Chapter 14: Conversation

110 49 18
                                    

Chapter 14: Conversation

Lexi Ayriss

Napangiwi ako nang makita ang nagkamali kong naguhit na linya. Agad kong inabot ang eraser at binura ito. Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng aking drawing table. I was making a plan for my current plate, it was to design a commercial space.

"Ilang oras ka nang nakaupo d'yan, hindi ka pa rin tapos?"

Napaangat ang tingin ko sa nagsalita, si Ken. Nakahalumbaba ito sa katabi kong study desk habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.

"Hindi naman kasi gano'n kadali magplano. It takes time to finish a plate," diretso kong sagot nang muli kong ibaba ang tingin sa tracing paper.

Gano'n naman talaga. Sa proseso ng paggawa ng plates, pinakamatagal tapusin ang plano. Hindi naman kasi puwedeng maglagay ka na lang ng kung anu-ano sa floorplan. Kailangan ding intindihin ang lahat mula sa kliyente, sa space at sa kalalabasan nito.

"Kanina ka pa d'yan," muling untag nito.

Binigyan ko nang masamang tingin si Ken. "Sinabihan ba kitang pagmasdan mo itong ginagawa ko?" mataray kong tanong.

Bahagyang sumandal si Ken sa sandalan ng upuan. He crossed his arms against his chest.

"Kahit saang arko ang taray mo talaga sa 'kin," he said in deep tone. "Bakit?"

Natigilin ako sa ginagawa. Napaangat ang tingin ko sa kanya at kunot noong tinitigan siya. His dark orbs were lazily staring at me with a glint of confusion.

Bakit nga ba ang taray ko kay Ken? Hindi naman ako ganito umakto sa kahit kaninong tao. I was a warm-hearted person, I admit that. Tanging sa harap lamang ng aking ama ako umaakto ng kakaiba. Kay Faye naman, natural na ang tarayan sa pagitan namin. It was our way of expressing such playfulness in our friendship. Kaya bakit ganito na lang kung mainis ako sa kanya? Hindi naman kami malapit sa isa't isa. It was weird on my part. It was very unusual of me in feeling this strange action.

Hindi ko alam kung ano ang maaaring dahilan ng mga kilos ko. Awtomatiko kong nailalahad ang lahat ng mga ito sa kanya. Bigla-bigla na lang kung mainis ako sa kanya. Ewan ko ba.

He was mischievous, playful, and funny. Siya ang tipo ng lalaki na puro kakulitan at pang-aasar ang alam, that was him. But he was too annoying, and too mysterious.

Kahit gaano pa kakulit ang personalidad niya, siya pa rin ang tao na mahirap basahin. Hindi mo makuha kung anu-ano ang mga tumatakbo sa isip niya. Parang may malaking bakod na nakaharang sa likod ng mga mata niya, kung kaya't hindi madaling basahin ang mga ito.

"We should be having conversation now," he said as he tilted his head to the side.

Kung hindi ako nagkakamali, ang tinutukoy niya'y ang napagkasunduan namin kanina lang. After the pancake snack, we both agreed about his opinion of getting to know each other thing to make his mission work. Pero kaysa magkilala kaming dalawa, ito ako gumagawa ng school work. Naalala ko kasi kanina habang nag-aayos sa kusina ang tungkol sa plate ko. May deadline pala akong hinahabol.

"Ano ba ang gusto mong malaman?" I asked.

Hindi naman sa bumabaligtad ako sa nakasunduan pero kailangan ko talagang tapusin ang ginagawa ko. I knew it was rude. But I already spent much of my time working in the booth last Intrams and as of today, I overslept. Let it be a consideration, I was regaining my energy from a tiring event. Alam ko naman, it was my fault. Talagang wala akong time management.

Hindi siya nagsalita, bagkus tinitigan niya lamang ako. His stares were saying something but I couldn't guess it.

"Questions?" I asked again.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon