Kabanata 18
SQEEZE
After five years ...
Tok! Tok! Tok! Tok!
Tumutunog sa bawat pagtama ng heels ko sa sahig ng airport habang naglalakad ako. Papalabas ako ng gate ngayon nang sumabog ang mahaba buhok ko dahil sa lakas ng hangin. Tumingala ako sa langit na ngayon ay may papasikat na ang araw. Luminga-linga ako sa paligid para maghanap ng masasakyang taxi. Wala ako nakita kaya nagtanong ako sa makakasalubong ko.
"Uhm .. Excuse me? Can I ask you a question? Saan ang sakayan ng taxi dito?" tanong ko sa lalaking nakasalubong na nakatulala lang sakin para bang di makapaniwalang nag-eexist ako. Tiningnan niya muna ko mula paa hanggang ulo ng pabalik-balik bago sumagot. "Uhm... ano... dun." Sabay turo dun sa plaka na may nakasulat na taxi bay.
Ngumiti ako sa lalaki at nagpasalamat bago muling lumakad. Ano ba yan? Tatanga tanga ka talaga Red di ka nagbabasa. Pagkasakay ko ng taxi ay agad ko sinabi ang address ng condong nabili ko 2 years ago. Umandar na ang taxi, pinagmasdan ko ang bawat dadaanan namin. Ang laki ng pinagbago dito, kamusta na kaya sila. Namiss ko dito sa Philippines.
Pagkababa ko ay dali-dali ko tinungo ang floor ng condo unit ko at pumasok. Tumawag agad ako sa service para padalhan ako ng pagkain dahil nagugutom na ko. Nakatulog kasi ako buong byahe sa eroplano kaya di din ako nakakain dun. Habang naghihintay ay pumasok na ko sa kwarto ko (na nilaan ko para sa sarili ko) at nagbihis. Nung dumating ang pagkain ay agad kong binayadan at kinain.
Maya-maya pa ay bumababa na ko sa lobby para maghanap ulit ng taxi. May meeting kasi ako ngayon sa kapartnership ng company namin ni Dad tungkol bagong theme at designs ng damit namin. Nang makarating ay agad akong sinalubong ng mga isa sa mga kapartneship ng new product na ito.
"Good Morning, Ms. Zyler. How are you? Welcome back to the Philippines!" Bati sakin ng matanda pagkakita sakin.
"I'm fine, Mr. Alvido. Thank you!" Tugon ko, ilang sandali pa kami nagkwentuhan habang papunta kami sa meeting room. Nang makarating kami ay ready na ang lahat pati na rin ang magprepresentation. Nang mapansin ko na may apat na upuang blangko sa pagitan ko at babaeng nagpakilalang Ms. Mitch. "Sino pa ang kulang?"
"Uhm, Ma'am, ang SQEEZE po wala pa. Pero parating na din yun." sagot ni Ms. Mitch.
"Ok, can we start without them?" Tanong ko dahil medyo pagod pa ko sa byahe at gusto ko umuwi agad.
"Sure." Sagot nila kaya sinimulan na namin ang meeting. Nagpakilala silang lahat sakin bago magsimula sa presentation. Nagtake notes naman ako habang nagdidisscuss ito upang di mawala sa isip ko ang suggestion nilang design for our new product.
Halos tumagal din ang meeting dahil sa mahabang disscussion at malagong ideas nila. Pagod man ay naexcite ako dahil sa flow ng storming namin lalo na dahil magagaan kasama ang nasa team na ito. Nakipagshake hand na kami at batian sa isa't-isa indication na tapos na ang meeting pero bigla bumukas ang pinto kaya lahat kami ay napatingin dito.
"Sorry, we're late." Biglang pasok ng lalaking nakaitim na office attire na humahangos pa sanhi ng pagmamadali. Sinundan pa ng tatlong lalaki sa likod niya. Lahat kami sa loob ay walang nasabi sa bigla nilang pagdating.
"Uhm, guys. I think sasabihin ko na lang sa inyo yung mga napag-usapan namin dahil super late na kayo at tapos na ang meeting." Nakangiwing sagot ng manager nilang si Ms. Mitch
"Sorry po talaga, Ma'am at Sir. Nalate po kami ng gising at natraffic po kami." sagot nung lalaki.
"That's ok, guys. You can in." Aya ni Ms. Mitch sa kanila. Pila-pila sila pumasok sa pinto, ang unang lalaki ay tumabi kay Ms. Mitch na sinundan ng iba pa nitong kasama.
Nagsimula na ko mag-ayos ng gamit para makalabas na din tulad ng iba at para bigyan sila ng privacy para maexplain ni Ms. Mitch ang nangyari sa meeting. Nang kinalabit ako ni Ms. Mitch. "Ma'am, pakilala ko po sila. Sila po ang SQEEZE at mga napili natin model for the new clothing design."
"Oh, it's so nice to meet you guys. I'm Mitsuyuki Red Zyler, you can call me Ms. Red." Ngitian ko sila at isa-isa silang nagpakilala.
"Hi, I'm Paulo Arquez. Nice to meet you, Ma'am." Pakilala nung unang lalaking pumasok sa pintuan kanina. Gwapo siya, maamo ang mukha at may katangkaran.
"I'm Domino Zalbien," Pakilala ng iba pa nilang member. "and this is my twin brother Miguel Zalbien." tinaas nito ang kamay at kamaway bahagya sakin.
Naglakad si Paulo at nilapitan ang huling member nila na nakayuko. "And this is..." sabay akbay dito at hablot ng phone nito na kanina pa niya hawak. "Marky Rain Rivas." Ngumiti ito na parang proud na proud sa pinakilala.
Samantalang ako nag-echo na sa pandinig ko ang pangalan niya. Natulala ako at pinilit ngumiti. "Hi, Mr. Ri-Rivas."
Napasinghap ako nang tumingin siya sakin diretso sa aking mga mata. Malamig siyang tumitig sakin. Bigla na naman nabuhay ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa muling pagkakakita sa kanya. Ang laki nang pinagbago niya halos lahat na tila ba di ko na nakilala ang taong nasa harap ko ngayon. Inilahad niya ang kamay niya sakin.
"Nice to meet you too, Ms. Red." Wala sa sariling inabot ko ang kamay niya at nakipagshake hand.
Pinilit ko ngumiti kahit sa huling pagkakataon bago isukbit ang bag ko sa balikat ko. "Yeah, looks like I need to go. See you again guys." Dali-dali ako lumabas ng room at naglakad sa hallway nang may nagbabadyang luha sa aking mga mata. May naramdaman akong takas na luha kaya agad ko naman itong pinunasan ng daliri ko at lalong binilisan ang paglakad.
Nakahinga ako ng maluwag nung narating ko ang parking lot ng building hanggang ngayon kay bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Humahangos akong binuksan ang pintuan ng kotse ko at umupo sa driver seat. Dun ko na hinayaan ang sarili kong umiiyak ng umiyak.

BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romance"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...