Kabanata 9
True Feeling
Papasok ako ng school, nasa gate pa lang ako ay pinagtitinginan at bulungan na ko. Mga matatalim na matang nagmamanman sa bawat galaw ko. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad nang makasalubong ko si Bea.
"Bessie, ikaw ba yan?" Nanlalaking matang bungad niya sakin. "Himala! Di mo tinali buhok mo? Ano meron? Birthday mo?"
Napangiti ako sa sinabi niya at gumaan kahit paano ang pakiramdam ko. "Sira! Hindi nu! Aga aga nababaliw ka na naman, bes" sabay palo sa braso ni bea. " Tara na baka malate pa tayo.
Sabay kami nagpatuloy sa paglalakad habang tinutungo ang classroom. "Ee kasi naman, bes, nakakapanibago nakalugay yung buhok mo ngayon. Ano ba kasi talaga meron?" Sabay kami gumagikgik sa pinag uusapan namin. Nang may biglang sumigaw.
"Hay, naku! Lakas talaga ng loob magpakita pa sa school. Di man lang nahiya."
"Oo nga e! Feeling may magbabago pag nilugay niya buhok niya, makati ka pa rin."
Nilingon namin ang tatlong nagsalita at tama ako ng hinala ang grupo nila Kim yun. Nangilid ang luha sakin mga mata lalo na nung magtama ang aming paningin. Mataray na inirapan ako ni Kim at tinaasan ng kilay.
"Bes, hayaan mo sila! Wag mo na lang sila pansinin!" Sabay hila sakin ni Bea palayo.
Natapos ang klase nang lumulutang ang utak ko. Nakaupo pa rin ako sa upuan ko habang hinihintay maubos lahat ng estuyante sa room. Katahimikan ang bumalot sa buong paligid ng mga sumunod na minuto. Sana ay maging successful ang lahat. Ngunit patuloy na may gumugulo sa isip ko. Dapat pa ba ako magpatuloy sa pagiging slave niya? Umusbong amg kirot saking puso sa huling inisip ko na tila ba ang paglayo sa kanya ang hinagpis sakin.
"B-b-bes?" Natigil ako sa pag iisip nung narinig ko ang boses ni Bea. Nilingon ko siya at naabutang naglalakad papunta sakin. Inabot niya sakin ang isang puting envelope. "Bes, hintayin kita dito sa room."
Binuksan ko ito at binasa. Pinapatawag ako sa guidance para kausapin tungkol sa issue na kumakalat tungkol sakin at kay Rain. Tumayo ako at nginitian si Bea bago umalis.
Kinausap ako ng guidance counselor nang dumating si Rain. Ang pagkakita sa kanya ang nagpabilis ng tibok sa aking puso. Umupo siya sa harap ko at nagsimula na ang meeting. Pinaliwanag namin ang nangyari nung nasa picture.
"Pero ganun pa man di niyo dapat ginagawa yun mapa sa school man o wala. Mga bata pa kayo para sa bagay na yun. Lalo ka na Miss Riquel, scholar ka pa man din."
Tumayo si Rain na ikinagulat naming lahat. Hinila niya ang kamay ko at niyakap niya ko. "Sorry po sa nagawa namin. Sadyang mahal lang po namin ang isa't isa, kung may kaparusahan man po kayong ibibigay samin, sakin niyo na lang ibigay lahat dahil ayoko na pahirapan at makitang umiiyak muli ang pinaka mamahal kong babae. Masyado na maraming paghihirap at sakripisyo ang ginawa ni Red. Please excuse us."
Hinila niya ko palabas ng guidance counselor office hanggang makalayo kami doon. Tumigil kami sa gitna ng hall way kung saan bigla niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. Nakaramdam ako ng tuwa sa kilos niyang yun, para bang naglalaho ang paligid at tanging kumikinang na mga bituin ang nasa paligid namin. Ang init ng yakap niya ang tumutunaw sa kalungkutang nadarama ng puso ko. Bakit ba ang taong to kayang kaya niya gawin at iparamdam sakin to? Bigla bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Tara, umuwi na tayo." Bumitaw siya sa yakapan namin a t ngumiti ng isang napaka inosente ngunit nakakahawang ngiti.
Tumango ako sa kanya at ngumiti din. "Pero kukunin ko muna yung gamit ko sa room at magpapaalam muna ko kay Bea. Hinihintay kasi ako nun e."
Hinalikan niyang muli ang noo ko at diniin ang noo niya sakin "Ok, baby, pero bilisan mo huh mamimiss kita. Bahala ka baka makatanggap ka ng punishment pag tinagalan mo."
Humiwalay ako sa kanya at tumalikod sa kanya. Bigla niya pinalo ang pwet ko at tumawa. "Bilisan mo na. 15 minutes hintayin kita sa tapat ng building natin."
Dali-dali akong tumakbo pabalik ng classroom at naabutan ko si Bea na nagtetext sa cell phone niya. Nilingon niya ko at pinagmasdan nang mabilisan kong iligpit at kunin ang gamit ko.
"Bes, sorry di ako makakasabay sayo ngayon. Sasama ako kay Rain."
"P-pero bes, di ba sabi ko lumayo ka na sa kanya, bes. Masasaktan ka lang." Nag-aalalang tumitig siya sakin.
"Alam ko, bes, pero mahal ko na kasi siya. Alam ko, bes, mahirap...... Sorry, bes." Nangingilid na ang mga luha sa mata ko.
Tumayo siya at ngumiti sakin. "Sige, bes, mag iingat ka." Medyo pumiyok pa siya habang sinasabi ito sakin. Tumango ako sa kanya at yumakap. Dali-dali ako lumabas para puntahan si Rain.
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romance"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...