Kabanata 2

45 5 1
                                    

Kabanata 2

The contract

Lumipas ang mga araw, lalong lumalala at nang hihina si lolo. Patuloy ako sa pag-aalaga at paghahanap ng mga sideline para makaipon ng kaunting pera. Pinanghihinaan na ko ng loob sa totoo lang, gusto ko na lang sumuko pero di ko kaya ayoko mawala si lolo sakin, ang natatangi at natitira kong pamilya.

"Lolo, nandito na po ako. Kamusta na po ang pakiramdam niyo?" Bati ko kay lolo pagkapasok ko sa kwarto niya.

Ngumiti lamang si lolo sakin habang pinagmamasdan ang pagpasok. Kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot at awa na itinatago niya sakin gamit ang mga ngiti niya.

Nung matapos ang visiting hours napag desisyonan kong umuwi na para makapag-aral. Pagkalabas ko ng pinto ng kwarto. Naaninag ko ang matipunong lalaki nakasandal sa bintana kaharap sa pintong pinanggalingan ko. Nakahalukipkip siya at diretso ang tingin sakin.

"How was your lolo?"

Oo, itong kupal na Marky Rain Rivas lang naman ang nasa harap ko. Tinititigan niya ko mabuti tila ba sinusuri ang bawat reaksyon na ipapakita ko.

"O-ok naman siya, lu-lumalaban pa rin "

"Bakit kasi di mo pa ipaopera ang lolo mo? Di mo ba nakikita habang tumatagal nanghihina na siya." Nakakunot ang kanyang noo at tumalim ang mga tingin sakin.

Kinilabutan ako sa titig niya kaya napayuko ako para makaiwas. "Wala naman kaming pera e. Kaya nga puro gamot lang nabibili ko kasi di kami ganung kayaman para...... Pero dumidiskarte naman ako at kahit paano nakakaipon ako."

"Tsk! Kailan ka pa makakaipon ng sapat na halaga? Kung kailan sobrang hina na niya?" Madiin niya banggit sakin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Nagulat ako sa naging reaksyon niya. May mga namuong luha sa aking mga mata. "Pero anong gusto mong gawin ko? Kahit anong gawin ko kulang pa rin. Di ko na alam ang gagawin ko. Ano ba?"

Napailing siya at hinapit ang braso ko. Kinuha niya ang puting panyo sa bulsa at binigay sakin. Kinuha ko ito at tuluyang pinabayaan umiyak ang sarili ko. Bumaba ang hawak niya sa kamay ko at itinaas ito mukha niya. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko paulit-ulit.

Ang bawat pagdampi ng labi niya sa balat ko parang may boltahe ng kuryente ang nararamdaman ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo--" tanong ko habang pinagmamasdan ang ginagawa niya.

Hinahalikan niya pa rin ang likod ng kamay ngunit nanatiling nakangiti sakin. "Sorry, concerned lang naman ako sa lolo mo e. Tumahan ka na." Ngumiti siya nang malaanghel.

Napatigil niya ang mga luha ko. Nginitian ko siya. "Pero di mo naman kailangan gawin yan e. At bakit ba ganyan ka na lang kung makapag-alala?"

"Nakausap ko ang doctor ng lolo mo ang sabi niya kailangan na niya maoperahan as soon as possible. I'm just want to help you?"

"Talaga? Paano?"

"but I don't know if you will like it."

"Uhm..... Ano ba yun?"

"Tara, sumunod ka sakin." Hinigit niya ko paalis at nagpatianod ako sa kanya. Doon ko napansin na kanina pa siya nakahawak sa kamay ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakarating kami sa isang kwarto sa dulo ng hospital. Binuksan niya ito at pumasok sa loob. Pumasok ako kasunod niya. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto. Opisina siguro ng isa sa mga doctor dito. Puti at itim ang kulay ng dingding at furniture. May mga libro sa sulok ng kwarto at sa mesang nasa gitna. Sa harap nito may puting sofa at itim ma coffee table.

Playful BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon