Kabanata 16
Designer
Lumipas ang mga araw, pilit ko pa rin isinasantabi ang pananabik ko sa kanya. Halos di na nga ko makakain paminsan-minsan dahil naaalala ko siya pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko dahil ayaw ko makita ni lolo at daddy ang pinagdadaanan ko lalo na ang sikreto binaon na namin sa limot. Simula din nung gabi na yun di ko na siya nakita, kahit text o tawag ay wala na ko natanggap sa kanya.
Ilang araw na din akong nagkakasakit, madalas ako mahilo lalo na pag sobrang init ang sabi sakin ni Bea baka daw dahil di ako kumakain ng ayos. Minsan din ay mabilis ako mapagod sabi ni Bea ulit iba na daw ito at magpatingin na daw ako sa doctor baka daw nagkukulang na ko sa nutrient dahil di daw ako nagkakain pero syempre di ko sinunod ayaw ko mag-alala sila lolo at daddy.
Bumangon ako sa kama at umupo sa harap ng salaminan ko. Hinaplos ko ang kwintas na naging alaala niya sakin nung gabing yun. Actually, napansin ko lang to nung nakauwi na ko ng bahay at nagbihis ng damit. Ayoko bigyan pa ng kahit anong dahilan kung bakit binigay niya sakin to, ang lagi ko na lang iniisip binigay to ng taong minahal ko. Tumayo na ko at nagtungo sa CR para maligo.
("Bes, nasaan ka na ba? Bilisan mo magpapaxerox pa tayo nitong mga papers.") Sambit ni Bea sakin na nasa kabilang linya.
"Saglit lang bes, ito na malapit na ko. Papasok na ko ng gate." Sagot ko habang nagmamadaling pumasok ng gate ng school namin. Ngayon kasi wala na kami pasok inaayos na lang namin yung mga document na kakailanganin namin para sa graduation.
(Sige, bes. Dito kita wait sa tapat ng office. Bye bye.)
Halos maggagabi na nung natapos namin ayusin ni Bea yung mga aayusin naming papeles kaya pag uwi ko ng bahay pagod na pagod ako. Paano ba naman lakad dito lakad doon yung pinaggagawa namin ni Bea para ipasa yung mga papers. Nakaupo ako ngayon sa sofa habang sila lolo ay nanunuod ng tv.
"Lo," nagmano ako sa lolo ko tsaka sumandal sa sofa nang may naamoy akong mabango."hmmmm .. ang bango nun huh. Sino nagluluto sa kusina, Lo? Si Daddy po ba?"
"Aba'y oo, pumunta ka dun at batiin mo daddy mo." sagot ni lolo kaya naman tumayo ako at tumungo sa kusina. Kiniss ko si Daddy sa pisngi na kasalukuyang nakaharap sa kaldero at nagluluto ng tinola.
"Hmmmm. Daddy ang sarap niyan a." Paglalambing ko sa Dad ko.
"Syempre naman, ako nagluto. Maghain ka na diyan at tawagin mo na lolo mo. Kakain na tayo." kaya sinunod ko ang sinabi ni dad at nagsimula na kami maghapunan.
Agad ako nagsandok ng kanin at nilagyan ng ulam ag aking plato. Tinikman ko agad ang luto ni daddy at unang subo palang "Mmmm. Ang sarap Daddy."
"Buti naman nagustuhan mo. Kumain ka pa marami-rami din akong niluto." at tsaka tumawa si Daddy. Nagkwentuhan naman sila nila lolo about sa naging buhay ni Daddy sa new york hanggang sa natapos na kami kumain. Nagpaalam na ko papasok sa kwarto ko at magbibihis.
Pagpasok ko ng kwarto ay sumandal ako sa likod ng pinto at tiningnan ang mga kabuuan ng kwarto ko. Maraming alaala ang kwarto na to especially moments namin ni lolo. Yung mga times na kinukwentuhan niya ko nung bata ako. Naalala ko pa nga noon yung mga times na lagi ako nagkukulong sa kwarto at tumitingin lang ng mga fashion magazine tapos idrawing ko at ipapakita kay lolo. Yung mga panahong magkasundo pa kami ni Kim at maglalaro kami tapos bihis-bihisan gamit ang kumot, sipit, at punda ng unan.
Naglakad ako papunta sa tapat ng salamin at tiningnan ang sarili ko. Marami nang nagbago sakin, ang itsura ko, pananamit ko, at pag-aayos ko ng buhok. Dati kuntento na ko sa pagtatali ng buhok ngayon naglulugay na ko minsan iniipitan ko pa ito ng kung ano-ano. Dati paglalabas ako ng bahay jeans at maluwag na tshirt lang suot ko ngayon iba-iba na at minsan nakadress pa ko. Lalo na sa mukha ko, dati wala ako pakielam kung haggard ako or what ngayon di ako aalis ng bahay ng di nagpupulbos at lip gloss.
Napadako ang mga mata ko sa kwintas na suot ko. Hinaplos ko ito at muli tiningnan ang sarili ko. Nagbago ako para sa kanya, tinuro at pinaranas ang mga bagay na takot akong malaman noon. Tinuro niya sakin maging matalino at matatag kaya naman buo na ang desisyon ko. Oras na nga para palayain ko ang sarili ko. Hinubad ko ang kwintas at tinaas ito hanggang sa malevel ito sa paningin ko. Ngumiti ako at lumabas ng kwarto patungo sa sala kung nasan sila lolo at daddy.
"Daddy, Lolo," Sabay sila lumingon sakin ng may pagtataka sa kanilang mga mata. "Nakapagdecision na po ko, Daddy sasama po kami ni lolo sa inyo sa New York at dun ko na po ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Gusto ko po maging Fashion Designer."
Ngumiti sakin silang dalawa. "Binabati kita sa decision mo, apo."
"Salamat, anak, at pumayag ka sumama kayo ng lolo mo sakin." nakangiti ito lumapit sakin at niyakap ako.
"Pero Daddy may favor po ko."
Humiwalay siya ng yakap at tiningnan ako. "Ano yun anak?" Sinabi ko sa kanila ang gusto ko mangyari at pumayag naman sila. "Sigurado ka ba sa gagawin mong iyan anak?"
"Opo, Dad. Buo na po ang desisyon ko."
BINABASA MO ANG
Playful Boss
Romance"Let's have a game. You win I pay, You lose you'll mine!" Love that start in a game, not a simple game but an extraordinary game that make you confused over a decision. "Hays! OK ganito na lang. I will lend you a money if you play with me a...