Kabanata 21
Red
Namumula pa ang ang labi niya dahil sa lipstick ng babae. Humahangos siya na tila pagod na pagod sa ginagawa. Malamig siyang nakatitig sakin na tila ba galit na galit dahil naistorbo ko siya, sila. Di ko napigilan ang luhang bumaksak sa kanang mata ko. Yumuko ako at pasimpleng pinunasan ang takas na luha. Pinikit-bukas ko saglit at mata ko bago muling tumingin sa kanila. Ngumiwi ako at tsaka ngumiti sa kanila.
"I'm... s-sorry!" Yumuko ako at patakbong tinungo ang kotse ko.
Naglalakad ako sa hallway ng company para ipasa tong mga design ng damit. Grabe nastress ako tuwing naalala ko yun. Sige, aaminin ko mukhang may feelings pa ko sa kanya pero di ko expected to. Kasi lumipas ang maraming taon na nakalimutan ko na siya pero ito isang sulyap lang sa kanya naalala ko siya at hinahanap-hanap na siya ng puso ko.
Pero ganun pa man, di maitatanggi na malaki ang pinagbago niya. Sobra-sobra! Ang mga maamo at nakakahawa niyang ngiti, ngayon burado na. Mga matang puno ng emosyon, ngayon malamig at wala nang emosyon. Mga haplos na nagpapabaliw sa isip ko, ngayon isa na lamang nakaraan. At higit sa lahat ang boses niya na kahit malaswa ang sinasabi tumatagos sa buong katauhan ko.
Iniabot ko na sa isa sa mga member ng project ang mga designs, masaya sila nung nasulyapan ito ngunit unfortunately di nila ito maibibigay sa isa sa mga mahalagang tao na need na mag approve nito. Kaya naman nag presinta na ako na ang maghahatid close naman kasi kami ni Mitch. Nagtungo muna ko sa CR at nagretouch bago pinasadahan ng tingin ang red fitted dress ko. Hanggang kalahating hita lang ito kaya medyo asiwa ako at dahil sleeveless ito pinatungan ko ito ng gray na blazer na mahaba.
"Uhm, Miss, I'm Red Zyler. Saan ang recording studio ng Sqeeze dito?" Tanong ko sa reception nung marating ko ang Studio Building nila. Actually ang ganda dito at bet ko ang interior designs lalo na yung crystal chandelier nila.
"Oh, naitawag na po ni Ma'am Mitch ang pagdating niyo. Sakay na lang po kayo sa elevator in the left side. Sa 7th floor po sila sa left hallway sa dulo po." Sagot naman nung receptionice.
"Ok, thank you." Maikling sagot ko at nagsimula nang tunguin ang elevator. Di naging matagal ang paghihintay ko at nakasakay na ko, narating ko ang 7th floor ng mabilis. Lumabas ako naglakad sa kaliwang hallway habang nagtetext kay Mitch nang may mabangga ako. "I'm sorry. I'm sorry."
Mukhang napalakas ang pagbangga namin sa isa't-isa dahil natumba siya sa sahig. Iniabot ko ang kamay ko para tulungan siya, iniabot niya naman ito at tumayo na. Nagpagpag siya ng sarili tsaka tumingin sakin, pareho kami nagulat nung makita namin ang isa't-isa. Maiksi na ang buhok niya ngayon na may kulot sa dulo, pumuti siya, at nagmature tingnan.
"It's ok. Thank you for helping me." Ngumiti siya sakin at tiningnan ako diretso sa aking mga mata tsaka lumagpas sakin.
Nagpakurap-kurap ako saglit bago lingunin siya na papalayo sakin. Pati din siya ang laki ng pinagbago. Nagpatuloy ako tunguin ang recording room nila pero pagdating ko dun busy pa sila sa meeting nila kaya hinayaan muna nila ako dito sa waiting room.
Lumipas ang kalahating minuto di pa rin sila tapos kaya naisip ko maglibot muna. Hinakbang ko ang paa ko at isinawalang bahala kung saan ako mapapadpad. Di naman ako lalabas ng recording studio ng Sqeeze kaya di naman siguro ako maliligaw. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang isang kwarto, tinted glass ang bintana nito kaya di ko maaninag ang nasa loob. Pinuntahan ko ang pinto ang pinihit ang doorknob, laking tuwa ko ang umikot ito at bumukas. Dahan-dahan ako pumasok at pinagmasdan ang buong paligid.
Sa tingin ko ay instrument room nila to dahil sa mga gamit na rin na nandito. Kumpleto halos lahat dito pero isa lang ang nahagip ng paningin ko, ang piano na nasa sulok ng kwarto. Nilapitan ko ito at umupo sa upuan nasa harap nito. Pinindot ko ang isang key, sinundan ko pa ng isa pa, at isa pa. Nalungkot ako sa naalala ko ang musika ni Rain na nagpagising sakin mula sa pagtulog, yung tunog na di ko malilibutan, isang musikang nakatatak sa aking puso.
Pinagpatuloy ko ang pagpindot ng kung ano-ano dito kahit wala naman ako nagagawang matinong tunog, napangiti ako at nilibang pa ang sarili. Nagulat ako ng may pumatong na isa pang kamay sa kamay ko, napatingin ako dito at naramdaman ang pamiliar na haplos nito. Unti-unti itong gumalaw na parang ginagabayan ang kamay ko sa pagbuo ng tunog. Isang tunog na kahit kailan di ko malilimutan lalo na malungkot na ritmo nito. Kinuha niya ang isa ko pang kamay at dinala sa piano katulad ng ginawa niya sa isa ginabayan niya din ito.
Napangsinghap ako nang naramdaman ko ang dibdib niya sa likod ko. Naghahalo ang tunog ng malakas na tibok ng puso ko sa musikang ginagawa namin. Bumuhos ang mga alaala matagal ko nang nais kalimutan habang patuloy na tumutog. Pinilit kong maging matatag hanggang sa matapos ang musika. Tumigil kami hanggang sa naramdaman ko ang pagbitiw niya sa kamay ko. Parang nag slow motion ang lahat sakin habang nakatitig sa unang kamay na hinawakan niya. Unti-unti kong naramdaman ang paglayo ng presensiya na kasabay ng pagkirot ng puso ko. Hanggang sa wala na, tapos na ang lahat lalo na nung nadinig ko ang papalayong yapak niya at pagsara ng pinto.
Katulad noon kahit pa gaano namin pinahalagahan ang isa't-isa, natapos pa rin kami dahil tapos na ang lahat ng dahilan para magkaroon ng kami. Katulad ng musikang ito kahit gaano pa ito kaganda, kaemotional, kahit gaano pa ito kagusto may katapusan pa din at di ito maiiwasan.
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romance"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...