Chapter 16: Party

83 40 14
                                    

Chapter 16: Party

Lexi Ayriss

"Ate Anne, nakita n'yo po ba 'yong susi sa storage room?"

Walang lingon kong tanong kay ate habang hinahalungkat ang drawer ng desk ni Miss Cilia. I knew it was in here.

"Hindi, Lexi," Ate Anne answered immediately. "Saan mo ba 'yon nilagay?"

Napatigil ako sa paghahalungkat at napatingin kay Ate Anne na ngayon ay busy sa pagbabasa ng iilang dokumento na nakakalat sa coffee table. Saan ko nga ba iyon huling nailagay?

"Hindi ko maalala," I confessed.

"You just misplaced it. Keep on looking."

Napatitig ako sa mesa ni Miss Cilia. Ang naalala ko lang ay iyong unang encounter namin ni Ken sa loob ng storage room. Kung saan una kaming nagkita na dalawa. Kung saan nagsimulang mag-iba ang takbo ng buhay ko. Kung saan napatunayan kong maaari rin palang maging posible ang mga imposibleng bagay.

Sa loob ng storage room.

Napatayo ako ng maayos nang biglang may maalala ako. Bakit nga pala ako naghahanap dito sa drawer? E, kung kinuha ko pala iyon dito at ginamit para buksan ang pinto sa storage room. Napasapo ako sa noo sa inis.

"Buwisit," I mumbled. Tanga ko talaga.

Agad akong umalis sa table ni Miss Cilia at kumaripas ng lakad palagpas kay Ate Anne. Napansin ko pa ang biglang pagtaas ng tingin ni Ate sa akin.

"Oh? Pasaan ka?"

Napalingon ako kay Ate Anne na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa akin. I paused. Humawak ako sa pintuan at humarap sa kanya.

"May titingnan lang."

Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa dulo ng hallway. Nakita ko ang nakasaradong pinto ng storage room. It was still the same. Pinihit ko ang malamig na doorknob, nagbabakasakaling bukas ito pero sa kasamaang palad naka-lock ito. Ni-lock siguro ito ni Ate Anne no'ng kinabukasan noong gabi na iyon.

Paano na 'to? Bakit ba kasi hindi na lang 'yong lalaki na 'yon ang maghanap sa lampara? O 'di kaya'y kumuha no'n sa loob ng storage room? Tutal siya naman itong may kakayahan kunin iyon nang walang kahirap-hirap.

Maaga pa naman akong nagtungo rito sa coffee shop para hanapin ang lampara. Iyon naman talaga ang utos sa akin ni Ken. Si Faye naman hindi ko kasama ngayon at mamaya pa iyon magpapakita sa akin kapag pupunta na kami kila Tyler. Halos gabi na rin kami nakauwi kahapon para lang bumili ng masusuot sa party. Hindi ko nga rin maintindihan itong si Faye kung bakit kailangan pang bumili ng bago. Marami pa naman kaming dress na masusuot sa mga closet namin. Ano kaya trip no'n?

Napalingon ako sa kabilang dulo ng hallway, agad akong naglakad papunta sa harap ng coffe shop. May ilang customers akong nakasalubong, ngumiti naman ako sa kanila. Dumiretso ako sa counter at nakita roon si Kuya Tom na nag-aasikaso ng mga orders. He was really a hard worker. Nakakaya niyang mag-isa rito sa counter ng mahigit walong oras. He worked hard but he never complains. Ganito niya kamahal ang trabaho niya, ganito niya rin kaya kagusto si Ate Anne? I just thought. I looked straight towards him and placed my left arm to the marble slab of the counter.

"Kuya Tom," tawag ko.

"Oh, Lexi, bakit?" tanong niya bago ako lingunin.

"Kuya, may nakita ka po bang susi sa storage room?"

Napakunot ang noo niya sa pagtataka. Napatingin siya sa taas na para bang may inaalala.

"Hindi pa ako pumapasok sa storage room simula no'ng binuksan mo 'yon," agad siyang umiling. "Si Renz lang naman ang pumasok do'n."

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon