Kabanata 7

27 4 0
                                    

Kabanata 7

LOVE


Ngumiti siya nang mapait sakin tsaka nagsalita. "Oo, kasama ko siya kanina kasi kasabay ko siya maglunch. Si .........."


Dingdong! Dingdong! Dingdong!


Napatingin kaming pareho sa pinto. "Sandali lang huh. Tingnan ko lang kung sino yun?" Tumango lang siya sakin at tinungo ko na ang pintuan.


"Sino yan?" Tiningnan ko ang peep hole na nasa pinto nang makita ko kung sino ang nasa labas agad kong binuksan ang pinto. Agad niya hinawakan ang pisngi ko at tiningnan ako ng may pag-aalala.


"Red, ok ka lang ba? Saan ang masakit sayo? Kamusta ka na?"


Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko at binababa ito. "Ok lang ako, Rain. Medyo nasaktan lang pero maayos na ko ngayon. Pasok ka." Pumasok siya at sinarado ko ang pinto. Sumabay siya sakin papuntang sala.


Napasinghap si Rain nang makita si Bea na nakaupo sa may sala. Oo nga pala, di pa kilala ni Rain si Bea.


"Rain si Bea nga pala. Upo ka."


"H-hi." Tipid na bati ni Rain kay Bea. Nahihiyang ngumiti naman si Bea.


"Sandali lang huh. Kuha ko lang kayo nang maiinom sa kusina." Umalis na ko at iniwan silang dalawa sa sala. Nagtimpla ako ng juice at sinalin sa tatlong baso. Nilagay ko sa tray para madala ko na sa sala. Malapit na ko sa sala nang makaramdam ako ng mataas na tension.


"Ok lang kayong dalawa? Ito oh, juice." Sabay lapag nang juice sa coffee table.


Nanuod na lang kami ng movie habang kumakain maya-maya pa ay nagpaalam na si Bea para umuwi dahil gabi na din kaya naiwan kami ni Rain. Nakaupo kami sa sala at walang imikan. Ang awkward naman, kailangan ko mag-isip nang topic.


"Rain."


"Anong balak mo ngayon? Siguro naman papasok ka pa rin ng school after nang nangyari di ba?"


"Oo naman, magtitiis na lang ako konting panahon na lang naman e."


"Sorry, Red dahil sakin..."


"Ano ka ba? Wag mo sisihin ang sarili mo, Rain. Ok lang naman e."


Tumango siya sakin at tumabi sakin. Niyakap niya ko mula sa gilid at sumiksik sa balikat ko. Bumulong siya nang mga salitang nagpakilig sakin. "Thank you, I love you."


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga katagang yun. "A-anong sabi mo, Rain?"


"Sabi ko 'I love you' po."


"B-ba-bakit? A-anong ibig m-mong sabihin?"

Playful BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon