Kabanata 32

10 0 0
                                    

Kabanata 32

Closure

Kinagabihan, dito na nag dinner si Rain. Kakatpos ko lang maghugas ng pinggan nang sinilip ko si Rain na pinapatulog si Mark. Napangiti ako ng marinig ang pag-awit nito para sa anak na natutulog na. Nilingon niya ako sa pintuan tsaka tumayo at lumabas ng kwarto. Bigla na lamang niya hinablot ang braso ko at sinalubong ako ng mapupusok na halik. Nang sa isang iglap napasalampak ito sa sahig dahil sa isang sapak mula kay Nathan.

"Fuck off, bastard!" Sabay turo kay Rain na nakaupo pa rin sa sahig. Hinila ko ang braso si Nathan para pakalmahin ito ng aambang sasapakin na naman niya si Rain humarang na ko sa gitna ng dalawa.

"Calm down, Nathan, Please!" Nilingon niya si Rain tsaka inalalayan patayo. "Please, out ka muna, Rain. I'm sorry"

Tumango-tango ito tsaka umalis ng condo. "Hey! We're not done yet?"

"Nathan please!" Pigil ko kay Nathan ngunit nagulat ako ng bigla akong itulak nito palayo sa kanya.

"I thought you're already done with each other? But now, what is this? Are you that desperate? That you study and taking care of your child just to be with him? I know we both saw him with other woman last time and now, I found you two kissing each other like nothing happen! Are you blind!"

"I'm sorry, Nathan." Tumulo ang luha saking mga mata. Ang pagsabog ng aking nararamdaman ay di ko na mapigilan.

"Fuck! I help you to stand and built yourself again to reach your dreams not to be one of that man collection!"

Yumuko at humikbi. Pilit pinupusan ang mga luhang pumapatak saking mga mata. "I'm sorry if I disappoint you. But I still love him."

"We talk that you only introduce Mark to his father and do our business here. I didn't meddle to you because I trust you, I know your strong to handle this. But I think I'm wrong to expect so much to you."

"I'm sorry, Nathan. Please don't be angry to me." Paulit-ulit ako nagsorry kay Nathan habang umiiyak lalo nang tinalikuran ako nito at nagkulong sa kwarto niya.

Lumipas ang mga araw, naging madalang ang pagbisita ni Rain sa condo, kung minsan ay sinusundo nito ang anak sa school tsaka sila mamasyal na dalawa. Naging busy naman palagi si Nathan, napadalas ang gabing uwi nito at di pagkausap sakin.

Nakatitig ako sa kalangitan mula sa bintana ng library, di ako makapag disenyo ng kahit ano. Gulong-gulo ang utak ko. Di ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, di pwedeng ganito. Hindi pwedeng ganito na lang, kailangan ko na tapusin ang lahat pero paano saan ko sisimulan. Pumatak ang luha sa aking mga mata sa muling pag balik ng alaala sakin. Mga alaala akala ko'y nabaon ko na limot. Ang nararamdaman kong gustong-gusto ko kalimutan.

Naninikip ang aking dibdib tuwing babalik sakin ang mga alaalang ito ngunit mas masakit para sakin ang malamang may posibilidad na may mahal na siyang iba. Pero bakit? Hindi naman yun ang binalik ko dito di ba? Bumalik ako para sa anak ko, para kay Mark. Wala nang iba pang dahilan, natapos ko na ang plano pero bakit di ko kayang bitawan pa.

Napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko ang isang tinig na umaawit. Pinunasan ko ang luha sakin pisngi at tinungo ang pinang gagalingan ng boses. Dinala ako nito sa kwarto ni Mark. Dahan-dahan at tahimik ako binuksan ang pinto nang nakita ko si Rain na kinakantahan ang natutulog na anak. Hinahaplos nito ang buhok nito habang tinitigan ang mukha nito na tila ba minememorya ang bawat detalye nito.

Napatakip ako ng bibig sa nakita. Unti-unti ako humakbang paatras dahilan para mabitawan ko ang hawak sa pinto. Naggawa ng ingay ang pagsara nito kaya dali-dali akong lumayo at tumungo sa sala para pakalmahin ang sarili. May nagbabadyang luha na sa aking mga mata at mabilis na ang aking paghinga.

"Red..." Nagulat ako sa tinig na nag mumula saking likuran. Alam kong nasa likod ko na siya pero kailangan ko na sabihin ito sa kanya. Kailangan ko na tapusin ito.

"Rain, sa tingin ko dapat mo na malaman ito." Linunok ang laway na bumabara sakin lalamunan. Pinipilit ako pigilan ang luha sakin mga mata ngunit ang panginginig ng aking boses ay di nagpapigil sa lungkot na nadarama ko ngayon. "Babalik na kami ni Mark sa New York bago matapos ang taon na ito."

Nadinig ko ang pag ismid niya bago muli magsalita "So ito pala ang plano mo. Ito pala ang gusto mo mangyari. Bakit mo pa pinakilala saking ang anak natin kung balak mo palang ilayo siya sakin?! Bakit ayaw mong....!"

Sa pagkarinig ko ng yapak niya palapit sakin, nakaramdam ako ng pagkataranta dahilan para sumigaw ako. "Dahil yun ang gusto ni Mark!" Napahinto siya sa paglalakad sa biglaang breakout ko. Humarap ako sa kanya na may luha ang mga mata. "Gusto ko lang naman mapasaya ang anak ko. Gusto ko lang naman na ibigay ang lahat sa kanya sa abot ng makakaya ko. Masama ba yun? Wala naman akong intensyon guluhin ka pa pero di pwedeng ganito."

"Paano naman ako? Di lang ikaw ang magulang niya, di lang ikaw ang nagmamahal sa kanya. Sa tingin mo ba, napasaya mo talaga siya sa plano mong ito kung sasaktan mo lang din siya sa dulo?" May pagtataas ng boses na sagot niya sakin.

Napaluha na lamang ako sa sagot niya. Di ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, gulong-gulo na ko. Ambang sasagot na ko nang nadinig namin ang pagbukas ng pinto at iniluwa noon si Nathan. Tumingin muna siya pabalik-balik samin dalawa ni Rain bago nagsalita.

"Hey, what's happening here? Red, why are crying?" ambang lalapit sakin si Nathan ng itulak siya palayo ni Rain.

"This talk is about our family. It's none of your business."

Lumapit si Nathan at nakipagtitigan kay Rain. "But I'm her family too."

Playful BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon