Kabanata 13
What happen?
Dinig ko ang maalindog na musika, nagtataglay ito ng matamis na tunog at kaakit-akit na tono.
"Baby, open your beautiful eyes
Hold my hand that reaching you...
Wooaaah! O-oow!
Because You're the one I only missed."
Idinilat ko ang aking mata at tiningnan ang pinagagalingan ng musika. Nakita ko si Rain na magiliw na kumakanta hawak-hawak ang kanyang gitara sa upuan malapit sa kama. Nakatingin siya sakin ng may ngiti sa kanyang labi. Napangiti ako sa kanya lalo nang inabot niya sakin ang tatlong pirasong rosas at muli ipinagpatuloy ang pagtugtog.
"Baby, hear me out.
Stay with me
O-oow! now and forever.
Because You're the one I only missed."
Nagliparan ang mga paru-paru sa aking tiyan kasabay na mabilis na pagbayo ng aking puso sa galak at kilig. Inamoy ko ang bulaklak habang pinagmamasdan siyang sa pagkanta hanggang sa matapos ito.
"Baby, I missed you.
Please, come back to me."
Sinundan ng aking mga mata ng bitawan niya ang gitara sa gilid. Lumapit siya sakin at hinalikan ang aking mga labi. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko habang nakatingin pa rin sa aking mga mata.
Naglalakad akong papasok ng gate ng may umakbay sakin, napatingin ako sa may-ari ng braso ng nakita ko si Bea.
"Hi, bes. Musta?" Bati niya sakin ng may ngiti sa kanyang mga labi. Tinanggal niya ang kamay niya sa balikat ko bagkus kumapit siya sa siko ko at sinabayan ako maglakad.
"Ayos lang, bes. Ikaw? Uy! Mamaya lalabas na si lolo sa ospital samahan mo ko sunduin siya."
"hmm, Sige, why not, bes?" sabay tango at ngiti sakin.
Huminto ako paglalakad at hinarap si Bea. Tinignan ko siya mabuti sa kanyang mga mata. "Bessie, may problema ka ba?" nag-iwas siya ng tingin at nawala ang ngiti sa labi niya.
"Bes, di ko masasabing wala dahil yun nga, lam mo na, about sa family ko pero ok lang ako. Medyo nastress lang siguro kasi pinepressure nila ko." Nakayukong sagot sakin ni Bea.
May init na humaplos sa akin puso. Naawa ako sa kaibigan ko lalo na't wala akong magawang tulong sa sitwasyon niya. Ayoko naman manghimasok dahil pamilya niya yun, nirerespeto ko ang pamilya niya lalo na si Bea. Hinaplos ko ang likod niya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Siguro tanging suporta lang ang magagawa ko para sa kanya sa ngayon.
Riiiiiing! Riiiiiing!
"Bea, bakit ayaw mo sagutin yan phone mo?" Nakatingin lang ako kay Bea habang inaalam kung ano nangyayari. Nakatulala lamang siya sa phone niya nang sumulyap siya sakin at umiling. "Bes, sigurado ka bang ok ka lang?"
Hinilamos niya ang palad niya ang kamay niya sa mukha niya at tsaka tumitig sakin. "Red, I... I really..... really sorry!" Biglang sunod-sunod tumulo ang luha sa mga mata niya at umalis dala-dala ang gamit niya.
Nag-aalala lamang akong nakatingin sa kanya habang papalayo siya. Magkahalong pagtataka at kalungkutan ang nararamdaman ko para sa aking kaibigan.
Matapos ang klase ay nagmadali ako tumungo sa ospital para sunduin si lolo. Nandito kami ngayon sa labas at inaalalayan si lolo papasok nang sasakyan ni Dad o Mr. Zyler.
"Maraming salamat po dahil sa inyo magaling na po ang lolo ko." Sabi ko sa Doctor ni lolo na kasama naghatid samin dito sa labas.
"Wala, tungkulin ko yun biglang doktor." Ngumiti siya sakin at tumingin kay lolo. "Lo, ingatan niyo po kalusugan niyo. Mag-iingat po kayo lagi."
Ngumiti ang lolo ko sa kanya at kami ay nagpaalam na kaya naman sumakay na kami sa kotse. Habang nasa byahe biglang nagsalita si lolo.
"Red, apo, hindi ba'y malapit na ang graduation niyo? Ano bang balak mong kuning kurso sa kolehiyo?" tanong ni lolo sakin.
"Di ko pa po alam kung ano kukunin ko, Lo pero gragraduate na po ko nitong dadarating na april."
"Bakit di ka sumama kay Alfredo sa ibang bansa para mag-aral? Hindi ba't Alfredo ok lang naman sa inyo ni Weng kung kukunin mo si Red para pag-aralin?" nanlaki ang mata ko sa gulat sa tanong ni lolo kay Dad.
"Opo naman po, papa pero paano naman kayo kung siya lang ang isasama ko? Kung sasama man siya ay dapat kasama din kayo. Aba'y di ko po kayo pababayaan mag-isa dito. Tsaka ang gusto ko si Red ang magdesisyon tungkol diyan, panibagong yugto na nang buhay niya yan kaya dapat pag-isipan niya mabuti, hindi ba Red?" sagot ni Dad samin habang sumusulyap-sulyap sa front mirror ng sasakyan.
"Oo nga po, Lolo. Wag po kayo ganyan. Alam niyo naman love na love ko kayo e." Sabay yakap sa lolo ko.
"Naku, aaapo, Aray ko masakit." sabay layo kay lolo na umiinda ng sakit. "Bagong opera lang si lolo. Kalma ka lang apo."
"Opo, sorry po Lolo." ngumuso ako na siya naman pagtawa ni lolo at ni Dad.
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romance"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...