Chapter 5: Feeling Thirst

294 79 81
                                    

Chapter 5: Feeling Thirst

Lexi Ayriss

Ilang araw na akong hindi bumabalik sa coffee shop matapos ang insidente sa storage room.

Naaasikaso ko pa rin naman ito, pero hanggang sa pag-usap lang kay Ate Anne sa telepono.

Naaaalala ko pa nga ang nangyari kinabuksan no'n. Pinagalitan ako ni Ate Anne sa telepono dahil hindi ko naisara ang pinto sa backdoor at hindi ko napatay ang ibang ilaw sa loob.

Humingi na lang ako ng pasensiya at sinabing dala iyon ng antok. Hindi naman na siya humirit pa. Alam kong na-guilty siya no'n dahil naiwan sa 'kin ang trabaho niya. Pero sinabi kong kalimutan na lang namin iyon at mag-focus na lang sa kasalukuyan.

Dinahilan ko kay Ate Anne na marami akong ginagawa at tinatapos. Ginawa kong excuse ang papalapit na midterms namin para hindi muna ako makapunta ng coffee shop.

Hindi ko pa magawang pumunta roon. Hindi ko malaman ang tamang dahilan, pero marahil ito ay ang takot.

Natatakot akong baka makita ko ulit ang lalaking iyon. Natatakot akong baka ano na naman ang gawin ng alien na 'yon o kung ano mang creature 'yon.

Pero pilit ko pa ring isinasaksak sa isipan ko na wala lang 'yon. Dala lang 'yon ng antok at pagod na hindi iyon totoo. That the whole thing was completely unreal.

But damn, I found it hard to believe. Mahirap paniwalaan na lahat ng mga nangyari ay produkto lamang ng aking imahinasyon, na iyong lahat ay panaginip lamang.

I was there wide awake, breathing. I witnessed it all with my eyes. Buhay ako at hindi tulog nang mga oras na iyon. How would I able to believe in everything of this? Ano nga ba ang dapat paniwalaan ko?

I groaned in frustation. I buried my face onto the book at the table. Pailing-iling ako habang hawak ang buhok ko at ginugulo.

"Nababaliw na ata ako?" I hissed silently.

"Ngayon mo lang nalaman?"

Marahas akong napalingon sa katabi ko habang nakapatong pa rin ang ulo ko sa libro.

"Salamat," asik ko.

"Oh, you're welcome!" pang-aasar niya. "Just please, stop groaning and hissing. You see, Mrs. Librarian is glaring daggers at us."

Nginuso niya pa ang direksyon na iyon. Sinundan ko naman iyon ng tingin at nakita ang mesa ng librarian. Masama nga itong nakatingin sa gawi namin.

Umayos na lang ako ng upo at bahagyang sumandal sa wooden chair.

"Ano ba kasi ang iniisip mo? Halos kalbuhin mo na ang ulo mo sa frustration," tanong niya habang nag-flip ng isang page.

Nasa library kami. Nagre-review. Mamaya kasi may long quiz kami sa major subject namin.

Pero imbes na magbasa ay kanina pa ako tulala sa harap ng libro sa mesa at bigla-bigla na lang guguluhin ang buhok ko.

"Wala," sagot ko.

"Hindi mo ako mauuto, Ayriss," aniya, "kabisadong-kabisado na kita. Alam ko kung kailan ka may problema. So, ano nga?"

Hindi ko alam kung maganda pa ba na kilala ako ng babae na 'to. Ang hirap maglihim sa kanya.

Hindi ko rin alam kung tama bang sabihin ko sa kanya ang nangyari sa akin. Kung ikuwento ko sa kanya iyon, siguradong hindi ito maniniwala. Baka nga dalhin pa ako nito sa mental hospital.

Hindi naman kasi siya fan ng mga ganitong hindi makapani-paniwalang bagay. Kahit nga sa mga mahikero hindi siya naniniwala, ang sabi niya nasa bilis lang daw iyon ng kamay. Bruha talaga.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon