Kabanata 15

13 1 0
                                    

Kabanata 15

Graduation Ball


Tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. Magkahalong kaba at excitement ang dumadaloy sa buong sistema ko ngayon. Inayos ko bahagya ang dulo na buhok na nakakulot ngayon. Huminga ako ng malalim bago pasadahan muli ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Nakablack dtube gown ako na abot hanggang sahig na naunang binili namin noon ni Rain. May mga bids ito sa lining ng damit na kumikinang pag natatamaan ng liwanag. Fit ito sa katawan ko hanggang sa baywang at paluwag na pababa.


Hinalikan ko si Lolo na nakaupo sa couch habang nanunuod ng TV. "Lo, alis na po ko."


"Mag-iingat kayo apo, naku kay ganda naman ng Red namin. Sige na baka mahuli pa kayo." Nakangiting tugon sakin ni Lolo. Tumayo na si Daddy at lumapit sakin.


Sumakay na kami ng sasakyan ni Daddy at hinatid niya ko sa Graduation Ball namin.


"Opo, dad. Thank you po sa paghatid." Nginitian ko ng sobrang tamis ang Dad ko at humalik sa pisngi nito. Gumanti ito ng ngiti at bumababa na ko ng sasakyan. Pagkasara ko ng pinto ay muling dumaloy ang kaba sakin. Muli ako tumingin kay Daddy na nasa loob ng sasakyan, kumaway siya sakin at nagthumbs up. Ngumiti ulit at nagsimula na ako maglakad papasok sa event hall.


Naglalakad ako sa gitna ng maraming tao at naghahanap ng kakilala. Medyo nahihiya pa ng ko dahil lahat ng madadaanan ko titingnan ako na para bang ngayon lang nila ako nakita. Ako naman ito, yuyuko at mag-excuse na lang.

"Bes? Ikaw ba yan?" tawag sakin na nakapagdala ng saya sakin dahil sa wakas nakita ko din sila. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang malapad niyang ngiti. Agad siya lumapit sakin at nakipag beso-beso. Nakapink dress siyang tube. "Bessie! Grabe ang ganda-ganda mo tonight. Naiiyak ako, finally dalaga na ka." at umarteng nagpupunas ng luha.


"Loka-loka, para kang sira, OA mo huh." Humagikgik sa tawa si Bea sa sagot ko. Pinagmasdan ko siya at tumawa na din. Nakakamiss si Bea makitang ganito kasaya, ilang months na din kasi siyang di ngumingiti minsan pilit pa.


"Tara na nga. Upo tayo dun, kain na tayo gugutom na ko. Di kasi ako nakakain sa bahay dahil sobrang excited ni Mommy." Aya sakin ni Bea kaya kumain na kami dahil maging ako gutom na. Kumain naman ako sa bahay sadyang di lang din ako nakakain ng ayos dahil sa kaba.


Nakaupo lang kami ni Bea sa table dahil kakatapos lang namin kumain at kinukwento niya yung pinaggagawa ng mommy niya sa sobrang excitement nang may maglahad ng kamay sa gilid niya. Sabay kami napatingala sa may-ari ng kamay. Si Miguel Zalbien isa sa mga varsity ng school namin, muli ako tumingin kay Bea na nakangiti na ngayon at namumula-mula pa ang pisngi. Tinanggap niya ang kamay ng lalaki at walang tingin-tingin iniwan ako. Napanganga ako sa mga pangyayari habang sinusundan silang pumunta sa gitna para magsayaw. Napabuntong-hininga na lang ako nang makarinig ng halakhak sa likod.


"Aaa, wawa naman iniwan! Huhu, iyak ka na Red." Mapang-asar na bati sakin ni Rain. Sa inis ko hinampas ko ang braso niya na iniwas niya naman.


"Siraulo ka talaga no." lalo lamang siya humalakhak at hinila ako patayo. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinila ako sa gitna ng mga nag sasayawan. "Rain, t-t-teka di ako ready."


"What?! anong di ready? Don't tell me magwarm up ka muna bago makipagsayaw sakin?" pang-iinis niya sakin.


"Eeeee kinakabahan ako." Sabay tingin sa mga taong nasa paligid namin na nag sasayaw din.


