Chapter 17: Necklace

88 41 32
                                    

Chapter 17: Necklace

Lexi Ayriss

Napatingala ako sa two-storey house sa harap ng pinaghintuan namin. Ang laki nito at napakaganda. Contemporary style and I thought it was the same style inside. Napalingon ako kay Faye na kalalabas pa lang ng kotse.

"Bagong bahay nila Tyler?"

Napatingin sa akin si Faye at napatingala sa malaking bahay. "Oo."

"Talaga?"

Muli kong ibinalik ang tingin sa harap. Ibang bahay nila Tyler ang huling pinuntahan namin noong inimbitahan niya kami. Tapos ngayon ay ibang bahay na naman. Seriously? Nagkokoleksyon ba sila ng iba't ibang disenyo ng bahay?

"Nandito ba mga magulang ni Tyler?" tanong ko nang sumabay sa akin si Faye sa paglalakad.

"Wala raw," kibit-balikat na sabi niya.

Nagsisimula na akong magtaka sa mga magulang ni Tyler. I mean, nasabi niya naman sa amin na business ang pinagkaka-abalahan ng mga ito sa ibang bansa. Pero 'yon lang. Wala na siyang iba pang naikwento sa amin. Hindi ko pa sila nakita sa mga business magazines o kahit man lang sa mga pictures. Wala naman kasing nakasabit na picture frames o naka-display sa mga bahay nila Tyler na napasukan ko na. Kaya napakamisteryoso lang.

"Is he really living alone?" tanong ko nang walang lingon.

Napalingon sa akin si Faye at tumango. "Oo."

Sumunod ako kay Faye sa paglalakad habang linalandas namin ang front yard. May mga tao kaming nakakasabay sa pagpasok pero iilan lang ang kilala ko. Marahil ang iba ay mga taga ibang eskwelahan. Hindi na rin nakakabigla. Maraming nakakakilala kay Tyler at marami rin iyong kilala.

Nang tuluyan kaming nakapasok sa loob ng bahay, ay agad akong namangha sa ganda ng loob nito. It was fairly light and airy inside yet intriguing.

Marami na ang tao sa loob, lalo na sa likod ng bahay sa pool area. Mukha atang sa labas ang party. Dumiretso kami ni Faye sa lugar na iyon at hindi na namangha nang makita ang naka-set na party. Hindi naman iyon ganoon kagarbo pero halatang mag-eenjoy ka.

Malaking pool ang bumungad sa amin. Sa gitna naman nito ay isang platform kung saan nakapuwesto ang isang DJ na linalaro ang beat ng musika. Mapapansin din ang magandang pagka-landscape ng bahagi na ito ng yarda. Napatingin ako sa gilid at nakita ang open garage nitong marami ring mga taong nagtatawanan. But here was really what amusing to the scene, imbes na sasakyan ang nakagarahe, isang billiard ang nakalagay sa gitna nito at maingay na naglalaro ang iilang lalaki roon.

Nice set-up.

"Entertaining," rinig kong komento ni Faye.

Nagpalinga-linga kami, naghahanap ng kakilala.

"Faye, Lexi!"

Napalingon kami sa likod at nakita namin si Drake, ang presidente ng klase namin, na papalapit. Napaharap kami sa kanya.

"Hi, Drake!" sabay naming bati ni Faye.

He was wearing a dark green longsleeve. Nakatupi ito hanggang sa siko niya.

"Kakarating n'yo pa lang?"

Tumango ako.

"Oo," ani Faye.

"Tara. Doon tayo," turo ni Drake sa gawi malapit sa pool.

Nakita ko ang iilang schoolmates namin doon. Nag-uusap at nagtatawanan. Binati nila kami at nagkamustahan. Masayang umiinom ng alak si Faye habang kausap ang iba naming kaibigan. Bahagya naman akong yumuko para ayusin ang suot na damit.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon