Chapter 11: Ken

129 54 21
                                        

Chapter 11: Ken

Lexi Ayriss

Napapalingon ang mga tao sa amin sa tuwing dumaraan kaming dalawa. Para kaming may hinahabol sa ginagawa naming pagtakbo at nakakapagod na.

Ang iba tila'y naiinis, ang iba ay nagtataka, at ang iba ay parang wala lang. Hindi ba siya naiilang sa mga tingin ng mga tao? Dahil ako kanina pa naiilang.

Napapasinghal na lang ako sa tuwing nabibigo akong higitin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Bakit ba ang higpit ng pagkakahawak niya?

Nang lumiko kami sa isang hindi matao na eskenita, hinigit ko agad ang aking kamay sa pagkakahawak niya. Luckily, I got my hand out of his grip. Napahawak ako agad sa namamanhid kong kamay. Buwisit itong lalaki na 'to, pati kamay ko dinamay.

Napatigil ito sa pagtakbo at liningon ako. He was wearing a gray hoodie and dark jeans that made him look cool but mysterious. He inserted his palms into the pocket of his jeans.

"Saan mo ba ako dadalhin at bigla-bigla ka na lang nangkakaladkad?"

"Bakit ba ang init agad ng ulo mo sa 'kin," tanong niya nang tingnan ako.

"Don't answer me a question!" I hissed.

"Okay," aniya at itinaas ang dalawa niyang kamay sa ere.

"What's your problem?" tanong ko.

"Kinaladkad ka lang, problema agad?"

I rolled my eyes, "Malay ko ba, baka kinaladkad mo ako dahil may problema ka."

Tumawa lang ito. Bwisit! Umupo ako sa elevated na parte ng daan. Masakit na ang mga paa ko, parang mamamaga ang mga 'to mamaya. Sinubukan kong imasahe ang isang binti ko pero napangiwi lang ako dahil sa sakit na naramdaman.

"Tumayo ka na d'yan. May pupuntahan pa tayo."

Liningon ko siya. Nakatayo na siya sa gilid ko. Kanina pa siya d'yan? Hindi ko ata napansin ang paglapit niya.

Inirapan ko siya. "Ayaw ko nang tumakbo. Pagod na ako."

"Maglalakad tayo," he said.

"Ayaw ko rin."

Wala na akong lakas pa para maglakad. Malayo-layo rin kaya ang tinakbo namin, para kaming nag-one kilometer run sa buong downtown. Ano ba naman kasi ang trip ng lalaki na ito?

"Hindi mo na kaya?" pagtatanong niya.

Liningon ko siya at tinaasan ng kilay. "Ano sa tingin mo?"

"Don't answer me a question," nang-aasar niyang sabi.

"Nakakabuwisit ka," I countered. Tumawa lang ito.

"Halika, aalalayan na lang kita sa paglalakad," he insisted. I looked up on him. Is he serious?

Agad akong umiling, "Huwag na."

"Hindi mo na kaya," direkta niyang sabi.

Umiling lang ako. Nakita ko namang bumuntong-hininga ito.

"Masakit ba ang mga binti mo?"

"Oo naman," sagot ko.

Umalis siya sa pagkakatayo sa gilid ko at pumunta sa harap ko. Napataas ang tingin ko sa kamay niyang nakalahad.

"Ano 'yan?" Turo ko sa nakalahad niyang kamay.

"Do you trust me?"

Napakunot-noo ako, "Ano?"

He gestured again his palm, "Do you trust me?"

Do I trust him? I don't know. Sa maliit na panahon ng pagkakakilala namin, hindi ko pa masasabi kung pinagkakatiwalaan ko na siya.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon