Kabanata 24
Brown Envelope
"Pwede pakitaas yung kamay mo?" Malumanay kong tanong kay Paulo habang kinukuha ang kanyang sukat. Sumang-ayon ang lahat sa mga proposal designs ko at nakapili na sila kung ano ang gagamitin sa mga model kaya ito kami ngayon. Nandito kami sa condo nila para sa sukatan. Di naman masyado puno ang sched nila today except sa kambal na si Miguel at Domino.
Tapos ko na sukatan si Domino at Miguel kanina dahil sabi nga ni Mitch may maagang sched yung dalawa kaya sila pinauna. Kaya pagkatapos ko sila kunan agad sila umalis at iniwan kaming tatlo dito. Kasalukuyan ko kinukunan ng sukat ngayon si Rain, ang awkward nga e. Kailangan ko makuha ang sukat niya pero ito ako nagugulat tuwing didikit ang balat ko sa kanya. Halos di din ako makatingin ng diretso samantalang siya, ayun poker face. Walang kaemoemosyon kala mo estatwa dahil walang pagbabago sa posisyon niya. Nang sa wakas ay natapos na ay umupo lang siya sa sofa na parang walang anuman dapat ikabahala. Ang unfair di ba? Ako parang malalagutan na nang hininga siya wala lang. Nakakainis!
"Aray!" Dahil sa sobrang inis di ko napigilan ang bigat ng kamay ko at napagbuntungan ko si Paulo! Napangiwi ako at napakagat ng labi nung makita ko ang nakakunot noong mukha ni Paulo. "May galit ka ba sakin? Dun sa naunang tatlo di ka naman ganyan tapos sakin ganyan ka. Unfair! Pero ok lang as long na alam kong may special treatment ka sakin."
Di ko napigilan nahampas ko ang balikat niya habang pigil tawang nakatingin sa kanya. "Special treatment ka diyan. Lolo mo! Masokista ka pala!"
Tiningnan niya ko ng masama kaya lalo ko di napigilan ang tawa ko. Napalitan ng ngiti ang luko niyang mukha kanina. "Ok lang masaktan basta ikaw ang mananakit sakin basta ba mahuhulog ka sakin." Lalo ako natawa sa sinabi niya at ganun din siya.
Dingdong! Dingdong!
Pareho kami napatingin sa gawi ng pinto, nagkatingin kami ni Paulo ngunit naputol nang madinig naming tumayo si Rain at lumabas ng sala para alamin kung sino ang nasa pinto.
"So may nakaraang kayo ni Rain? Ikaw pala ang dahilan." Biglang wika ni Paulo sakin.
Napatingin ako sa seryoso niyang mukha at namangha sa mabilis na pagbabago ng emosyon niya. "Excuse me?"
"Wala, sabi ko ang swerte mo po. Lagkit ng tingin mo sa best buddy ko kanina huh. So may feelings ka pa rin sa kanya?" Napanganga ako sa biglaang mga tanong ni Paulo, di ko alam ang isasagot ko. Nakatingin lang siya sakin ng may asar na ngiti. "Don't worry, sa ganda at sexy mong yan plus may anak na kayo may pag-asa pa rin yan. Wag ka susuko! A-aa-aray! Ano ba?"
Aba! Siraulo to huh. Pinagpapalo ko siya sa braso at balikat habang siya naman ay iniilag ang braso niya sa akin. Ngunit lihim ako natutuwa dahil sa pasimpleng suporta niya sakin. Aakma na ko na papaluin siya ng measuring sheets ko ng may pamilyar na boses ang tumawag sakin.
"Red?"
Napalingon ako sa pinanggalingan nang boses at napasinghap ako ng makita si Bea. Nakatitig siya sakin na animo'y manghang-mangha. Napangiti ako at binuka ang braso para takbuhin ang pagitan namin ni Bea. "Best?"
Napatigil ako at taas ng kilay nang si Paulo ang tumakbo para yakapin si Bea. "Best namiss kita. Huhuhuh!"
"Hoy! Tigilan mo nga fiancee ko." awat ni Miguel na hawak-hawak ang tenga ni Paulo habang nilalayo kay Bea.
"A-aray! Bitiwan mo nga tenga ko. Ano ba meron sa mga tao ngayon at masyado makapanakit? Di niyo ba alam na nadudurog ang puso ko dahil ganyan kayo sakin." nagtatampong sagot ni Paulo habang hinahawak ang namumula niyang tenga.
Napatawa naman ang lahat except kay Rain na konting ngiti lang ang reaction. Ano pa nga bang inaasahan ko? Nakapabalik na pala sila lahat dito. May dalang pizza si Mitch at Domino. "Dito ka na maglunch Red? Dalhin lang namin to sa kitchen."
"Best namiss kita?" Niyakap naman ako ni Bea na nasa tabi ko na ngayon. Ginantihan ko naman siya ng yakap at nagbiruan kami bago siya tumungo sa kusina at tinulungan sila Mitch at Domino sa paghahanda ng pagkain. Pinagpatuloy ko naman ang pagkuha ng sukat ni Paulo sa mabilis na paraan habang nakaupo sa sofa si Rain at Miguel na pinapanuod kami ni Paulo na parang comedy gags show dahil sa kakulitan nito.
Maya-maya pa ay tinawag na kami ni Mitch para kumain. Tumabi ako kay Bea samantalang nasa harap ko naman si Rain. Habang kumakain ay napapatulala ako sa pagngunya ni Rain kasi parang ang eleganteng tingnan tapos lumalabas pa ang dimples niya sa bawat paggalaw ng labi niya. Nagulat na lang ako ng siniko ako ni Bea at nakatingin na ang lahat sa akin. Kaya ako ang naging center of pang-aasar nila, napapairap na lang ako sa bawat pagtukso nila sakin. Samahan pa ng kwento ni Bea about sa nakaraan namin di ba napagtulungan ako. Nakakabadtrip!
Naglalakad ako sa parking nang makita ko ang gwapong lalaking ito na nakasandal sa kotse ko na parang nagmomodel habang nag secellphone. Bumababa ang tingin ko sa hawak niyang envelope. Humalikipkip ako at tsaka lumapit sa kanya este sa kotse ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong habang nakataas ang isang kilay ko. Ngumiti naman siya sakin na parang namamangha sa reaksyon ko. Inabot niya sakin ang envelope na hawak niya. Tiningnan ko kung ano ang nasa loob nito at napalunok ako sa nakita.
"Now, you know what I need." Malamig niyang sabi sakin. Napatingin ako sa kanya at nagbadya ang luha sa gilid ng mata ko. "Let's talk while your driving."
Kinagat ko ang labi ko bago binuksan ang sasakyan ko. Pumasok ako sa driver seat samantalang siya naman ay sa katabing upuan ko. "What do you want?"
"Isn't obvious? Of course, my son."
"But he's my son, too. Diretso mo nga ko anong binabalak mo? " naiirita kong tanong sa kanya.
"Don't worry di ko siya kukunin sayo. I just want him acknowledge me as his CONFIRMED father. At gusto ko siya makasama kasi isipin mo 4 years niya ko di man lang nakasama o nakausap di ba?"
"Fine."
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romansa"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...