Kabanata 25
Past and Now
Tahimik kami sa buong byahe pauwi. Ewan ko ba pero parang biglang lumiit ang sasakyan ko at pakiramdam ko ang lapit namin sa isa't-isa kahit di naman kami nagdidikit. Isama mo pa ang mabilis na pagtibok ng puso dahil sa kaba. Ipinark ko ang kotse ko at agad bumababa ganun din ang ginawa niya. Nanguna ako maglakad papuntang elevator habang nasa likod ko siya sumusunod sakin.
Pagbukas ng elevator ay walang itong laman kaya kahit awkward ay sumakay kaming dalawa. Pagsara ng pinto ng elevator ay agad niya ko hinila paatras hanggang mapadikit ang likod ko sa dibdib niya. Hinila niya ang buhok ko na malapit sa batok para mapatingin ako sa kanya at tsaka sinalubong ng marahas niyang paghalik. Buong pwersa ako nagpumiglas kaya niyakap niya ang katawan ko dahilan para lalo lumapit ang distansya namin. Bumababa ang halik niya sa leeg ko at tumaas papunta sa tenga ko.
"Having a child with you is a prove that your my slave that's give anything I want even she like it or not."
With that binitawan niya ko at bumukas ang elevator. Lumabas siya at nilagpasan ako. Mabilis ko pinakalma ang sarili ko kahit na nangingiyak-iyak na ko dahil sa ginawa niya at sinabi niya bago sumunod palabas. Nilagpasan ko siya sa paglalakad para matapos na ito. Sinundan niya ko hanggang marating namin ang unit ko. Binuksan ko ito at pumasok kasunod siya. Naabutan ko nasa sala si Nathan at Mark ngayon.
"Mommy!" dali-dali tumakbo palapit sakin ang anak ko at hinalikan ako sa pisngi.
"Hello! Mark." Napasinghap ang bata bago ngumiti ng pagkalawak-lawak sa lalaking nasa tabi ko.
"Daddy!" Yumakap ito at nagpabuhat kay Rain. "Daddy I'm so happy that your here."
Napansin ko na nakatayo na pala si Nathan malapit samin. Binigyan ko siya ng ngiti bago niya tinanguan si Rain. Tiningnan niya ko na para bang nanghihingi siya ng paliwanag kaya bumulong ako ng Later sa kanya. Pinatuloy namin si Rain sa sala, buhat-buhat niya pa rin ang anak namin na ayaw na bumitiw sa kanya. Pinanuod lamang namin silang dalawa habang nag-uusap.
"Bes, look. I'm will get married soon." sabay pakita ng singsing niya sakin at abot ng invitation. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop ni Bea para wala lang magchichikahan daw kami.
"I know, pero bakit... ngayon lang?" Mahina kong tugon ngunit pilit na nakangiti. Di ba dapat dati pa? Bigla ko naalala yung balita sa TV nung nakaraan about sa magpapakasal na member ng Sqeeze, kung ganun sila ni Rain yun.
"You still didn't know, don't you?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Bea. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "The one I'm going to married his co-member Miguel."
Nanlaki ang mata ko kaya binuksan ko ang invitation at nakitang tama siya. "But why Miguel? Di ba si Rain dapat?"
Nagulat siya sa tanong ko ngunit napatawa siya nang malakas at napatingin ang mga iba pang customer dito sa shop. "So nalaman mo din pala yun."
"Huh?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Humigop siya ng kape bago tumingin sakin ng diretso. "You remembered nung high school tayo, di ba I told you pinagkasundo ako ng lolo ko sa isang stranger, si Rain yun. That's why I stopped you to loved him because I don't want you to get involved about it. Pero nahalata ni lolo knowing him, he will do anything para masunod ang gusto niya to the point na tinakot niya ko na mawawalan ka ng scholarship pagnakipag kaibigan pa ko sa inyo ayoko na dagdagan problema mo kaya lumayo ako.Kaya umacting kami ni Rain na nagkakaayos kami pero di pa handa sa kasal."
"Wait! So yun yung family problem mo dati?"
Tumango siya at nagpatuloy. "Dun ko nakilala si Miguel, I think naalala mo siya. Siya yung umayang sumayaw sakin nung grad ball na ngayon kabanda na ni Rain. Siya yung lagi ko natatakbuhan pag umiiyak o kaya mag-isa ako. Actually mahirap siya makasundo dahil ang tahimik niya pero pag nakausap mo na siya malalim lang pala siya mag-isip kaya ganun. So yun na nga, pumayag sila na ipagpaliban muna ang kasal namin noon kaso si Kim. Nalaman niya ang lahat sa di ko malamang paraan kung paano at sinabi niya kay lolo ang relasyon niyo ni Rain kasunod nun ang pagbunyag nang sikreto niyo about contract. Kaya pinatapos na agad nila kay Rain yun kaso di siya pumayag at pilit na pinagpatuloy ang relasyon niyo kaya yun itinakwil siya ng magulang niya."
Napakagat labi ako nang marinig ko yun. Bumalik yung mga masasayang alaala namin na magkasama. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha at nagconcentrate sa pakikinig.
"Pero wala siya nagawa lalo na kung tungkol sayo, kontik ka na di makagraduate dahil sa magulang niya. Kaya kung di kami magpapakasal masisira lahat-lahat ng pinaghirapan mo kaya napagplanuhan namin sa ibang bansa gawin yung kasal para pwede ang divorce kaso nabuntis pala ako ni Miguel noon kaya umatras ako at nakipag tanan na lang kay Miguel. Tinulungan kami ni Rain sa financial na needs namin at sa matutuluyan namin, siya din gumawa ng paraan para di kami matagpuan ng magulang ko pero pagkatapos ng ilang buwan bigla siyang nawala. Walang nakakaalam kung saan siya napunta o anong nangyari basta nawala na lang siya. Kaya napilitan kami magtrabaho ni Miguel dahil dun natunton kami ng mga magulang namin at sapilitan kami pinaghiwalay. Nalalag ang batang pinagbubuntis ko halos kasuklaman ko ang magulang ko dahil doon at kontik na ko mag suicide pero pinigilan ako ni Miguel, kaya pinush namin ang relationship namin kahit tutol sila."
"Teka-teka! Paanong nawala si Rain? "
"Hay! Naku! Love story ko na nga kinukwento ko sayo, si Rain pa rin. So unfair! Selfish mo teh!" Sinamaan ko siya ng tingin kaya nginitian niya ko. "Pero joke lang syempre ito na di na nabiro minsan na nga lang e"
"I'm just curious Bea."
"Whatever, so dapat defensive? Ganito kasi yun, nung nawala siya. Halos magkagulo ang sankatauhan sa paghahanap sa kanya. Ni trace or whatever wala, para talaga siyang bula na naglaho na lang bigla. Then, if di ako nagkakamali, after 2 years bumalik siya kaso with Kim na. Pero the thing is di na siya tulad ng dati na malandi, palabiro, at hmmmm... haliparot? Choz! Kundi ganyan na. Di din siya nagsalita tungkol sa dahilan ng pagkawala niya. Kaya hanggang ngayon di alam kung ano talaga nangyari sa ilang taon pagkawala niya."
"What?!" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Bea. Tila naguguluhan ako, kung bakit kasama ni Rain si Kim noon. Bakit siya nawala? At bakit ganun katagal?
"At ito teh nung bumalik sila pati si Kim nagbago naging mabait siya ng bongga at lagi silang nakikitang magkasama ni Rain. Basta ewan ko ba. Di ko maintindihan din sa kanila."

BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romance"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...