Kabanata 34

1 0 0
                                    

Kabanata 34

Kim

Agad ko nakita si Kim sa sulak ng Cafe nung pumasok ako. Kinakabahan man, mahinahon at matiwasay pa din naman ako naglakad patungo sa kanya.

Nilingon niya ko nung mapansin niyang nakatayo na ko sa gilid niya. Ngumiti siya at pinaupo ako sa harap niya. Tumawag siya ng waiter. "One caffucino sakin, ikaw?"

"Iced apple tea." agad naman umalis ang waiter. Lumingon naman sa labas si Kim mula sa salaming bintana ng store.

"Gusto ko malaman mo na kusang ginawa ko to at walang sinoman ang nakakaalam ng pagkikita nating ito. Actually, di ko na dapat ito ipaliwanag sayo pero siguro para kay Rain gagawin ko ito." Bumuntong hininga ito at tsaka lumingon sakin. Tumitig ito saking mga mata na siyang naging dahilan para sa pagtingin ko pababa sa mesa.

"Here your order po." sambit ng waiter na nagpagulat sakin.

"thank you." Tugon ni Kim sa waiter. Nilapag nito ang order naming inumin at tsaka umalis na muli.

"amatay ang magulang ko pagkatapos ang isang taong nung gumagraduate tayo." panimula ni Kim. Tiningnan ko siya ng may pag aalala ngunit ngumiti lamang ito at humihop ng caffucino. "Nag-aaral pa ako noon kaya umabot sa naubusan ako ng pera at nangutang kung kanikanino. Nag-part time job din ako minsan sa mga resto para dagdag pampaaral." putol niya at tsaka bumuntong hininga muli. Ramdam ko ang pagpipigil niya sa bawat salita niya. Muli ito humigop ng caffucino at tumingin sa labas. "Hanggang sa isang araw, umuwi ako galing school nang habulin ako ng isa sa grupo ng pinagkakautangan ko. Sobrang takot ko noon kaya di ko alam ang gagawin ko kaya kung saan-saan ako tumakbo. Nacorner nila at dinukot." Huminto siya saglit at lumunok ng laway.

"Teka, di mo naman need pilitin ang sarili mo...." pagpuputol ko sa kanya ngunit nagpatuloy pa din siya.

"Dun huminto ang mundo ko, sobra akong nasaktan sa dinanas ko. Di ko alam kung anong nagawa ko para mangyari iyon sakin." pilit siya ngumiti at nagpatuloy. "Dahil ba pinanghimasukan ko relasyon niyo ni Rain dati, Of course, magagalit ako dahil ginagamit mo ang katawan mo para magkaroon ng pera." Nagulat ako sa nalaman ko kung ganun alam niya pala dati pa lang.

"Paano mo....."

"O dahil ba sa sikreto ni Bea, alam kong mahal na mahal niya ang Miguel na yun kaya bakit di niya ipaglaban ng harapan. Ginawa ko lahat para makatulong sa inyo kahit alam kong magiging masama ako wala ako pakielam kasi mahalaga kayo sakin, di baling magalit kayo sakin wag lang kayo mapahamak. Yun ang iniisip ko nung mga panahon na yun, halos piliin ko na mamatay dahil sa araw-araw nila ako pinipilit magtrabaho sa Bar para pagkakitaan dahil sa mga utang ko at dun ako nakita ni Rain. Niligtas niya ako sa pamamagitan ng pagbili sakin at pagbabayad ng mga utang ko pero niloko kami pareho kaya sinubukan niya ako itakas pero bago mangyari yun samo't-saring bugbog at sakit ng katawan ang dinanas ni Rain at pinagsamantalahan nila ko paulit-ulit sa harap ni Rain."

Napalunok ako sa narinig ko halos pigilan ko ang sarili ko sa paghinga.

"Halos mamanhid ako sa sakit ng nangyari ngunit sa huli nakatakas kami pareho at nagtago kami sa ibang bansa. Dun kami pareho nagpagaling, siya sa mga broken bones niya, ako naman sa trauma. Dahil sa nangyari, nabaliw ako, to the point na kinatatakutan ko lahat ng taong lalapit sakin. Ipinagamot niya ko at kahit na nahihirapan siya dahil sa sakit ng katawan niya. Pinagtiyagaan niya ko kahit na nagwawala ako tuwing naaalala ko ang sinapit kong kaharasan. Ngunit siya din ang dahilan kung bakit pinilit ko lumaban." ngumiti ulit ito tsaka lumingon sa akin.

"Kung ganun bakit ganyan siya nagbago?" sambit ko pagkatapos ng lahat ng nalaman.

Tumawa siya bago sagutin ang tanong ko. "Nagkakamali ka, di naman talaga siya nagbago."

"Matagal na siyang ganyan." Napukaw ang atensyon ko nung nadinig ang pamilyar na boses.

Nilingon ko ito at nakita ang pamilyar na mukha. "Paulo?"

"Gagawin niya lahat ng bagay ng palihim kahit na masasaktan siya wag ka lang mapahamak. Kailangan niya maging matatag, matigas, at masunurin na aso ng magulang niya kundi babagsak ka. Nakatakas man si Bea sa wedding problem niya." sagot ni Paulo na ngayon nakaupo na sa tabi ni Kim.

"At ako sa mental problem ko, siya hindi. Kasi matagal ka na niya pinoprotektahan." Singit ni Kim samin.

Kumunot ang noo sa mga sinasabi nila lalo akong naguluhan kaya tiningnan ko sila pareho.

Bumuntong hininga si Kim bago sumagot. "Wala ka talaga kaalam-alam sa mundo. Makapangyarihan ang ama nang mokong na yun. Kaya niyang pabagsakin o makuha lahat ng gusto niya sa isang pitik lang. Kaya nga todo ingat sa pagtatago namin nun ni Rain sa ibang bansa dahil pagnatagpuan kami ng ama niya. Wala na ako ngayon sa harap mo."

"At di mo ba alam na masamang pinagseselos ang lalaking head over heels sayo?" singit ni Paulo na may nakakalokong ngiti na ngayon.

"Selos?" Lalong kumunot ang noo ko sa sinasabi ng dalawang ito.

Tumawa ang dalawa bago sumagit si Paulo. "Ingat-ingat ka din naman kasi sa mga pinopost mo sa social accounts mo. May nasasaktan dito sa Pilipinas."

Naguguluhan kong tinanong si Kim tungkol sa mga nakita ko. "pero Kim, di ba may relasyon kayo ni Rain?"

Nagtinginan ang dalawa bago sumagot. "Actually, I'm 6 weeks pregnant with Paulo's child."

"What?! But how does it happen?" gulat kong tanong sa kanya.

Namula si Kim samantalang si Paulo naman ay proud na proud na sumagot sakin. "Syempre, nagkiss kami tapos hinubadan ko siya. And then, pinakawalan ko yung snake ipinasok sa kweba. Tapos..... Aray!"

Binatukan siya ni Kim na namumula pa rin ngayon katulad ko. "Ang bastos mo talagang siraulo ka!"

"Di ako makapaniwala?" napasandal ako ang tinitigan sila.

"Bakit naman? Di ka ba naniniwala sa bagsik ng kamandag ko?" tanong ni Paulo.

Umiling ako ng nakangiti bago sumagot. "Hindi. Di ako makapaniwalang napagtiyagaan ka ni Kim."

Tumawa naman si Kim sa sinabi ko na siyang ikinanguso ni Paulo. "Hay! Naku! Kawawa na naman ako."

"Si Rain kasi ang naging takbuhan ko tuwing nabwibwisit ako sa baliw na to. Ewan ko siguro nakasanayan ko na dahil siguro sa nangyari noon."

Uuwi si Red sa condo at makikita si Rain sa tapat ng pintuan nito. Matamlay ito at tila walang gana sa katawan. Bigla siyang yayakapin nito mula sa likod habang binubuksan nito ang pinto.

"Saan ka galing?"

"Rain, there's something I want to tell you. Pasok muna tayo sa loob."

Papasok sila ng condo ngunit matatagpuan nilang magulo ito na tila dinaan ng bagyo. Matutulala si Red sa pangyayari samantalang dirediretsong papasok si Rain para malaman kung anong nangyari ng mapansin nito ang sulat sa basag na coffee table.

I take my grandson with me.

Playful BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon