Chapter 25: Landon Acker Rouberg
Lexi Ayriss
"Okay, nasaan tayo?" tanong ko kay Faye bago siya lingunin.
"Gymnasium," nakangiting sagot niya.
Nakasuot kami ng shorts and jersey shirt. Ito pinasuot niya sa akin kanina kasi akala ko magdyi-gym lang kami. Iyong exercise lang. Pero nasa isang court kami kung saan may net sa gitna, may isang cart na puno ng bola sa gilid at mga tao na naglalaro sa buong lugar.
"Bakit mo naisipang pumunta rito?" takang tanong ko.
Kauuwi pa lang nila Faye kahapon mula sa Pampanga tapos biglang mang-i-imbitang pumunta sa lugar na ganito. Why so sudden?
"Noong nasa Pampanga pa kasi ako, binisita ko iyong university nila roon at nakita ko ang iilang estudyanteng naglalaro ng volleyball. I saw how they set, block and hit the ball. I find it awesome, kaya nagdesisyon ako na kapag makabalik na ako rito maglalaro tayo!" she beamed.
"Talagang idinamay mo ako, no?" mataray kong tanong.
"S'yempre naman. Bawal kang mawala," she stated and winked.
Mukhang masaya siya. I felt some sort of relief. I didn't know if she was trying to distract herself or she just wanted to do new things. But it was clear that she was starting to forget everything behind her.
Naagaw ang pansin ko nang may isang lalaki ang biglang nag-spike sa right court ng gymnasium at malakas iyon. Napangiwi ako nang marinig ang impact nito sa sahig. Parang mababali ata ang kamay ko no'n kung subukan ko iyong i-receive.
"Faye."
Napalingon kami ni Faye nang may isang lalaki ang lumapit sa amin. Mukhang ka-edad lang namin. Hinarap siya ni Faye.
"Anton!"
Nakangiti namang saad ni Faye. Magkilala sila? Ang friendly ng babaeng 'to ha.
"Naligaw ka ata?" biro ng lalaki.
"Napadaan lang," ngiting sagot naman ni Faye.
Mukhang napansin si Faye ang pagtataka sa mukha ko kaya bigla siyang humarap sa akin.
"Ayriss, siya nga pala si Anton Vista, a childhood friend from Pampanga, and Anton, she's Lexi Ayriss Rouberg, my bestie," pagpapakilala ni Faye sa amin sa isa't isa.
"Pleased to meet you, Lexi," he spoke.
Matangkad siyang lalaki at mukhang harmless. Built ang katawan, siguro dahil sa training. Mukhang volleyball player, e.
"Likewise," ngiti kong tugon.
"Siya rin pala ang namamahala rito," Faye added.
"Wow," I commented. Ang bata niya pa para i-manage ang ganito kalaking volleyball gymnasium.
"Managing temporarily," he corrected, "sa uncle ko 'to. Apparently, he's out of town."
Napatango na lamang ako. Gano'n pala.
"So, Anton, maglalaro kami," excited na sabi ni Faye nang harapin niya ulit ito.
Tumawa naman bigla si Anton. "You never change, Faye. You're still cheerful."
Siguro close sila noong sa Pampanga pa tumitira si Faye. Ang masigla namang si Faye ay humigpit ang hawak sa strap ng sports bag niya at kumikislap ang mga matang napatitig sa court. Kung maaari lang talaga, stars na ang mga mata niyan. Masyadong excited. Agad kong hinawakan ang sidsid ng shirt niya para pigilan sa maaaring gawin niya. Baka mamaya tumakbo na lang ito bigla. Narinig kong tumawa si Anton at umiling-iling.
BINABASA MO ANG
My Genie
FantasyThree wishes are all could offer of a genie. ~•~ Date started: June 2016 Date finished: Written by: MissLovearts