Chapter 24: Promise

47 20 8
                                    

Chapter 24: Promise

Lexi Ayriss

"I never went to an event like this. This festival atmosphere around here, I always feel it during Intrams. Para akong bumalik sa pagiging bata."

Napalingon si Ken sa akin na ngayon ay kumakain ng cookies na nabili namin sa isang stall kanina. May iba't ibang disenyo ang cookies. Minimal style ng pumpkin, skull, bat and spider web. Seryoso ko siyang nilingon. Tumitig ako sa mga mata niya.

"I want to thank—"

Bigla akong napatigil sa pagsasalita dahil nilagyan niya ng spider web cookie ang bibig ko. Gulat akong napatingin sa kanya.

"Don't thank me," he said and took a bite of his jack-o'-lantern cookie.

Agad ko namang tinanggal ang cookie sa bibig ko. "Bakit naman?"

"You don't deserve to be sad. Nagmumukha kang manang. You don't deserve to be left alone. Nagmumukha kang isang tuta na iniwan ng kanyang amo. As long as I am here beside you, I'll turn all of your depressions into happiness," aniya.

Natigilan ako. My heart skipped a beat. My breathe suddenly went deep. Parang biglang tumigil ang lahat, ang kapaligiran ko and again this strange feeling. Heto na naman. What was this?

"That's my duty, anyway," aniya sa mababang tono.

Para akong biglang nagising sa isang panaginip dahil sa mga salitang iyon. Para akong sinampal ng katotohanan. Oo nga pala, he was my genie. He had a duty to fulfill. Sadya ka bang paasa, Ken?

"Thank you," I whispered.

Napalingon si Ken sa akin habang nakakunot-noo. Muli kong inungkat ang thank you conversation namin kanina-kanina lang.

"Hindi mo na kailangang mag-thank yo—"

"Thank you," sabi ko ulit habang may malaking ngiti sa labi.

"Kulit mo rin. Sabi kong huwag na—"

"Gusto kong mag-thank you kaya wala ka nang magagawa roon," irap ko.

Bigla siyang tumawa na ito namang ikinalingon ko. Tinignan ko siya ng may pagtataka.

"Ang bilis mo talagang magbago ng mood," aniya bago guluhin ang buhok ko.

"Not my hair," saway ko sa kanya.

Tinigilan naman niya agad ang buhok ko. Napatingin ako sa kanya nang masama pero tawa lang ulit ang tugon niya. Baliw talaga. Pero hindi ko naman maikakaila na bagay talaga sa kanya ang tumatawa.

Muli kaming bumalik sa pagkain ng cookies. Nakaupo kami sa isang bench sa mataas na parte ng parke. Nasa isang bundok ito kaya mula sa puwesto namin ay makikita ang magandang view sa baba. Nakasuot pa rin kami ng costumes. May bigla tuloy akong naalala. Napalingon ako kay Ken.

"Ken," tawag ko.

Nilingon naman niya ako. "What?"

"Curious lang ako. Mayroon ka rin bang kaibigan na magic carpet?" tanong ko.

Halatang nagulat si Ken sa tanong ko pero mahahalata rin ang amusement sa mukha niya. Childish ba masyado ang tanong ko? Naalala ko lang kasi.

"I mean, like in the Aladdin movie. The genie there have a magic carpet friend. You're a genie so maybe you also have," paliwanag ko agad. Baka kasi ani na iniisip ng mokong.

Tumawa muna siya bago magsalita. "Wala kaming gano'n."

"Wala?" nagtataka kong tanong. Kung ganoon, parte lang ng kuwento iyong magic carpet? Hindi totoo? Walang katotohanan? Talaga?

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon