Kabanata 20

18 1 0
                                    

Kabanata 20

New hobby at the Bar


Isang linggo na ang nakakalipas pero isang design pa lang ang nagagawa ko. E apat sila edi kulang pa. What if kung may ireject pa. Hay! Naku! Ang bagal ng process ko dito sa Philippines kaysa nung nasa New York ako. Nakakapraning! Naienroll ko na sa isang school si Mark at magsisimula na siya sa pasukan. Naipasyal ko na din siya sa iba't-ibang magagandang place. Si Nathan naman ayun syempre supportive pa rin samin kaso medyo nabawasan na yung time niya samin dahil sa pag-aasikaso ng company namin.


Natigil ako sa pag-iisip nang makita kong may tumatawag sa phone ko. Agad ko itong sinagot nang makitang si Ms. Mitch ito. "Hello, Ms. Mitch."


("Hello, Ms. Red, are you free this evening?")


"Uhm" I look my schedule planner to found out na wala. "Yes, I am, why?"


(Today po kasi ang birthday ko. I like to invited you at the Zen's Bar later sana.)


"Oh! Happy Birthday! Sure I'll go. Ikaw pa malakas ka sakin." Nadinig ko ang hagikgik niya sa kabilang linya kaya napahagikgik din ako.


("Thank you, Ms. Red. See you later")


"Ok, see you later too." tsaka ko pinatay ang tawag niya. Napaisip ako kung anu-ano dapat kong gawin nang maalalang marami pa pala akong dapat gawin pero tinatamad ako kaya bukas ko na lang gagawin at mag-aayos na ko para sa party mamaya.


Nagsimula ako tumungo sa closet at maghalungkat ng pwede ko suotin mamaya. I choose a blue tube dress at black stilletos. Tinitingnan ko ito habang nakaharap sa salamin ng pumasok ang anak ko sa kwarto.


"Mommy, I'm hungry." kinukuskos pa nito ang kanyang kanang mata habang naglalakad palapit sakin. Mukhang kagigising niya lang mula kaninang tanghali. Inilapag ko ang damit sa higaan at tsaka binuhat siya. Hinalikan ako ang mataba niyang pisngi tsaka naglakad palabas ng kwarto para tunguin ang kusina.


"What food my baby wants to eat?" malambing kong tanong sa kanya. Iniupo ko siya sa children chair tsaka lumapit sa ref.


"Carbonara!" Bigla ito sumigla at excited na nagsalita. "with many mushroom and cheese!"


Nginitian ko siya ng matamis at tsaka sinimulan ihanda ang lulutuin ko. "Ok! Just behave there, I'm just gonna cook it."


Nang maluto ay agad kong ihinahinan ang anak ko. Mabilis niya ito sinunggaban ngunit pinigilan ko dahil mainit pa ito kaya sinabi kong palamigin niya muna. Sinunod niya naman ako at sinabayan ko siyang kumain. Iniligpit ko ang pinagkainan tsaka kami tumambay sa sala. Ako nanunuod at siya naglalaro sa coffee table.


Lumabas sa pinanunuod ko ang banda ng sqeeze. Ibinalita ang nalalapit na kasal ng isa sa miyembro nito sa isang non-showbiz girl. Naging usap-usapan ito dahil isa umanong anak ng isa sa mayayamang company ang papakasalan nito. Maraming nalungkot na fans dahil dito ngunit ganun pa man ay mas marami ang sumaya dahil nahanap na nito ang kaligayahan niya.


Natulala ako sa tv pagkatapos ng balitang iyon. Sino kaya iyon magpapakasal sa kanila? Di kaya sila... Gumuhit na naman ang sakit sa dibdib ko. Napabuntong hininga ako at sumandal sa sofa. Ano pa bang ikikakagulat ko matagal ko na namang alam yun? Pero bakit ngayon lang samantalang dati pa siya nagpropose? Ano yun sinadya nila ngayon para makita ko? Gosh! Stop it, Red! Wag assume, this is not about you. Don't involve yourself.


Napabuntong-hininga ulit ako nang may pumasok sa pinto. Lumapit ito agad sakin ang humalik sa pisngi ko. "I'm home." Sinundan ko siya nang tingin habang lumalapit kay Mark at binuhat.


"Welcome back, Nathan." Tumingin ito sakin at ngumiti. "Ang aga mo huh. Walang masyadong work?"


"Yup, tsaka di ba aalis ka?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sabi sakin ni Ms. Mitch, she invite me too but I refused because walang bantay si Mark."


Paliwanag niya na may accent. Tumayo na ko at tiningnan niya ko. " Kung ganun, sige mag-aayos na ko. Alagaan mo mabuti si Mark huh." Tumango siya kaya naglakad na ko palapit sa kwarto ko. Ngunit bago ako pumasok ay tinapunan ko siya ng tingin. "Btw, Gumagaling ka na sa tagalog." at tsaka ko sinara ang pinto.


Dinig ko pa ang malakas niyang halakhak kaya napailing na lang ako habang nangingiti tsaka pumasok ng CR. Lumipas ang ilang minuto ay natapos din ako mag-ayos. I wear my blue tube dress and black stilletos. I curl the end of my hair and put some makeup especially to my eyes. Then, I'm ready to go.


I parked my car in the back of the bar which is their parking lot, of course. Kinuha ko ang mini bag at wine bago lumabas ng kotse at maglakad papasok ng bar. Marami nang tao sa loob at mukhang nasa kalagitnaan na sila ng kasiyahan. Isinigit ko ang sarili ko sa grupo ng mga taong nagsasayawan para mahanap sila Ms. Mitch.


Nang mahanap ko siya ay agad kong binigay ang gift kong wine at nakipag inuman saglit sa kanya bago kami sumayaw sa gitna. May pagkabaliw din pala tong si Ms. Mitch or Mitch na lang daw sabi niya. Carefree siya at masiyahin kaya di ka mabobored kasama siya. Nagpahinga kami sa CR dahil nasusuka na siya. Tawa nga ako ng tawa dahil para daw siyang nanganganak. Nagretouch ako habang hinihintay siya matapos. Nang matapos ako ay di pa rin siya tapos kaya nagcheck ako ng phone. Binuksan ko agad ang message ni Nathan nang mapansin ko ang isang message sa isang unknown number.


+639*********


I fucking hate you! You destroy my life! I will definitely make everything to make you regret going back here!


"Hey! What happen?!" Nagulat ako nang magsalita si Mitch sa likod ko.


"Wala, need ko na umuwi kasi hinahanap na ko ng anak ko." palusot ko na siya naman tinanguan niya.


"Taray! Proud mother! Ikaw na beh!" Tumawa na naman siya ng malakas na siyang nakapagpatawa din sakin. "Lasing na talaga ako! Woooh! Geh na beh babush na! Rarampa pa ko!"


Kumaway siya at lumabas nang CR. Sumunod na din ako at lumabas na ng bar. Naglalakad ako sa parking lot ng may marinig akong umuungol. Bumagal ang paglalakad ko at nag tago sa sasakyan malapit sakin. Teka nga bakit ba ko nagtatago? Nang marealize ko yun lumabas ako sa pinagtataguan ko at naglakad ulit nang lalong lumakas yun.


"Aaaah! Aaah!"


Pumula ang pisngi ko sa narinig. Kailangan ko na talaga magmadali paalis dito. Susko baka ano pa makita ko dito. Binilisan ko ang lakad ko at yumuko para halungkatin ang susi ko sa bag ko.


"Shit!" Napatingin ako sa harap at nanlaki ang mata ko sa nakita. Napigil ko ang hininga ko at parang may dumagan sa dibdib ko. Naugat ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig mga mata niya.


"Rain.."

Playful BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon