Chapter 22: Not Cool
Lexi Ayriss
"Hey, Lexi!"
Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang pangalan ko. I saw Drake dashing across the hallway.
"Bakit, Drake?" tanong ko nang makalapit na siya sa akin.
"Na-released na ang mga grades natin, just check the portal," he announced suddenly while panting.
Bahagya naman akong napakunot ng noo. Bakit niya sinasabi sa akin ang mga ito? Did he know?
Napansin naman niya ang reaksyon sa mukha ko. Tumayo siya nang maayos at napahawak sa ulo.
"Pinagbantaan kasi ako ni Faye," aniya habang nagkakamot ng ulo.
"Huh?"
"Ang sabi niya kasi sa akin, sisirain niya raw 'yong kotse ko kung hindi ko siya susundin. I-update ko raw sa inyo ang tungkol sa posting ng grades," he said while smiling with uneasiness.
Bahagya pa siyang tumingala na parang inaaalala ang senaryo noong pinagbantaan siya ni Paye. Iyong babae na talaga na iyon! Kung anu-ano naiisip gawin. Sa presidente pa talaga ng klase namin ginawa 'to.
"G-ganoon ba. Sige maraming salamat, Drake," pagpapasalamat ko na lamang.
"Sige. I'll go now."
He smiled and waved his hand. Tumalikod siya at umalis. Agad naman akong napahawak nang mahigpit sa strap ng bag ko. Si Faye talaga!
I reached my phone in my bag's front pocket and checked it. I didn't receive any calls or messages from her. Where was she? Dapat nandito na siya, kanina pa. Bumuntong-hininga ako. Ipinasok ko na lamang ulit ang cellphone ko sa loob ng bag at naglakad na lang papunta sa department namin.
Wala nang pasok dahil tapos na ang first semester. Today was the first day of semester's break but most of the students were still around the university. They were waiting for the grades. Kasama na ako roon.
Dumiretso ako ng akyat papunta sa second floor. I was expecting for Faye inside our drafting studio. Doon siya mahilig maghintay sa akin minsan.
I pushed the door open. Ngunit nagtaka ako na kahit anino ni Paye ay wala sa loob ng silid na 'to. Nasaan ba 'yon?
Muli akong naglakad pababa ng building. Tumigil lamang ako noong nakaabot na ako sa lobby.
Kung dumiretso na lang kaya ako ng administration building para tingnan ang grades ko? Pero gusto ko sanang kasama si Faye. Nasaan ba kasi 'yon?
Muli akong naglakad papunta sa front building. Bahala na nga.
"Ayriss!"
Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ang kanina ko pang hinahanap. Agad ko siyang linapitan at binatukan.
"Aray!"
"Kanina pa kita hinahanap. Bakit ngayon ka lang?" I fumed.
"Ano bang pinagsasabi mo? Nandito lang naman ako sa administration building," depensa niya agad.
"Sandali, hindi ba sinabi sa 'yo ni Drake ang tungkol sa grades?" aniya at bumasungot. "Loko 'yon!"
Binatukan ko siya ulit.
"Isa pa. Bakit mo naman pinagbantaan si Drake nang ganoon?" inis kong tanong sa kanya.
"So sinabihan ka niya?"
"Oo," I answered, "pero Faye mali talaga 'yon!"
Agad siyang tumalikod sa akin at dumiretso ng lakad papunta sa mga portal machine.
BINABASA MO ANG
My Genie
FantasyThree wishes are all could offer of a genie. ~•~ Date started: June 2016 Date finished: Written by: MissLovearts