"Wag ka kabahan, mataas naman ako magbigay ng grade. Icoconsider ko yan." At muli siyang humalakhak. Aamba sana uli ako ng palo sa braso niya nang nahuli niya ang kamay ko in mid-air. Sumabay sa pagsway ang katawan niya sa musika. Ipinatong niya ang nahuli niyang kamay ko sa balikat niya at ang isa ay hinalikan niya muna bago pagsalikupin. Ramdam ko ang mainit niya palad sa likod ko.


Aaminin ko kinikilig ako ngayon lalo na nung pinagdikit niya ang mga noo namin habang nakangiti siya ng pagkatamis-tamis. Ang mga mata niya ay di nawawala sa pagtitig sakin. Pakiramdam ko kami lang ang tao sa lugar na ito, maging sa mundong ito. Di maalis ang ngiti sa labi ko at namamasa ang mga mata ko dahil sa sobrang kasiyahan.


"Red, may mahalaga tayong pag-uusapan." Tumigil kami sa pagsasayaw at ilang segundo din ako nakatulala sa kanya. Ngumiti at tumango sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at iginiya ako sa garden ng event hall. Sa ilalim ng bilog na buwan ay binaybay namin ang kalagitnaan ng garden.


Tumigil kami sa gitna at humarap siya sakin. Sinugod niya ko ng kanyang mapupusok na halik na siya din namang ginantihan ko. Ilang sandali pa ay lumayo siya sakin at tiningnan ako sa mata.


"Red, it's time to end the contract." Napawi ang ngiti sa labi ko at nagbadya ang mga luha sa mata ko. Yumuko siya at hinilot ang kanyang sentido bago muling tumingin sakin. "Alam ko Red na mahirap pero kailangan. Masaya akong nakilala kita, nakasama, at gusto ko na malaman mo na hindi isang slave ang tingin ko sayo. Pero lahat ay may katapusan. Ayokong ikulong ka sa isang bagay na di mo pinili. Kailangan mo nang maging malaya. I'm sorry and thank you."


Inilabas niya ang isang papel sa bulsa ng coat niya. Binuklat niya ito at nabasa ko na ito ang kontrata namin. Pinunit niya ito sa harap ko at bawat piraso nito ay dinala ng malamig na simoy ng hangin. Gayunpaman ay di naalis ang titig ko sa lalaking nasa harapan ko, ang lalaking ayaw kong mawala. Bumuhos ang sari-saring emosyon sakin, walang ni isang salita na lumabas mula sa bibig ko, di ko alam kung anong gagawin o dapat sabihin. Nakatitig lamang kami sa isa't-isa, nagsusukatan, nakikiramdaman.


Pumikit ako nung naabsorb ko na kahit paano ang nangyari kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha sa aking pisngi. Napangiti na lang ako at lumapit sa kanya. Ito na ang inaasahan ko, ang katapusan ng lahat. "Rain, sa-salamat d-din" muling pumatak ang luha mula sa mga mata ko. Kay hirap magsalita parang may nakabara sa aking lalamunan. "L-la-alo na sa-" nanginginig man ang boses at hirap sa paghikbi ay patuloy pa rin ako nagsalita. "sa... sa.... pag.. tu-tulong mo kay... Lolo. Sa.... sa maga... gandang alaala. Sa-salamat."


Dinukot niya ang panyo sa bulsa niya at kinuha ang kamay ko. Katulad ng ginawa niya dati hinalikan niya ang likod ng palad ko, muli bumalik sakin ang mga alaala na lalong nagpaiyak sakin. Nang aamba siyang punasan ang mga luha ko sa aking mukha ay iniwas ko ang mukha ko at tinabig sa kamay niya. Umiling ako sa kanya at tumalikod. Nagsimula akong humakbang palayo sa kanya dala-dala ang mabigat na damdamin meron ako. Sa bawat hakbang ko ay lalong bumibigat ang pakiramdam ko maging ang aking paghinga. Sobrang sakit ng aking nararamdaman tumingin ako sa kalagitan at bumulong.


"Mama, sobrang sakit, anong gagawin ko?"

Playful BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon