My Genie

557 101 66
                                    

Napatingala ako. "Nasaan kaya 'yon?"

Nakita ko ang kulay cream na kahon na nakapatong sa taas ng shelf. Lumapit ako sa shelf at tumingala. Ito na nga iyon.

Kumapit ako sa shelf at nag-tip-toe upang maabot ko ang kahon. Napapikit pa ako nang may kaunting alikabok ang tumama sa mukha ko. Ang kapal pala ng alikabok dito. Lalabas talaga ako ng kuwarto na puno ng alikabok ang buong mukha at katawan.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kahon na tinutukoy ni Miss Cilia. Puno ng alikabok ang ibabaw nito. Halos maging brown na ang kulay.

Binuksan ko ang kahon at una kong nakita ang isang lampara na kulay ginto. Nagtaka pa ako sa itsura nito. Ito 'yong sinaunang klase ng lampara. Katulad ng nasa Aladdin na palabas, na nagsilbing bahay ng genie. Bakit mayroong ganito rito sa loob ng kahon?

I shrugged off the thought and continued checking the box. Inilapag ko ito sa isang kahon. Tiningnan ko pa ang mga handbook na nasa loob. Sana nga makatulong ang mga ito.

Isinara ko ang kahon at binitbit. Tumalikod ako para lumabas na ng kuwarto nang may nasagi ako. Nakita kong nahulog ang lampara sa cushion.

Inilapag ko ang kahon sa sahig at dali-daling inabot ang lampara. Napuno ito ng alikabok na nagmula sa cushion.

"Ano ba 'yan, kailangan ko pa tuloy linisin 'to."

Tiningnan ko ang kabuuan ng lampara. Maganda ang disenyo nito, ginto pa. Puwede na sigurong gawing palamuti sa opisina ni Miss Cilia 'to.

Pinahid ko ang alikabok na nakatakip sa lampara. Ikiniskis ko pa ito sa damit na suot ko. Bahagya pa itong kuminang nang itapat ko sa ilaw. Mas lalo kong nakita ang mga pattern at carved designs ng lampara.

Napangiti ako. "Ang ganda."

Ngunit biglang gumalaw ang lampara. Kunot-noo kong tiningnan ito. Akala ko namalik mata lang ako. Pero biglang gumalaw ito ulit at ngayon ay napakalakas at napakabilis na.

"AAAAHHHHHHHH!"

I screamed as I threw the lamp out of my hold. Nahulog ito sa sahig pero patuloy pa rin ito sa paggalaw. Namimilog ang aking mga mata na nakatitig dito. Nagsisimula na ring manginig ang mga kamay ko. What was happening?

"The lamp..."

Malakas na hangin ang bumulusok bigla. Para bang may namuong ipo-ipo sa loob ng storage room. Lahat ng gamit ay lumipad, napaupo pa ako sa sahig dahil sa lakas ng ihip nito. I screamed in horror when the door suddenly slummed shut.

Nahulog ang glass storage na nakapatong sa taas. Nabasag ito at naging maliliit na piraso. At dahil malapit lang ako, hindi ako nakaligtas sa pagkabasag nito. May tumama sa pisngi ko dahilan para dumugo ito.

"Ouch," I groaned.

Napagdesisyunan kong yumuko na lamang para maiwasang matamaan ng mga gamit. Ano ba ang nagyayari? Bakit biglang nagkaganito? Nagtatakang inaangat ko ang aking ulo nang mapansing wala na ang malakas na hangin.

Nagkalat ang buong gamit sa loob ng storage room. Pero halos mapanganga naman ako sa ganda nang umulan ng maliliit na kumikintab na asul na sparkles.

'Wow.' I thought. It was so magical.

"Aray."

Then, I froze. I suddenly stood there like a stationary bicycle, fixed and not moving. I just heard a man's voice!

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon