Kabanata 26

15 1 0
                                    

Kabanata 26

Together


Umaalingawngaw ang tunog ng mga makina sa buong working center. Nililibang ko ang sarili ko buong araw sa mga trabaho dito. Ayoko muna mag-isip nang kung anu-ano, gusto ko munang magfocus dito. Sa dami ng nangyari sa tingin ko sasabog ako sa mga nalalaman ko at the same time sa mga panibagong tanong nabuo sa utak ko. Nandito ako sa office ko para tumutulong sa mga tatahiin at siguraduing maganda ang quality nito.


Simula nung araw na yun, madalas ang pagpunta samin ni Rain ngunit ganun pa man di niya ko kinakausap at malamig ang pakikitungo niya sakin. Minsan nga naaabutan ko pa siya ng hating-gabi samin kasi siya ang nagpatulog kay Mark. Si Nathan naman ay bumalik ng New York para sa isang business conference kaya talagang madalas naiiwan si Mark kay Rain.


Nagsimula na ko ayusin ang gamit ko para umuwi. Naglakad na ko palabas at nagpaalam sa mga co-workers ko. Dumiretso ako ng parking lot at sumakay agad ng kotse ko nung nalapitan ko ito. Napadaan ako sa school na pinag-aralan namin noon, napangiti ako nung maalala kung paano nagsimula ang contract noon. Yung mga halik niya sakin nung nasa rooftop kami ng school. Tumigil ako sa pagmamaneho nung may nadaanan akong cake shop. Nagcraved ako sa chocolate cake kaya pinark ko ang kotse tsaka bumili.


Mag-aalas otso na nung nakarating ako sa condo. Naabutan ko si Rain na nagluluto sa kusina samantalang si Mark ay pumapalakpak na pinapanuod ang ama niyang magluto. "Mommy!"


Napatigil si Rain sa ginagawa niya nung napansin niya ang pagdating ko. Inilapag ko ang cake sa mesa at hinalikan sa pisngi ang anak ko. "Kamusta ang baby ko? Naging good boy ka ba? Mommy's bought you a cake."


"Really? Thank you Mommy but I will eat it later because Daddy says I need to eat a proper dinner first to be a strong man like him." Napatingin naman ako kay Rain na pinagpapatuloy ang pagluluto.


"Tutal ikaw na naman nagluto, dito ka na din kumain." Mahinang sabi ko kay Rain. 

"Yeah, Mommy! You join us too." Sagot ni Mark sakin. Napangiti ako at kinurot ang pisngi niya.


Nagulat na lang ako nung naghanda ng tatlong plato sa mesa si Rain. Napaupo na lang ako at hinintay na matapos ang niluluto niya. Inilagay niya ito sa gitna at aming pinagsaluhan, naunang kumuha si Rain ng kanin para lagyan ang plato ni Mark sinunod niya ang ulam at hiniwa ang pork para madali itong makain ng bata tsaka nagsalin sa sa plato niya. Kumuha na din ako habang busy siya sa pag-aasikaso kay Mark.


"Daddy, bakit di ka dito sleep?"


Natigilan kami dalawa sa tanong ni Mark, sasagot na sana ko nung naunahan ako ni Rain. "Because I can't....."


"But I love you Daddy.... so we should be together." Sagot nito sa ama tsaka nagtanong sakin. "Di ba Mommy you said we lived in one house because we loved each other."


"Because baby. We can't because your Daddy have his own life." Nagdadalawang isip kong sagot sa bata.


"But you said we loved Uncle Nathan that's why he lived with us, right? So me too, I loved Daddy so why not he lived with us? It is because you don't loved Daddy?"


Nagulat ako sa inosenteng tanong sakin ni Mark. Di ko makapa ang dapat ko sabihin o isagot. Nahihirapan ako mag-isip ng paliwanag na pwede niyang maintindihan. Napatingin ako kay Rain na nakatitig lang sakin.


"We can't lived together because me and your Mom is not married." sagot ni Rain sa bata.

Kumunot ang noo nito na para bang nalilito, nagpabalik-balik ang tingin nito samin dalawa bago magtanong ulit. "Is that important? But why Uncle Nathan and Mom is living together even there not married?"


Nabulunan ako sa sumunod na sinabi ng anak ko. Umubo-ubo ako at agad ko naman inabot ang baso ng tubig na malapit sakin. Nang makabawi na ko ay agad ako ngumiti ng pilit at sinabihan si Mark. "Baby, you want to be strong like Daddy, right? So you must finish your food."


Nagtatakang tumingin ito sakin ngunit kumain nang muli. Naghugas ako ng plato pagkatapos namin kumain habang tinutulungan ni Rain sa mga assignments niya si Mark. Pagkatapos ay nanuod na lamang ako ng kung anu-ano sa sala, sa sobrang bored ay bumigat ang talukap ng aking mga mata kaya sumandal ako at pumikit saglit.


Pagdilat ko ay nakaupo na sa sofa si Rain. Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa orasan sa pader. 1AM. Ganun na ba ko katagal natutulog dito? Napasuklay ako ng buhok bago muling tingnan si Rain. Tumingala siya at isinandal ang ulo sa sofa.


"Tulog na si Mark, di ako makaalis dahil walang maglolock ng pinto."


"Naka-auto lock naman yun e." sagot ko sa kanya.


"Alam ko. So sinasabi mo na pwede na ko umalis ng basta-basta na lang ng di nagpapaalam?"


Umiling ako at natahimik. Lumipas ang minutong tahimik lang kami. "R-raine, I'm sorry." Hinintay ko na tingnan niya ko ngunit hindi. Nanatili lamang siya sa ganung posisyon. "Alam kong galit ka kasi sa paglilihim ko tungkol kay Mark kaya humihingi ako ng sorry tungkol dun. I'm sorry dahil ang manhid ko" Nagsimula nang mangilid ang luha sa aking mga mata ngunit pilit ko itong pinipigilan sa pagbagsak nito. "I'm sorry nang dahil sakin kontik ka na itakwil ng magulang mo."


Naalarma ko nang bigla siyang tumayo at humakbang paalis. Kaya tumayo agad ako at tinakbo ang kaunting distansya nagawa niya. Hinila ko ang braso niya para pigilan siya sa pag-alis. Lumandas na ang luha sa aking mga pisngi. "Bakit ba ganyan ka? Di kita maintindihan. Di ko alam kung paano kita patutunguan. Di ko alam kung ano ang gusto mo, naguguluhan na ko sa'yo."


Lumingon siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Hinalikan niya ang likod nito tsaka hinawakan ang pisngi ko. Lumapit siya sakin at dinampian ng mainit na halik ang aking labi. Mahinahon ito at mabagal na tila dinadama ang bawat segundong ng pagdidikit nito. Pinikit ko ang aking mga mata. Ang kabog ng dibdib ko ay pabilis ng pabilis habang ang aming halik ay lumalalim hanggang sa ito'y nawala.


Mabilis kong idinililat ang aking mga mata at nasaksihan ang paglabas niya ng pinto. Napahawak ako sa labi ko at napaupo sa sahig kasabay ng pagkawala ng mga luha ng kalungkutan mula sa aking mga mata.

Playful BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon