Chapter 3: Decision

369 82 113
                                    

Chapter 3: Decision

Lexi Ayriss

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga chips na naka-display sa rack. Hindi matao ang supermarket ngayon kaya hindi masyadong crowded.

Nagutom si Faye kanina after ng last subject namin sa umaga kaya napadpad kami rito. Nag-suggest akong bumili na lang sa cafeteria. Pero gusto raw niyang dito na lang bumili since may bibilhin daw siya sa National Book Store.

"Nakapagdesisyon ka na ba?"

Napalingon ako kay Faye. Kumukuha ito ng dalawang bags ng chips sa isang rack.

"Hindi pa," sagot ko. Ibinaling ko ulit ang tingin sa mga chips na iba-iba ang flavors.

Hindi pa rin ako sigurado kung tatanggapin ko ang pabor kahit naka-oo na ako sa simula. Masyado kasing risky.

Marami akong tinatapos ngayon. Tambak ang mga plates na gagawin namin. Meron din akong hinahabol na mga deadline. Hindi ko alam kung kaya ko pang i-manage ang coffee shop.

"Huwag ka nang mag-isip pa. Kaya mo 'yon," pag-e-encourage niya sa 'kin.

Tumingin siya sa mga iba pang chips sa kabilang rack.

"Pero alam mo namang marami tayong ginagawa ngayon, 'di ba?"

Humarap siya sa akin. Tinignan niya ako nang seryoso at biglang nameywang habang may market basket na hawak sa isang kamay.

"Lexi Ayriss, isa kang multi-tasker. Kaya mong ipagsabay ang lahat-lahat. Kahit nga ang pagpunta sa party nagagawa mo pa—Aray!"

Binatukan ko nga. Buwisit 'to. Kung anu-ano pinagsasabi. Wala nga akong ina-attend na party ngayon.

"Grabe ka ha! Nananakit ka na pala ngayon!"

"Sa'yo lang naman," pagtataray ko.

"Grabe, Ayriss! Dama ko pagmamahal mo sa 'kin" aniya, "pero seryoso, Lexi. Alam mo namang wala ng iba pang puwedeng mag-manage ng coffee shop maliban sa 'yo."

Napatingin ako sa pigura ni Faye. Tama siya. Wala ng iba pang kamag-anak si Miss Cilia, na itong pinagtataka namin. Wala rin itong asawa't anak. Kaya wala talagang iba pa ang maaaring humawak ng coffee shop.

"Puwede ka rin naman," suhestiyon ko. Bigla siyang humarap sa akin.

"Nako! It's a no, no. Wala akong history niyan. Puwede pa ako sa pagse-serve. Ikaw, nasa dugo mo na 'yan, e."

Bigla akong natahimik. Napangiti ako nang mapait. Oo nga pala, nasa dugo ko ang business at kay Faye ang panggagamot. Ano'ng takas ko?

Mukha namang napansin ni Faye ang pananahimik ko.

"No offense, Ayriss. Joke 'yon, oy!"

"Alam ko! Iyang mukha mo magseryoso?" pagtataray ko sa kanya.

Bahagya siyang lumayo at lukot ang mukha na humarap sa 'kin.

"Grabe ka talaga magmahal, Ayriss. Tagos sa puso!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Padabog naman niyang ibinaba ang mga kamay niya. Kita mo 'to, umarte pa.

Tumahimik kami nang mahigit isang minuto. Nagpatuloy siya sa pagtitingin sa mga rack.

"Ayriss, harapin mo na ang katotohanan. Kahit ano'ng talikod ang gawin mo, pagharap na pagharap mo 'yan pa rin ang makikita ng mga mata mo," she said sincerely.

Napatingala ako sa kanya. Nakatingin na ito sa akin nang seryoso.

"Mahirap din kasi Faye. Kung 'yong katotohanan, paulit-ulit kang sinasaktan."

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon