Kabanata 14
Ring
"Bea?" Naglalakad ako sa hallway ngayon at hinahanap si Bea. Ang loka-lokang yun lalong nagiging mas madrama habang tumatagal. Di ko naman siya masisi kasi yun nga dahil sa family problem niya pero ang di ko maintindihan bakit di niya sabihin sakin makikinig at dadamayan ko naman siya kahit ano pa yun kaso kaysa sabihin niya ito siya takot na takot at lagi umiiyak. "Bea? Nasaan ka na ba kasi? Susko naman."
Nag-aalala na talaga kasi ako sa kanya. Kanina kasi di siya kumakain nung lunch break namin at nakatulalang pinaglalaruan ang pagkain niya samantalang ako enjoy na enjoy sa masarap na burger. Ewan ko ba, di ko naman hilig dati ang burger dahil oily at di healthy pero bigla na lang ako nagcrave at natripan ko siya kanina. Siguro naghahanap ng bagong food ang dila ko kasi ngayon ayaw ko na ulit nun. So yun na nga, si Bea bigla na lang umiyak ulit at tinatanong ako kung ano daw gagawin niya. Di ko naman masagot kasi di ko alam kung ano nangyayari sa kanya, wala kasi siya nasasabi sakin. Tapos biglang tumayo sabi niya punta lang daw siya ng CR yun di na bumalik at di na din pumasok sa rest ng klase namin.
Alam kong nandito pa siya sa school kasi hawak ko bag niya. Imposibleng iwan niya to no. Tinry ko ulit tawagan ang phone niya pero ganun pa rin walang sumasagot. Tinry ko ulit i-dial nang mabangga ako sa kasalubong ko sa hallway.
"Uhm .. Sorry, sorry." Nakayukong pagpapaumanhin ko sa babae.
"Ano ba yan? Tatanga-tanga! Palibang kasi pati sa hallway nakikipaglandian!" Inangat ko ang tingin ko nang makita ko na Kim at ang mga alipores niya pala ang nakabangga ko.
"Ano? Ang landi-landi mo. Mahiya ka nga." Sulsol ni Yvon sa sinabi ni Kim.
"Yeah, ang kati-kati mo talaga. Eeeeew!" Humakbang palapit sakin si Kim. Hinawakan niya ang dulo ng buhok ko at pinalaruan ito sa kanyang daliri. "so feeling mo ang ganda-ganda mo kasi nakalugay yang buhok mo? Hahahah! Pilingera! Sabagay sa laki ba naman ng binabayad sayo ng mga nagpaparausan sayo malamang magpapaganda ka kasi mas lalong lalaki bayad nila di ba?"
PAK! Isang malakas na sampal ang naisagot ko kay Kim sa lahat nang pang-aalipusta niya sakin. Isang tunog na nag-echo sa kahabaan ng buong hallway. Nangingilid man ang luha ko saking mata ay patuloy ko silang lalabanan. Sumosobra na sila! Ang kakapal ng mukha nila!
"Kahit kailan di ko ginawa ang kahit ano sa pinagbibintang niyo sakin! Wala akong ginagawang masama sa inyo!" Doon bumagsak ang sunod-sunod na luha mula saking mga mata. Nanginginig at namamos ang boses ko sa bawat salitang binibitawan ko. Halos manginig din ang kamay ko sa galit at kalungkutan. "Ano ba problema mo sakin Kim at ginaganito mo ko? Matagal na tayong magkakilala at ikaw mismo sa sarili mo alam na di ko magagawa yan."
"Oo, akala ko din di mo magagawa pero hindi! Malandi ka at mang-aagaw ka!" Sabay hila sa buhok ko. "Dahil sayo di ako napansin ni Rivas dahil pabida ka! Dahil gusto mo ikaw ang sikat! Buong buhay ko pinagtiisan ko ang pagiging pabida mo mapaclassroom man o sa labas ng school! Ang kapal-kapal ng mukha mo!" Lalo niya hinila ang buhok ko at hinila ko din ang buhok niya. Samantala naman sila Ella at Yvon ay inaawat si Kim sa ginagawa niya.
"Hoy! Kim, tigilan mo si Red!" sigaw ng taong kanina ko pa hinahanap. Naramdaman ko ang paglapit niya sakin para awatin kami ni Kim. Nang nagkalayo kami ni Kim ay hinawakan ako sa braso ni Bea para di ko na sugudin si Kim.
"Isa ka pa! Ang lakas ng loob mo kampihan yang babaeng niyan! Bakit may kasalanan din naman siya sayo huh. Inagawan ka din niya or I must say inaagawan ka niya!" Nang akmang susugudin ako ni Kim ay pinigilan na siya nila Ella at Yvon.
"Kim, tama na kumalma ka. Baka mahuli tayo at macancel ang paggraduate natin." Awat ni Ella kay Kim na siya namang inirapan nito.
Magsasalita pa sana si Kim nang may nadinig kaming pumito at sumigaw. "Hoy! Ano yang ginagawa niyo?!"
Dali-dali kami tumakbo palayo at umalis sa lugar sa takot na mahuli kami at ipacancel ang graduation naming lahat. Tumakbo kami papasok ng Cr ni Bea. Sinarado niya agad yung pinto at humarap sakin. Ngumiti siya ng pilit sakin nang biglang bumalik sakin ang sinabi ni Kim. "Bakit may kasalanan din naman siya sayo huh. Inagawan ka din niya or I must say inaagawan ka niya!"
"Bea, Anong-" Nang tatanungin ko na si Bea ay bigla niya ko niyakap. "Bea?"
"Bes, mag-ayos ka na. Uwi na tayo."
Nasa parking lot kami ngayon ni Rain papunta sa kotse niya sabay kami bumili ng iba pang gamit na gagamitin para sa graduation ball. Habang naglalakad ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Kim. "Bakit may kasalanan din naman siya sayo huh. Inagawan ka din niya or I must say inaagawan ka niya!" Ano kaya ang ibig sabihin ni Kim? Pero isa lang ang alam ko si Bea lang ang makakasagot nun. Bumalik ako sa realidad ng madinig ko ang pagtunog ng kotse ni Rain. Nandito na pala kami ng di ko namamalayan, lakad lang kasi ako ng lakad. Papasok na ako ng kotse ng may tumawag sa phone ni Rain sinenyasan niya ko na mauna nang pumasok kaya naman sinunod ko ito at sinarado na ang pintuan.
Nakatulala lang ako sa harap ng mapansin ko ang itim na box sa harap ko, tiningnan ko si Rain sa labas malayo ito at nakatalikod habang may kausap sa phone. Kinuha ko ang maliit na box at binuksan. Isang silver na singsing ang nasa loob nito, may tatlong maliliit na dyamante sa gitna nito. Para kanino kaya tong singsing na to. Grabe ang ganda, muli kong tiningnan si Rain nang makita ko na pabalik na siya sa sasakyan ay dali-dali ko binalik ang box sa pinag-kunan ko na parang walang nangyari.
Nang nakapasok na si Rain sa kotse, tumingin ito sakin at dumampi ng halik sa labi ko. Ngumiti siya at sinabing "Let's go."
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romantizm"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...