Kabanata 19
Cold
Maaga ako nagising para magluto at mag-ayos ng sarili. Agad ako nagluto nang carbonara at naglinis kaunti. Sinigurado ko din na maayos ang lahat bago maligo at mag-ayos ng sarili. Ngayon na kasi sila dadarating, sobrang excited at miss ko na sila kaya nagmamadali akong gawin ang dapat ko gawin bago umalis ng condo.
I wear my black leggings pants, long sleeve shirt na tinupi ko hanggang siko ko and brown boots. Muli ko pinasadahan ng tingin ang sarili ko habang hinihintay sila. Napapilitik ako sa aking naisip. For sure, Nathan, will get angry seeing me like this. He hates how my clothes hug my curvy body. Napangiti ako sa kawalan nang mapansin kong papalabas na sila.
Lumawak ang ngiti ko lalo nang nung makita ang anak kong si Mark Yuki Zyler, agad ko siya sinalubong ng yakap at binuhat. Nasa likod naman niya si Nathan na tulak-tulak ang gamit. Nakangiti din itong lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi.
"How are you both? I miss you baby." sabay halik sa pisngi ng anak ko.
"I'm fine, mom. I enjoy myself with uncle Nathan. He always play with me." Hagikgik niya na siyang nakapagpatawa din sakin. Sinulyapan ko si Nathan na nakatingin din sakin at nakangiti.
"Thank you, Nathan. I love you." Paglalambing ko habang binibigyan siya ng matamis na ngiti.
Umiiling-iling siya bago magsalita "It's ok, it doesn't matter. I love you too."
Ngumiti kami sa isa't-isa at nagsimulang maglakad. Napagpasyahan namin mamili muna sa malapit na mall bago umuwi dahil bibili pa daw sila ng mga personal na gamit nila. Naglalakad kami sa mall nang naramdaman kong bumigat si Mark.
"Ako na bubuhat kay Mark." Alok sakin ni Nathan.
"Are you sure, Nathan?" Tumango siya kaya binigay ko na sa kanya si mark. Binuhat niya ito ng payakap at pinatong ang ulo nito sa kanyang balikat. Ako naman kinuha ko na ang plastic ng pinamili namin.
Pag angat ko ng tingin ay nasa harap ko sila Rain kasama ang mga kabanda niya. Nasa malayo sila at nagtatawanan nang mapansin ako ni Paulo. Tinuro ako nito dahilan upang tumingin ang iba pa nilang kasama. Napatigil sila sa pagkwekwentuhan at gulat ang rumehistro sa kanilang mga mukha. Ngunit napadako ang tingin ko sa kanya, malamig siyang nakatingin sakin na para bang walang pakielam sa nakikita niya. Gumuhit ang sakit sa aking dibdib.
Napayuko ako at ilang beses pinikit bukas ang mga mata ko. Nung nakasigurado ko na kaya ko na nag angat na ko muli ng tingin. Nakatingin na ngayon siya kay Nathan na buhat-buhat si Mark. Biglang gumapang ang kaba saking sistema. Ang tibok ng puso ko ang aking nadidinig.
"Shit!" Mahinang bulong ko kaya napatingin naman sakin si Nathan na nakakunot ang noo. "Nothing." Ngumiti ako sa kanya para bigyan siya ng assurance. "Let's go. I know you both tired from the travel." Muli ako lumingon sa kanila bago ngumiti at kumaway paalis.
Nasa mini library ako ng condo at gumuguhit ng mga panibagong design ng damit. Sa dami ng aking naguhit ay di pa rin ako nakuntento tila ba nakukulangan ako o di kaya'y di ko nagugustuhan kaya yun halos mapuno na ng papel ang trash can sa sulok.
Isabay mo pa ang naguguluhan kong damdamin. Alam kong nakamove on na ko pero di ko maintindihan kung bakit ang sakit pa rin tuwing nakikita ko siya. May pananabik na nabubuo tuwing nakikita ko siya at ang matindi natutulala ako lagi pag nakikita ko siya. My gosh! I'm already 24 years old pero itong puso kala mo teenager kung mag response.
Sa itinagal ko sa New York nabuhay ako na di siya palaging iniisip, na payapa, at sa way na gusto ko. Naabot ko ang pangarap ko maging fashion designer, napalaki ko ng maayos si mark at nakatulong ako sa company ni Dad dahil well pareho kami ng line of business. Pero fudge, umuwi lang ako ng Pilipinas nagkaganito na ko. Di din naman ako ganito kahit nung kabataan ko ah... di naman di ba? Di nga ba talaga? Hmmmmm...
Napaisip ako ng malalim dahil dun. Napasandal ako sa sa kinauupuan ko at napatingin sa bintana na parang may dadapong ibon dun at magbibigay ng sagot sa katanungan ko.
"Hindi naman di ba?" Bulong ko sa sarili ko.
"So umuwi ka lang ng Philippines, natuto ka nang kausapin ang bintana?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Nathan na nasa hamba ng pintuan at nagbabasa ng english-filipino dictionary.
I narrow my eyes while staring at him. "Wag mo na pilitin magtagalog kung di kaya. Pinupush mo pa e."
Humalakhak siya at naglakad palapit sakin. Pwesto siya sa likod ko at yumuko hanggang maabot niya ang mesa. Ikinulong niya ko mga bisig niya. "But how I'm going to communicate to other people if they don't understand me? What if they talking bad about me and yet I don't even understand it, doesn't it make me look like an idiot? And beside I like to learn my own country language."
Tiningala ko siya at nginitian. I cupped his face by my own hands. "Whatever, Nathan. It's your own choice by the way. And people here is also understanding english. They really good at it."
Pareho kami tumawa at napagpasyahang matulog na dahil bukas ay papasok na din sa company tong si Nathan. Samantalang ako ipapasyal si mark habang naghahanap ng school na papasukan niya.
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romance"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...