Kabanata 30
Photoshoot
Today is a big day. Photoshoot ng SQEEZE ngayon para sa mga posters at billboard ng mga irerelease na damit next month. Nagmamaneho ako ngayon papuntang venue para mag assist at mag deicide na din sa mga photo. Huminto ako sa traffic light ng maalala ko ang nangyari kahapon. Fresh na fresh pa rin ito sa alaala ko na nagbibigay kirot sa aking dadamin. Mga nag babadyang luha ang naghihintay sakin nang napapiksi ako dahil narinig ko ang pagbusina ng nasa likod ko. Napapikit ako saglit upang magtanggal ang luha sa aking mga mata bago magpatuloy sa pagmamaneho muli.
Puno na ng mga staff ang set nang makarating ako. Agad ko naaninag si Mitch sa di kalayuan kausap ang mga alaga niya. Dahan-dahan ako lumapit ng mapansin ko na kumpleto sila. Nagkrus anng paningin namin ni Rain nung makalapit ako ngunit agad din ako umiwas dahil sa pait na gumihit saking puso.
"Good Morning, Red. How's your day? Naku! Super Excited na ko." Bati sakin ni Mitch nung napansin ang presensya ko.
Sumunod na bumati din sakin ang Squeeze. Tipid akong ngumiti sa kanila. Pinagpatuloy namin ni Mitch ang pag-uusap tungkol sa mga plano namin sa dadating na release. Buong araw ko iniwasan at di pinansin si Rain. Tanging naging interakyon lang yata namin ay yung batian kaninang umaga. Pait at lungkot ang nararamdaman ko tuwing nagiging malapit sa kanya. Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa pinapahiwatig niya sakin.
Umakyat ako sa rooftop para magpahangin at doon na din magoahinga. Nakakapagod ang araw na ito lalo na dahil mabigat ang nararamdaman ko.
"Iniiwasan mo ba ko?" Nagulat ako nung may marinig na nagsalita sa likod ko. Agad nanginig ang kalamnan ko sa boses niya. Di ko napansin ang pagsunod niya sakin dito. Agad naman bumilis ang tibok ng puso at nagbara ang lalamunan. Unti-unti ko siya nilingon hanggang sa maging magkaharapan kami. Sinuklian lamang ng titig ko ang tanong niya, di ko malaman kung ano ang sasabihin o kahit gagawin man lang.
Bumuntong hininga siya bago ipagpatuloy ang sinabi. "Look, I know I hurt you physically and mentally and it's already happen but still I'm sorry but I will not apologize because I don't regret it. Masaya ako na may nangyari satin kahit pilitan pa kahit pa I'm will become a fucking another man of yours."
Muling nagbadya ang luha saking mga mata. Gayunpaman, piniit ko pa rin ilabas ang boses at katanungan na nais ko sabihin noon pa man sa kanya. "Do you really loved me back then or it just a part of contract?"
Umiling siya at yumuko "My loved for you is doesn't matter anymore because I'm not a right man for you and......."
"How do you say that after mo pinaglaban ang relasyon natin sa magulang mo? Bakit mo ko pinotektahan mula sa magulang mo ng palihim? Kahit na halos itakwil ka nila? Dahil lang ba sa awa? O dahil parte pa rin ba yun ng contract? Nagmamabuting loob ka, ganun?"
Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha bago muling tumugon sakin. "No, no, I..... I mean" tumingala siya at bumulong bago muli tumingin ssakin. "it's not like that. I....." Umiiling-iling siya habang sinasabi sakin ang kanyang sagot na para bang hindi ko ito dapat malaman. "Tsk! Ginawa ko yun dahil gusto ko, hindi dahil sa awa o pagmamabuting loob na katulad ng sinasabi mo. I'm sorry di na natin dapat pag-usapan to."
"Do you loved me back then? Please, tell me the truth. I'm begging you." Nagsimula na magtuluan ang aking mga luha at ang aking paghikbi ay di ko na mapigilan pa. Tila sasabog na ko pagpatuloy ko pa sinarili at binalewala ito. "Kahit yun lang. Please." Pumipiyok kong pakiusap sa kanya.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko tsaka bumuntong-hininga. "Red...."
"Rain! Si Kim......" pareho kami napatingin kay Paulo na nasa pintuan, mapapansin ang mabilis na paghinga nito dahil sa pagmamadali kasabay ng kabadong ekspresyon nito. "Pre, si Kim!"
"Bakit? Anong nangyari?" Nabitawan agad ako ni Rain dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nagpapanic ang reaction nito at humahalo ang pag-aalala nabubuo sa mga mata niya. Humakbang siya ng dalawa beses palayo sakin kaya dali-dali kong inabot ang braso niya para pigilan siya. Tumingin siya sakin bago inalis ang kamay ko sa braso niya ang nagmamadaling umalis. ng di man lang ako nililingon.
Naiwan ako nakatulala dun nang napansin ko si Paulo na nasa pintuan pa rin. May gulat sa mga mata niya kaya napayuko nang naalala ko na may bakas pa ng mga luha sa aking pisngi. Tumalikod ako sa kanyang direksyon at pasimpleng pinunasan ang aking pisngi.
"I'm sorry."
Yung ang huling katagang narinig ko bago ko madinig ang mabilis na yapak nito palayo hudyat na umalis na ito. Muling di nagpaawat ang aking mga luha dahil sa dissappointment, sakit, at lumbay. Nakakainis! Ano ba meron siya para ganun na lang kabilis magbago si Rain pagdating sa kanya? Yung mga ngiting dati sakin lang nakalaan ngayon sa kanya na? Ang matamis na paghaplos tuwing naglalambing siya'y wala na. Ang mga surpresang dati'y lagi ko inaabangan ngayon sa kanya pa rin. Ano bang meron siya? Ganun ba siya kasaya sa kanya para ganun na lang siya pahalagahan ni Rain.
Wala na siya. Hindi ako ang pinili niya. Ni hindi niya masabi sakin kung mahal niya ko. Ganun ba ko hindi kaworth it? Para iwan na lang palagi? Pinaglaban niya ko dati pero para san pa kung wala naman siya sa tabi ko? Sa tabi namin ng anak niya.
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romance"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...