Chapter 31: Shattering

42 4 10
                                    

Chapter 31: Shattering

Lexi Ayriss

Halos gabi na ako makauwi sa amin kasi gabi na rin nakapunta ng condo ni Ken si Tyler. I was in good mood the whole time. Nagtaka pa nga si Tyler nang makita ako, para raw kasi akong baliw. Ngumingiti nang walang dahilan. Binatukan ko na lang siya. Nakakainis kasi, e.

But I couldn't hide the happiness and excitement within me. Ken and I will be going out tomorrow night. It was too uncommon! I mean—we both had different aspects in life, but here we are going to have a date tomorrow like normal teenagers. What was happening?

Napailing na lang ako. I knew he was making up for my efforts. I'd done something to him and he wanted to pay me back. That was all. Why was I feeling elated? Baliw na ata ako.

I was still in deep thought when I reached home. Hindi ko napansin si Kuya at ang isang babae na nakatayo sa living area.

"Landon!" sigaw ng babae, "why didn't you tell me?"

"I'm not going to stay here for years, Megan. Stop overacting!" mariin namang sabi ni Kuya.

"You left without any notice. You're not even answering my calls and messages. Do you expect me not to worry?"

Pinagmasdan ko ang babae. She was a beauty. She had an auburn hair and perfect complexion. Para akong nakakita ng hollywood celebrity. English accent din siya kaya sigurado akong hindi siya taga-rito. Sino siya?

Hindi pa rin nila ako napapansin. Makikita ang galit sa mukha ni Kuya. Ngayon ko lang ito nakita sa kanya. Ngayon lang din naman kami nagkasama, matapos ang isang dekada, kaya lahat ng emosyon at ekspresyon sa mukha niya ay bago lahat sa akin. On the other hand, halata ang pagkamalumanay na ekspresyon sa babae. Mahinhin siya kahit mukhang naiinis siya kay Kuya. Sandali, were they fighting? Mukhang pumasok ako sa isang mabigat na eksena.

Kuya ran his fingers on his hair out of frustration. He let out a deep sigh before facing the woman.

"Look, Megan, this is about business. We already talked about this!" Kuya hissed.

Kinagat ng babae ang pang-ibabang labi niya, surpressing her emotions. Tumango-tango siya.

"Yeah, business always comes first," she said as she looked away.

Saktong sa gawi ko siya napalingon kaya nagkatinginan kami. Gulat namang napatingin sa akin ang babae. Mas maganda pa pala siya kapag nakaharap mismo.

Napansin iyon ni Kuya kaya napatingin din siya sa gawi ko. Kuya's face became impassive upon seeing me.

"Where have you been?"

Kumabog ang puso ko sa takot. I swallowed hard. Kuya was always intimidating.

"I..." I trailed off, "I visited my sick friend."

I was not lying about it. Talaga namang may sakit si Ken.

"Nang hindi ko man lang nalalaman?" he countered, "and why do you have to visit your friend? You should have stay at home and study."

Hindi ako nagsalita. Pinapagalitan ako ngayon ni Kuya. He was mad at me because of not telling him about it. Bakit ang init ng ulo niya ngayon?

"You know I g—"

"Landon," the woman beside him hushed.

It was just a whisper but enough for Kuya to became quiet. Kuya was losing his temper. Ganito pala siya kapag nagagalit.

Napapikit si Kuya at muling napahawak sa gilid ng noo niya, massaging it gently. Lumingon naman sa akin ang babae at ngumiti.

"Hi."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon