Kabanata 29
Who is she?
“It’s that daddy?” Napatalon ako sa gulat ng nadinig ko ang boses ni Mark na di ko namalayang nasa gilid ko na pala.
Hinarap ko sakin ang anak ko ang hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Ngumiti ako ng matamis at umiling. “Of course not.”
Lumipat ang tingin ko kay Nathan na nasa likod ni Mark na umiiling-iling na lang. Maya-maya pa’y dumating na ang waiter para sa order naming kaya bumalik na sa upuan nila ang dalawa. Ganun pa man, di naalis ang tingin ko sa lalaki sa labas. Sinusulyap-sulyapan ko pa din siya nang may dumating na babaeng nakaputing dress at agad inabot dito ang dalang mga bulaklak. Inamoy nung babae ang bulaklak bago tumingin kay Rain at ngumiti. Kumapit ito sa braso ni Rain at sabay sila pumasok ng restaurant.
Binalik ko ang tingin sa dalawang lalaking nasa harap ko. Mula sa inosenteng mukha ni Mark patungo kay Nathan na nakataas na ang kilay. “Ehem! Are you ok? Or you want to go now?”
Umirap ako sa tanong ni Nathan bago sumagot. “Of course, I’m ok. Is anything wrong?” Tsaka sumubo ulit ng pagkaing nasa plato ko.
Nagtaas balikat si Nathan tsaka pinagpatuloy ang pagkain. Nang natapos ako kumain inexcuse ko muna ang sarili ko para pumunta ng CR. Naglalakad na ko ng mahagip ng mata ko ang mesa nila Rain. Nakita ko kung gaano sila kasaya nakikipag kwentuhan sa kasama niya. Muli ako humakbang para lalo ko Makita ang mukha nang babae at napasinghap ako nang bumungad sakin ang pamilyar na itsura. Si Kim? Bakit si Kim ang kasama niya?
Inabot ni Rain ang puting kahon at agad itong binuksan ni Kim. Lalong sumilay ang ngiti sa mga labi ni Kim habang pagkirot naman ang sumilay saking dibdib. Nanginginig akong napakapit sa posting malapit sakin habang patuloy silang tinitingnan. Sa pagkuha ni Kim ng isang kwintas sa puting kahon muling nagflashback sakin ang mga pangyayari ng mga nakalipas nang panahon. Ang kanyang regalo sakin noon.
Lumandas ang luha sa aking kanang mata at napatakip ako ng bibig. Dali-daling tinungo ang CR at pumasok dito. Magkahalong sakit at lungkot ang dumaloy saking kabuuang sistema. Bumibigat ang aking bawat paghinga kasabay nang sunod-sunod na pagtulo ng luha mula saking mga mata. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Ang sakit pa rin pala. Anong ibig sabihin nito? Bakit sila magkasama? Bakit?
Lumunok ako upang pakalmahin ang sarili ko. Muli ko tiningnan ang sarili ko sa salimin, kumalat na ang make-up ko kaya nang mahimasmasan na ako ay inayos ko na ang sarili ko at nagretouch. Huminga ako ng malalim bago lumabas. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa mukhang bumungad sakin. Natulala kami sa mukha ng isa’t-isa. Natigil lamang ito nung humakbang paatras si Kim habang nakahawak sa kanyang nakaumbok na tiyan. Napababa ang tingin ko doon bago binalik ang tingin ko sa mukha niya. Nag-iwas siya ng tingin tsaka yumuko at pumasok ng CR.
Tulala kong binaybay ang mesa namin. Buntis si Kim pero sinong ama? Siya ba? Pero may nangyari ulit samin, ano yun? Past time? O dahil kahilingan lamang yun ng anak ko? Bumalik ang mga alaala sakin nang binigyan ng mga bulaklak at kwintas ni Rain si Kim. Yung panahon nakasalubong ko si Kim sa studio. Muling gumuhit ang sakit sakin dibdib.
“Mommy, let’s go.” Nabalik lang ako sa realidad nung yumakap sa baywang ko si Mark. Kasunod nito si Nathan na nasa likod niya naglalakad.
Ngumiti ako at hinaplos ang buhok ng aking anak. “Ok.”
Napatingin ako kay Nathan na may nag-aalalang ekspresyon ngayon. Umiwas agad ako ng tingin bago humakbang paalis ng resto.
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romansa"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...