Kabanata 6

27 5 0
                                    

Kabanata 6

The Issues


Nandito ako sa ospital ngayon at inaalagaan si Lolo. Weekends ngayon kaya walang pasok sa school. Naoperahan na si Lolo at pagrecover na lang niya ang hinihintay ay makakauwi na siya. Tahimik ang buhay ko nitong mga nakaraan, sa school ang lagi ko lang nakakasama at nakakausap ay sila Kim dahil tuwing makakasalubong ko si Bea bigla itong iiwas o kaya'y magpapalusot. Kahit nagtataka ko sa kanya nandun pa rin yung pag-aalala na baka may pinoproblema ito.


Nitong mga nakaraan din ay wala kung anong paramdam o text sakin si Rain. Kahit pagdalaw kay Lolo di na din niya magawa. Meron parte sakin na nagtatampo dahil wala siya, merong din nag-aalala sa di niya pagpaparamdam pero malaking parte sakin ay sa di ko mlamang dahilang nang pangungulila ko sa kanya.


Tuwing pagmamasdan ko ang phone ko lagi mensahe niya ang hinihintay ko. Tuwing uuwi naman ako hihiga sa kama, maalala ko yung pagkanta niya habang tumutugtog ng piano lalo na ang pagsasabi nito ng 'I love you' sa kanya.


"Red, totoo bang ikaw ang sikretong gf ni Rain?" sigaw sakin ng babae nang nakatambay ako sa garden ng school para magreview.


"Hindi ah." Mariin kong tanggi sa kanya at balik sa pagbabasa ng libro.


"Ee ano to?!" Sabay pakita sakin ng picture sa phone niya. Tiningnan ko toh at nanlaki ang mata ko sa gulat. Picture naming ni Rain to nung nasa ospital kami at pasakay ng kotse niya nang magkahawak kamay.


"Uhm, A-ano E-edited lang yan."


"Sigurado ka?"


"Oo tsaka ang layo ng itsura ko diyan oh. Tsaka imposible nerd kaya ako."


"Oo, NERD NA MALANDI!" sigaw ng isa pang babae sa likod niya.


Tumayo ako para makita yun at laking gulat ko nang makitang si Kim yun kasama si Ella at Yvon. Lumapit sila sakin at binato ako ang mga papel na may litrato naming ni Rain.


"WHHHHAT THE!?" Nanlaki ang mata ko lalo nang nung makita ko ang picture namin ni Rain sa rooftop.


"Kita mo na. MALANDI ka! Inakit mo si Rain para patulan ka. DESPERADA palibang kasi kulang ka sa pansin. Kaya siguro sa sobrang kakatihan mo pati puri mo ginamit mo!"


Pak! Di ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko si Kim. "Ang kapal ng mukha mo matagal na kitang kaibigan at alam kong alam mo na di ko magagawa yan!"


"Mas makapal ang mukha mo!" Sabay sampal at sabunot sakin. "Ayan! Dapat lang pag fiestahan ka nang mga ibang estuyante para matigil yang kakatihan mo! Ang Hirap kasi sayo pabida ka!"


"Bitawan mo ko Kim, ang sama sama mo!" Nagpumiglas ako palayo kay Kim kahit na ang sakit sakit na nang anit ko nang pagtulungan pa ko nila Ella, Yvon at yung babae kanina na pinunit ang pang itaas na uniform ko.


"AAAAAARGH!" Sigaw ko sa inis at sakit na nararamdaman ko. Naiiyak na ko sa sobrang pang-aapi nila sakin. Hinila ako ni Kim paluhod sa lupa nang maramdaman ko ang malamig at mabahong tubig na bumuhos sakin. Nilubayan ako nila Kim at nilayuan nang nabasa ako.


"Yan ang bagay sa'yo mabahong linta! Yan ang napapala mo!" Sigaw ni Yvon na tumatawa kasama nila Kim.


"TIGILAN NIYO NGA SI RED KUNDI TATAWAG AKO NG GUIDANCE!"


Agad-agad tumakbo paalis sila Kim kaya nilingon ko ang sumigaw kanina. Nakita ko si Bea na hingal na hingal na lumalapit sakin.


"Bessie, Ok ka lang ba? Saan ang masakit sayo? Sorry nahuli ako ng dating!"


"Bea!" Yumakap agad ako sa kanya paglapit niya sakin. Bumuhos ang mga luha sa mga mata ko habang humahagulgol na nagsusumbong sa kanya. "Niloko ako ni Kim, pinagkalat niya na malandi ako, yung mga pictures, yung, yung!"


"Sssssh! Tahan na. Tara na. Hatid na kita sa inyo."


Itinayo ako ni Bea at inalalayan maglakad. Yakap-yakap ko ang sarili ko para takpan ang punit-punit kong uniform. Habang naglalakad kami nang mabilis palabas ng school sari-sari panlalait ang nadidinig ko mula sa ibang estuyante.


"Bessie, thank you talaga kanina huh." Lumabas ako ng sala at binibigyan ng juice si Bea. Nandito kami ngayon sa bahay, nakatapos na ko maglinis at maligo.


"Wala yun, ikaw pa ba."


"Nakakahiya, di ko alam kung paano pa ko papasok sa school ngayon."


Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sakin. "Red, pumasok ka pa rin ng school. Wag mo sila intindihin. Di naman sila nagpapaaral sayo e. Isipin mo si Lolo, umaasa siya ngayon sayo lalo na may sakit siya."


Ngumiti ako sa kanya kasabay ng pagkawala ng luha sa aking mata. "Salamat, Bessie!"


"Wag ka na umiyak, kaw talaga. Di ba matapang ka?" sabay punas nang luha ko gamit ng panyo niya. "Sorry nga pala kung iniiwasan kita nitong nakaraan."


"Bakit nga ba? May problema ba?"


"Uhm, parang ganun na nga Bes. Umuwi na kasi ng Philippines sila Mama at Papa pati si Lolo."


"Anong problema dun? Di ba dapat masaya ka?"


"Oo, aaminin ko masaya ako......... nung una kaso.......... grabe kasi e!"


"Bakit anong nangyari?"


"Balak nila ako ipakasal sa isang stranger. Sa kabusiness partner nila Lolo na pinakilala nila sakin nung nag family dinner kami. Syempre, umayaw ako pero pinagbantaan ako ni Lolo na idadamay niya daw ang mga taong malapit sakin pagdi ako pumayag kaya nilayuan kita. Kaso mali ako, di ko akalaing magagawa sayo nila Kim yun. Dahil First of all, kababata mo si Kim pero laking gulat ko nang makita ko kayo kanina habang sinasabunutan ka. Lalapit na sana ako para sugudin si Kim kaso may pumigil sa braso ko. Lilingunin ko na sana nang may sumigaw kaya lumapit agad ako sayo dahil wala na sila Kim."


"Salamat talaga, siguro hanggang ngayon umiiyak lang ako sa school kung di mo ko pinuntahan. Pero sino kaya yung pumigil sayo? Yun siguro yung nirereto sayo ng lolo mo no? Sino ba yun?"


Ngumiti siya nang mapait sakin tsaka nagsalita. "Oo, kasama ko siya kanina kasi kasabay ko siya maglunch. Si .........."

Playful BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon