Kabanata 8
First Date
Trrrrrrrinnnnng! Trrrrrrrinnnnng! Trrrrrrrinnnnng!
Isang tunog sa telepono ang nagpagising sakin mula sa pagkakatulog. Nakatulog pala ko kakaisip kagabi. Tumayo ako ang pinuntahan ang kinalalagyan ng telepono.
"Hello?"
"Hello, papa, kamusta na kayo ni Mitsuyuki diyan? Bakit di na po kayo tumatawag akin?"
"S-sino po ito?"
Narinig ko napasinghap at lalaking nasa kabilang linya. "Mitsuyuki, ikaw ba yan?"
"Opo, pero sino ho kayo? Bakit niyo po ako kilala." Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ako si Alfredo Zyler. Uhm, K-kaibigan ako ng lolo mo. Nasan ang lolo mo?"
"Nasa ospital si Lolo, isang buwan at kalahati na po siya doon."
"Ano? Bakit anong nangyari? Saang ospital? Pupuntahan ko siya, bibisitahin." Nadinig ko ang gulat at pag-aalala sa boses nito.
Sinabi ko sa kanya ang ospital na kinaroroonan ni Lolo, ewan ko ba pero ang gaan ng pakiramdam ko sa lalaking kausap ko. Binababa ko na ang telepono at nagluto ng almusal ko. Kumain ako mag-isa at naligo. Naglalakad ako papasok ng kwarto at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ngayon ang araw na magdedate kami ni Rain. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napangiti ako at nagsimula maghalungkat ng damit na susuotin.
Isang kulay plain brown dress ang napili ko isuot at itim na black doll shoes. Simple lang to kung tutuusin pero ito na ang masasabi kong pinaka akma sa gaganapin ngayon. Maya-maya pa'y sinundo na ko ni rain, katulad ng sinabi niya ay dumaan muna kami sa ospital para bisitahin si lolo at tsaka umalis para sa date namin. Maayos at malakas na si lolo pero kailangan pa nito manatili sa ospital sabi ng doctor para maobserbahan mabuti kung dapat na itong umuwi.
Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Rain. Tinatahak namin ang tila isang maunlad na kalsada dahil sa dami ng taong naglalakad at matatanaw na nagtataasang building.
"Saan tayo pupunta, Rain?"
"Wait ka lang, Baby. Malapit na tayo." Sagot niya habang pumapasok sa parking lot ng isang malaking building. Nang huminto na kami agad siyang bumababa at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya ang palad niya sakin na aking inabot.
Magkahawak kamay naming pinasok ang building. Isa pala itong mall. Ang ganda nito ang kung titingnan puro mayayaman ang namimili dito dahil sa pagkaelegante ng dating ng mga interior dito. Tinungo namin ang isang bilihan ng mga gown.
"Ano gagawin natin dito?"
"Bibili ng gown mo, nakalimutan mo na ba malapit na ang Grad ball natin sa school."
"Oo nga nu. Pero di mo na ko kailangan ibili dahil pwede naman ako manghiram nu."
"Hindi, mas maganda yung sariling sayo na at ikaw ang pumili para malaman mo kung anong mas bagay sayo."
"E ayoko, nakakahiya sayo."
"Gusto ko to' tsaka baka nakakalimutan mo...." Yumuko siya para bumulong sakin. "Slave pa rin kita."
Talagang pinagdidiinan niya nag salitang slave kaya wala na ko nagawa kundi tumitig sa kanya at sumunod. Ending siya pa rin ang pumili nang gown para ipasukat sakin. Mga 5 na yata ang naisusukat wala pa rin siya mapili. Halos mapangiwi nga ko pagnakikita ko ang mamahaling presyo nang mga sinusukat ko e. Pang-anim na ito sana magustuhan niya dahil napapagod na ko kakahubad balik ng damit.
Isang itim na tube gown ito. Fit ito sa dibdib hanggang balakang at paluwag na pababa, sumasabay sa bawat galaw ang tela nito. Ang haba nito sa harap ay hanggang kalahati ng hita ko at pahaba ng pahaba habang paikot hanggang makaabot sa paa ko.
Lumabas ako ng fitting room para maipakita sa kanya ang damit. Nang lingunin niya ko tila natulala siya sa sakin. Napalunok siya at pumalakpak.
"Wow, Red bagay sayo yan. Bilin na natin yan." Lumapit siya sakin at hinalikan ang noo ko. "Ang ganda mo talaga."
Tinanguan niya ang saleslady na nag-aassist sakin kanina pa at umalis na patungong counter. Samantalang ako ay pumasok ulit ng fitting room para magbihis. Pagkatapos nun ay sa bilihan naman kami ng sapatos pumunta, siya na ang pumili ng sapatos ko at ipinasukat sakin. Nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko na animo'y isang prinsipe para lang ipasuot sakin ang sapatos na napili niya. Isa itong black stilettos na may ribbon sa para itali sa ankle ko.
Marami pa kaming pinuntahang bilihan. Dahil pati siya bumili ng damit niya para sa grad ball na tinerno niya sakin. Halos napagod nga ko kakalakad dahil kung saan-saan kami nakarating. Bitbit niya ang mga pinamili naming habang nakaupo sa bench na nasa gitna ng mall.
"Napagod ka ba, baby?" Isang malokong ngiti ang itinapon niya sakin.
"Medyo. Dami nating pinuntahan e."
"hmmmm... halika nga dito." Nilapit niya ko sa kanya at niyakap. "Baby, ang bakit lagi nakatali ang buhok mo?"
"Hmmm, wala lang. Mainit e. Di naman ako tulad ng iba na tiis ganda."
"Hanggang saan ang haba niyan pag naka baba?"
"Mahaba lang nang konti sa balikat, bakit?" Walang sabi-sabi hinila niya ang tali sa buhok ko. Napahawak ako bigla sa buhok ko. "Rain, ano ba?"
Nakangiti lamang siya at pinagmamasdan ako. "Ang ganda mo talaga lalo na kapag hindi nakatali ang buhok mo."
Panandalian akong natulala sa sinabi niya at kinilig. Aaminin ko kakaiba talaga ang dating sakin ng mga salita niyang iyon. Kumakalabog ang puso ko sa sobrang bilis nito. Di ko mapigilan ang nguniti, pinalo ko siya sa braso at sinuklian ang ngiti niya. Buti na lang straight ang buhok ko kaya di naman masyado nagulo.
"Heh! Ewan!" sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri at tumayo na. Hinila ko ang kamay niya patayo. "Tara na, kain na tayo."
"Wag mo na itatali buhok mo, Baby huh. I love you" Tumayo na din siya at inakbayan ako para ilapit sa kanya. Hinalikan niya ang noo ko tsaka nagsimulang maglakad.
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romance"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...