Kabanata 17
Happy Graduation!
Dumating na ang pinakahihintay kong araw, ang aming graduation. Kakalabas lang ng kwarto ko ng mga stylist na hihired ng Daddy ko. Tinitingnan ko ang sarili ko namamangha sa gandang ginawa nila sakin. Ito na ang araw na yun, masayang masaya ko pero alam ko sa loob-loob ko may kirot pa rin akong nararamdaman pero kailan ko palayain ang sarili ko, kailangan kong bumangon muli dahil di hihinto ang panahon para sakin patuloy itong gagalaw maiwan man ako o hindi. Bumaba ang mata ko sa maliit na puting box sa harap ko binuksan ko ito at hinimas ang silver na kwintas sa loob nito. Ang naiwang alaala ni Rain sakin.
Inilapag ko muli ang kahon at tumayo na ko para magbihis ng bestidang nakalatag sa kama ko na ipangloloob ko sa toga mamaya. Halos isang linggo lang ang nakakalipas simula nang tapusin namin ni Rain ang kontrata ngunit para sakin parang kahapon lamang ito. Ramdam ko pa rin ang malamig na simoy ng hangin, rinig ko pa rin ang boses niya na paulit-ulit na sinasabi "Red, it's time to end the contract", at yung mga panahon namanhid ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Muli ko tiningnan ang sarili sa salamin. May mumunting ngiti na nabuo sa aking mga labi. Ito na ang simula dito ko sisimulan. Kinuha ko ang box at ipinasok sa loob ng bag ko at tsaka lumabas ng kwarto.
"Bessie!!! Di ako makapaniwala graduation na natin." tumitiling yakap sakin ni Bea nung nakarating na kami kung saan gaganapin ang graduation.
"Congratulation, Bes! Wag ka muna mag-aasawa huh." Biro ko na siya naman ikinabitaw niya sakin.
"Gaga ka, kaloka ka teh huh. Grabe to!" nagtitigan kami bago muling tumawa. Nagpaalam na kami kila lolo at daddy na pupunta na sa upuan dahil magsisimula na ang graduation. Nakahiwalay kasi ang parents sa mga ga-graduate. Nagsimula na tumugtog ang pambansang awit ng Pilipinas kaya pagkatapos nagsalita ang principal at mga guest.
Tinatawag na ngayon ang mga pangalan para kunin ang diploma sa stages. Unang tinawag ang mga scholar at ang parents nito kaya nung ako na ang tinawag ay tumayo na ko at nagmartsa papunta sa harap. Nangingilid-ngilid pa nga ang luha ko habang naglalakad. Nauna na sa stage si Daddy na magsasabit ng medalya sakin.
"Anak, I'm so proud of you." Naiyak ako sa guilty sa sinabi ni Daddy at napayakap sa kanya. Bumalik sakin ang mga alaala ng paglalaro namin ng apoy ni Rain. Pagkaya nalaman ni Dad ang ginawa ko magiging proud pa rin kaya siya? Tatanggapin niya pa din ba ko?
Sabay kami bumababa ni Dad. Siya bumalik na sa upuan kung saan ang parents at ako sa upuan ko kanina. Pagdating ko sa upuan ay umiiyak na si Bea. Tumingin siya sakin nang napansin nasa tabi niya na ko. Sinunggaban niya agad ako ng yakap at lalong umiiyak.
"Bes, promise mo sakin bff tayo forever huh, kahit mag-away tayo promise mo na pagpapasensya mo ko kasi ganun din naman ako sayo."
Inalo ko ang likod ni Bea para huminahon siya. "Oo bes promise." Humiwalay siya sakin at ngumiti kami sa isa't-isa.
Pagkatapos ng graduation ay nirequest ko kay Bea na mag-usap saglit bago siya sumama sa parents niya para mag-celebrate. Dinala ko siya sa lugar na konti lang ang tao dito sa venue at inilapit siya sakin. Kuryoso naman siyang nakatitig lang sakin at sumasakay sa trip ko.
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romance"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...