Kabanata 3
The visitors
Nasa classroom na ko ngunit di pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. para itong isang panginip na paulit-ulit nagpaflash back sa isip ko. No, hindi pwede to. I need to concentrate in the class. Napapaisip tuloy ako kung tama pa ba ang ginagawa ko? Hindi kaya nautakan ako ng mokong na yun. di kaya nagpauto lang ako? Pero nangako siya na tutulungan niya si Lolo e. Paano yun? Ano sasabihin ko kay Lolo pagnagtanong siya sa pinaggagawa ko? Kung saan galing yun pera? kung sabihin ko kayang napulot ko yun? Naku! Baliw ka talaga, Red. Edi pinagalitan ka ng Lolo mo dahil di mo sinoli. Teka! Parang may nakakalimutan ako. at muling nagflash back yung nangyari kanina. Arrrrrrgh! Ano ba yan? Stop Thinking about that.
Riiiiiiiiiing!
Oh! No, tapos na ang class pero wala man lang ako naintindihan dahil sa kakaisip ng kung anu-anong bagay! Arrrrrrrrrrrrgh! Nahilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko nang kinalabit ako ni Kim.
"Problema mo, Bessie?" Nagtataka siyang nakatitig sakin at tiningnan ko siya pabalik. Nung naintindihan niyang wala akong balak sagutin siya hinila niya ang kamay ko. "Tara na nga, libre na nga kita ng lunch para makapunta na tayo sa lolo mo."
"Uhm.... Bessie, nakakahiya naman."
"Sus! Para ka namang others! Tsk! Basta ako bahala." Hinila ako ni Kim sa kamay ko at kumain kami sa malapit na fast food restaurant sa school. Habang kumakain kami bigla nagvibrate ang phone ko.
'Nasan ka? Sinong kasama mo?'
Nagtype ako ng sagot at sinend sa kanya. Pagbaba ko ng cellphone nakatitig sakin si Kim na may malapad na ngiti sa mukha.
"Mukhang may hindi ako nalalaman huh." Pabirong ngumiti sakin si Kim habang tinataas-baba niya ang kanyang kilay.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Oo, di ko kaya magsinungaling lalo na sa taong malalapit sakin pero kasi hindi niya pwede malaman. Malamang masapak ako ng babaing to pag nalaman niya ang tungkol dun. "Baliw ka! Wala to kumain ka na nga lang diyan."
"Naku, sabi mo e. May tiwala naman ako sayo e."
Hayyys! Nakukunsensya na ko. Sorry talaga, Kim.
Ngumiti na lamang ako kay Kim habang kumakain at umalis pagkatapos. Muli kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang mensahe ni Rain nang makasakay na kami sa sasakyan ni Kim. Nagtetext din siya sa phone niya kaya di niya ko napapansin.
Nang makapasok kami sa kwarto ni lolo sa ospital nakarinig kami ng nagtatawanan. Pamilyar ang boses na naririnig kong nagkwekwento habang si lolo masayang tumatawa sa sinasabi ng lalaki. Natatakpan ng kurtinang nakaharang ang lalaki kaya di ko makita ang mukha nito.
"Lo, nandito na po kami." Bati ko kay lolo pagpasok naming ng pinto ni Kim na nakakuha ng atensyon sa dalawa.
"Hi, Lolo. Nandito na po kami ni Red!" Maligayang bati ni Kim na diredretso lang ng pasok at lakad palapit kay lolo. Nagmano ito at binati ang lalaking kasama ng Lolo ko. "Oh, may bisita ka pala Lolo. Uy! Rain, ikaw pala yan."
Nagpintig ang tenga ko sa narinig kong pangalan kaya agad kong binababa ang bag ko sa malapit na cabinet at lumapit sa kanila. Teka, bakit ba ko kinakabahan at nagmamadali? Tinagilid ko ang ulo ko saglit at pinuntahan na sila lolo.
Nakatingin si Rain kay Kim na parang mimukhaan ito samantalang si Kim, ayun dinadaldal na si Lolo. Lumapit ako kay Lolo at nagmano. Kinamusta ko siya kaunti at pinunasan ang noo nito. Nakatayo ako sa gilid ng bed ni Lolo habang nasa likod ko si Rain na nakaupo sa silya, si Kim naman nasa kabilang side. Binaba ko sa gilid ang braso ko nang maramdaman kong mainit sa bagay ang dumampi sa pwetan ko. Napatuwid ako ng tayo at naramdaman ko naman at matigas na dibdib ni Rain sa likuran ko.
"Ang tambok pala ng pwet mo, Red." Bulong nito sa tenga ko na nagdala ng paso sa kamalayan ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakatayo na pala ito sa likuran ko at nakalapit na sa kanila. Naramdaman niya ang pagpisil nito sa pwetan niya. "Miss me, hon?"
Halos di ko na nadidinig sinasabi niya dahil nag-iinit ang pakiramdam ko. Nagsisimula na naman bumilis ang tibok ng puso ko at nang makabalik ako sa realidad agad ko siya nilingon. Parang nagslow motion ang lahat sakin lalo na nahuli ako ng mga asul na mata niya. Napaka intense ng mga mapupungay na mata nito parang pagsisihan mo pag pumikit ka.
"Ehem, mga friendships masyado yata kayong close baka nakakalimutan ninyo nandito pa kami."
Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ng bestfriend ko. Agad lumayo sakin si Rain at bumalik sa pagkakaupo. Naririnig ko si lolo na humahalakhak habang si Kim ay pumapalatak na. Maya-maya pa'y sabay-sabay kami umalis ng ospital dahil tapos na ang visiting hours. Nang nasa labas na kami ng ospital agad nauna nang umalis si Kim dahil nandiyan na ang sundo niya. Pero bago siya umalis minata niya ko na parang sinasabi niya na magkwento ako sa susunod na magkita kami.
"Come on, let go." Hinablot niya ang kamay ko at hinila ako papuntang parking lot.
"Where are we going?" taking tanong ko sa kanya habang tinititigan ang likod niya.
"Basta, baby. Just behave and get in." Sabay bukas ng itim na kotse na parang sa kanya yata.
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romance"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...