tanong pa ulit nito sa kanila. "Wala ho" sagot nina Sofia at Trixia. "None" sagot naman ni Ysabelle. "Okay, makakaalis na kayo." sabi nito. "Nga pala Detective sino pala ang namatay at ano ho ang dahilan?" kursyodad na tanong ni Trixia. "Ang pangalan ay Tomas Legaspi, kilala niyo ba?" tanong nito ulit. Dahil tsismosa si Sofia at sa kanilang tatlo ay marami siyang kilala sa campus.

Nagulat siya sa kaniyang nalaman, naiiyak siya. "T-totoo ang sinasabi mo? S-si Tomas talaga?" hindi niya nakapaniwalang tanong. Tumango ang Detective Henry. "Kaano ano niyo siya?" tanong niya. "Crush!" sagot agad ni Sofia. "Hindi ko siya nakakausap pero matinik ho kasi yon sa mga babae." paliwanag naman ni Trixia. Isinulat naman yon ni Detective Henry.

Dahil hindi naman kilala ni Ysabelle ang pinag-uusapan ay lumayo siya bago pa siya matanongan. Mula sa malayo ay natanaw niya si Eugene na tumatakbo papunta sa kanya nang nakalapit ito ay humihingal na siya. "Mabuti at nakarating ka, halika na't nang maayos natin ang problema. Tayo ang sinisisi ng Principal dahil hindi natin ni-check kung ligtas ang mga studyante" saka hinila si Ysabelle.

Behind that facade Book 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon