Kabanata 5

27 5 0
                                    


Kabanata 5

Restrained

"Thank you Red. I love you. Tara kain na tayo."


Nakatulala ako sa sinabi ni Rain kaya ito ako ngayon nag-iisip nang mapansin ko ang tuwalyang nakapulupot sakin at ice bucket na nakapatong sa coffee table. Dun ko napagdugtong-dugtong ang pangyayari at mga pinaggagawa niya. Tiningnan ko ang loob ng tuwalya ko. Tama ako nang hinala. Kaya binutones muli ang uniform ko at nilpag ang tuwalya sa sofa.


Sumunod ako sa kusina at nakitang nagluluto si Rain. Mabilis niyang nahihiwa ang mga sangkap at hinuhulog sa kaldero na pinaglulutuan niya. Hinahalo niya ito nang napatingin siya sakin.


"Oh, anong tinatayo mo diyan? Maghain ka na kaya para makakain na tayo. Saglit na lang maluluto na to' konting hintay na lang." sabay ngiti sakin. Isang inosenteng ngiti na nagpabilis ng puso ko.


Nagmamadali kong sinunod ang inutos niya dahil sa pagkataranta na baka mapansin niyang natutulala ako. Sabay kami kumain at nagkwentuhan tungkol sa school at lolo. Nagligpit kami ng pinagkainan at dinala niya ko sa guest room ng condo niya. Tumungo na siya sa kwarto niya kaya lumundag ako sa malaki at malambot na kama. Humiga ako at tiningnan ang kisame nang nanumbalik sakin ang sinabi niya kani-kanina lang.


Thank you Red. I love you. Tara kain na tayo.


"Hay! Naku for sure wala lang sa kanya yun. Ganun siguro siya sa ibang babaeng nakakasama niya." Bulong ko sa sarili ko. Biglang may parang mabigat ang dumagan sakin sa iniisip ko. Napabuntong hininga na lang ako at bumulong. "...Pero bakit ganun ang sarap pakinggan."


Nagising ako nang may marinig na isang magandang musika galing kung saan. Sinulyapan ko ang orasan sa phone ko 5:23 palang ng umaga. Umupo ako mula sa pagkakahiga nang mapansin ko wala ako kwarto ko. Bigla ko naalala ang kahapon. Ay! Oo nga pala, dito ako pinatulog ni Rain.


Tumayo ako at sinundan ang musikang pinapakinggan nang makarating ako sa isang kwartong may kakaibang disenyo. Malaki ito at magandang ang pagkakainterior sa salamin na parang mga bintana. Sumilip ako sa isang bintana ang nakita ko si Rain na tumutugtog ng piano sa loob. Seryoso ang mukha nito at depinang-depina ang kagwapuhan nito.


Tumigil siya kaya napayuko ako bigla dahil sa takot na malaman niyang piangmamasdan ko siya. Sa sobrang pagkamangha ko sa kanya di ko namalayang pinipigilan ko na pala ang aking paghinga. Lumilinga-linga pa ko sa paligid dahil naisipan ko na umalis para sure na di niya ko mahuli nang muli siya tumugtog. Pero this time iba ang dating ng musika niya, pinikit ko ang mga mata ko at pinakinggan mabuti ang musika. Ramdam ko ang pagkagiliw nang tono nito nang narinig ko ang boses niya na umaawit.


Napadilat ako tiningnan siya muli sa bintana. Nanlaki ang mata ko nang nakitang umaawit siya. Sa bawat pagbigkas niya ng lyrics nang kanta ay may mga ngiting naiiwan dito, pumikit pa siya at dinama ang awit. Puno ng pagmamahal ang lyrics nang kanta niya, ang tono nito ay slow na medyo sweet, at ang boses niya. Grabe! Dakila! Ang init ng boses niya, ang sarap sa tenga lalo na nang kinanta niya ang mataas na parte nito. Kilabot ang bumalot sa buong katawan ko at tila inugatan na ko sa pagkakatayo ko dito.


Nang matapos siya sa kanyang awit tumayo siya at tinakpan ng tela ang piano niya. Naglakad na siya papuntang pinto kaya naman dali-dali akong tumakbo pabalik sa kwarto at humiga sa kama na parang natutulog. Maya-maya nadinig ko siya kumatok, di ako sumagot at nagkunwaring natutulog pa. Nadinig ko ang pagkabukas ng pinto at mga yapak niya na pumasok sa kwarto ko.


"Red, wake up ka na. May school pa tayo. Bangon na."


Sheet of paper! Nakalimutan ko ung school nga pala! Ano ba yan, Red, anong pinaggagawa mo sa buhay mo?


"Bangon na, dali na." Sabay tapik sa braso ko.


"Uhm, O-oo susunod na ko." Tumango siya sakin at lumabas ng kwarto.


Tumatakbo ako ngayon papuntang library para siputin si Bea para gawin ang project namin. Katatapos lang ng klase namin, nalate kami pareho ni Rain dahil dumaan pa kami sa bahay ko para magbihis ng damit paglabas ko ng pinto akala ko nauna na siya yun pala hinintay niya ko kaya yun pareho kaming nalate.


Pumasok ako ng library at hinanap si Bea. Nang nakita ko siya tumabi agad ako sa tabi niya. Gumawa kami ng project namin pero parang ang tahimik masyado ni Bea. Di ito nagsasalita unless magtatanong o sasagot pag tinanong ko. Nang natapos kami tatayo na sana siya pero hinablot ko ang braso niya at pinaupo ulit.


"Bea, nagtatampo ka ba sakin? Dahil ba yun kay Rain. " Kumalat na kasi sa barkadahan naming yung nangyari sa ospital. Sa kadaldalan pa naman ni Kim e.


Umiling siya at tumingin sakin. "Red, hindi. Marami lang ako iniisip ngayon at tsaka aaminin ko nagtampo ako kasi may nililihim ka sakin pero kung ayaw mo sabihin rerespetuhin ko yun kasi bestfriend kita."


"Sorry, Bea. Sasabihin ko naman sayo kaso natatakot kasi ako."


"Takot? Bakit naman?"


Kinuwento ko sa kanya lahat nangyari pero syempre hindi kasama yung contract ang sinabi ko lang nagtratrabaho ako bilang sikretong gf ni Rain para panggamot ni Lolo.


"OMG! Really? Wow, Red, Congrats dalaga ka na!"


"Sira, kaso Bessie. Bakit ganun kakaiba yung nararamdaman ko pagnandiyan siya?"


"Halah! Girl! Wag ka mafall sa kanya, masasaktan ka lang."


"Grabe ka huh! Fall agad, parang kakaiba lang yung feeling e."


"Hindi, Bessie! Crush, Attracted, Infatuation, fall, love, or whatsoever pa yan. Wag, Red." Bigla siyang yumuko at tumingin ulit sakin. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Basta, magtiwala ka sakin. Wag."


Pagkasabi nun tumayo na siya at umalis. Nagtataka akong tiningnan ang likuran niya habang naglalakd paalis. May nararamdaman akong di tama, parang may Malaki itong problemang inaalala.

Playful BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon