Kabanata 35

1 0 0
                                    

Kabanata 35

Letting go

Napamura si Rain kaya dali-dali lumapit si Red sa kanya at hinablot ang sulat.

"What's the meaning of this?! Rain, where is my son?"

Namuo ang galit sa kalooban niya habang matalim na tinitingnan si Rain.

"I'm sorry, so sorry!" Agad-agad itong naglakad palabas.

"Rain, I know everything. Alam kong matagal mo na ko pinoprotektahan mula sa magulang mo, una pa lang. Alam kong matagal mo na tinitiis lahat para sakin." Nagsimula tumulo ang luha ko habang inaalala ang dinanas niya para sakin. "Kaya please, let me help you. Wag mo sarilihin ang lahat, wag mo ko gawing tanga. Please naman, Rain." Tumigil siya sa kalagitnaan ng paglalakad niya at tumitig sakin.

Pinunasan ko ang luha ko at matapang ko siyang hinarap. "Kim, told me everything."

Napapikit siya at tingala. Unti-unti siyang lumuhod sa harap ko. "Red, I'm sorry. I did everything para itago at di malaman ni Dad ang lahat ng sa inyo ni Mark para di ka niya saktan. I plan to push you away para di na masira ang masaya mong buhay kasama ang anak natin but I can't. Damn! I love you so much!"

Lumapit ako sa kanya, tumingala siya sakin at nakita ang mga luha sa kanyang pisngi na tumulo mula sa kanyang mga mata. Niyakap ko siya at pumikit. "Why? It's not your fault. You sacrifice everything for me."

"But right now, Dad take Mark with him. I don't know what will happen but I promise you ibabalik ko sayo ang anak natin." Tumayo siya at hinalikan ang noo ko.

"No, sasama ako. Ibabalik natin siya dito." Nag-aalangan man ay pumayag si Rain sakin. Hinawakan niya ang kamay ko bago kami lumabas ng unit.

Pinuntahan namin ang mansion ng pamilya nila. Pagpasok pa lang ay nakita ko ang isang matandang babae sa isang mahabang sofa. Kasama nito ang isang matandang lalaki na umiinom ng kape.

Nakatayo kaming dalawa sa harap ng magulang niya. "Dad, where is my son?" Tanong ni Rain.

"Who are you to asked me that? Pagkatapos mo ilihim ang lahat ng katarantaduhan mo sakin?" mahinahong sagot ng ama niya.

"Dad, it is about my son. Nasan siya iuuwi na namin siya."

"Namin? Oh! Looks like we have a visitor. Who is she? Isa sa mga mababang uring babaeng nabuntis mo?" humalakhak ito. "What your name again? Red? Oh, I see. Nice face and body, now, I know my son like you for his lust and pleasure."

"Dad, stop. Don't insult Red! We just here to get our child."

"hinding-hindi niyo makukuha ang apo ko." sagot ng ina niya.

"Wala kayo karapatan para kunin ang anak ko!" sigaw ko pabalik.

"at bakit wala? Oh sabagay, di ka na makakahingi ng sustento pag wala na sayo ang bata hindi ba?" sagot sakin ng matandang babae. Naglabas ito ng wallet at kumuha ng pera para ihagis sa mukha ko. "I think it's enough para lumayas ka at tantanan mo ang anak ko."

"Hindi ko kailangan ng pera niyo o kahit ano mula sa inyo. Ang kailangan ko ay ang anak ko." pinulot ko ang pera at hinagis din sa mukha nila pareho.

"Aba ang lakas ng loob mo sigawan ang asawa ko!" napatayo ang matandang lalaki at akmang susugudin ako.

"Wag mo subukan saktan si Red. Binabalaan kita." pumagitna si Rain samin dalawa.

"wala kang kwentang anak kinakampihan mo pa ang babaeng yan?" sabat ng ina niya samin.

"Mom, Dad, ano ba?!" Frustrated na sigaw ni Rain.

"Kung makaasta ka kala mo kung sino ka may narating. Di ka aabot sa ganyan kundi dahil samin ng mommy mo. Kaya wala kang karapatan sumuway samin!" ganting sagot ng ama ni Rain.

"Bakit Dad binuhay niyo ba ko sa mundong ito para lang maging puppet niyo para gawin lahat ng gusto niyo? Hindi ko hiniling ang ganitong buhay. Masaya ako sa simple kong buhay pero kayo ginugulo niyo lagi. Pinipilit niyo ko sa mga bagay na di ko ginusto kailanman! Kaya kong sundin kayo hangga't maaari pero kung mag-ina ko na ang usapan dito hindi ko kaya. Kaya itakwil niyo na ko hangga't gusto niyo, aalis na din naman ako sa pamilyang ito!" Hinugot nito ang cellphone at wallet sa bulsa ang nilapag sa coffee table kasabay ng mga credit card niya at susi ng kung ano-anong pagmamay-ari niya.

Hinablot niya ang kamay ko at hinila paakyat sa hagdan. Nadinig ko pa ang pagsigaw ng magulang niya habang paakyat kami sa taas. Nagmamadali kaming naglakad papasok sa isang kwarto at dun ko natagpuan si Mark pinapatahan ng katulong nila dito. Tumakbo palapit sakin ang anak ko at dali-dali ko naman siya binuhat at niyakap.

Nagtaxi kami pauwi ni Rain pagkatapos namin mabawi ang anak namin sa magulang niya. Hinatid niya kami hanggang condo. Buhat-buhat niya ang natutulog naming anak. Pagkabukas namin ng pinto ay dumiretso ako ng pasok at natagpuan ang Dad ko nakaupo sa sirang sofa. Nagulat kami pareho ni Rain sa nakita namin.

"Daddy." Sambit ko habang nakatayo sa harap nito.

"Now, you both here. Let's talk." Sineyasan nito si Nathan na di ko napansing nasa gilid na pala. Pinakuha nito si Mark at pumasok ang dalawa sa kwarto ng anak ko. "Mahal mo ba ang anak ko?"

"Yes but......" sagot ni Rain. Tumingin ito sakin bago muling sumagot. "hindi pa pwede. Kaya mas makakabuting sa ibang bansa muna sila ni Mark."

"Explain yourself." mahinahong tugon ni Daddy.

"Mr. Zyler, pasensya na pero di makakabuti kung mananatili mag-ina ko dito sa Pilipinas dahil nalaman na ito ng ama ko. Alam kong gagawin niya lahat masunod lamang sila. Pinapangako na gagawin ko lahat ng paraan, ng makakaya ko para maging maayos ang lahat. Ayokong pati sila masaktan sa mangyayari lalo na ang anak ko."

Bumuntong hininga si Daddy at sinagot si Rain. "Kung yan ang desisyon mo di mita pipilitin ngunit sana pag-isipan mo itong mabuti."

"Salamat, Mr. Zyler."

"Sana dumating ang araw na daddy na din ang tawag mo sakin." bumuntong hininga ito at lumingon sakin. "Red, maghanda ka na. Babalik tayo ng New York bukas ng umaga."

"pero dad, bakit biglaan? Paano ang pag aaral ni Mark? Paano ang..." mabilis at natataranta kong sagot.

"Anak, alam kong biglaan pero sa tingin mo sa nangyari dito sa condo mo mapapanatag ako?" mahinahon na sagot nito sakin. Iginala ko ang aking mata sa gilid at napayuko na lang dahil sa labis na kaguluhan nito. "Makinig ka muna sakin ngayon, ito ang makakabuti sa ngayon. Isipin mo ang kaligtasan ninyong dalawa ng apo ko."

Hinarap ako ni Rain at hinawakan sa magkabilang balikat. "Tama ang Dad mo, Red. Sa tingin ko ito muna ang makakabuti satin ngayon. Ayoko mapahamak pa kayo lalo dahil sa magulang ko."

"Pero Rain." Umiling ito at tumitig sakin. Yumakap ako sa kanya at nagsimulang umiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit bago pa man kami maghiwalay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playful BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon