Chapter 15: Some Rules

105 44 13
                                        

Chapter 15: Some Rules

Lexi Ayriss

"Ayriss, sige na!" pagmamakaawa ni Faye.

"Ayaw ko nga!" I hissed.

"Sige na, please!"

Kanina niya pa ako kinukulit, nakakainis na.

"Ayriss!"

"Ayaw ko nga! Ikaw na lang."

"Sige na!" Hinila niya ako sa braso.

Nakahawak siya sa braso ko na para bang isang bata na nagpupumilit bilhan ng ice cream. Pero actually para nga siyang gano'n, kasi kanina niya pa ako kinukulit na bumili kami ng ice cream. Okay sana kung mainit ang panahon, pero ito bumubulusok ang malakas na ulan. Tapos ice cream? Pinagloloko ba ako nito?

"Ayriss!"

"Ikaw na lang bumili," irita kong sabi at inirapan siya.

"Ayaw ko nga kumain mag-isa," giit niya habang masamang nakatingin sa akin.

"Ayaw ko ng ice cream ngayon. Linalamig na nga ako dahil sa hangin, tapos ice cream? Wag ka na lang mag-ice cream."

Ano ba kasi pumasok sa isipan nito at gustong kumain ng ice cream? Hindi ba siya nilalamig? Hindi ba siya nakakaramdam? Kasi ako kanina pa gustong magsuot ng sweater dahil sa lamig ng hangin dala ng ulan. Nakalimutan kong dalhin ang sweater at payong ko. Like what I always did. Makakalimutin na ako masyado.

Makulimlim ang langit kanina, walang ulan tanging ulap lang. Hindi pumasok sa isip ko na maaaring kasunod no'n ay malakas na pagbulusok ng ulan.

"Gusto ko ng ice cream!" muling hiyaw ni Faye at lumabi.

"Naglilihi ka ba? Buntis ka?" bigla kong tanong.

Ngumisi naman ito. "Aba, kung si Mr. Nakasalamin lang din naman ang ama, malaking oo."

Binatukan ko nga. "Landi, e."

Grabe talaga itong si Faye. Delikado na. Kung anu-ano na lumalabas sa bibig nitong salita. Nagkamot ito sa ulo at muling ngumisi.

"Just kidding. Pero ice cream na tayo!"

Muli siyang humawak sa braso ko at pinaghihila ako papuntang Cafeteria.

"Ayaw ko nga at tumigil ka na, para kang bata. Pinagtitinginan na tayo."

Napalingon ako sa paligid. May iilang estudyante nang pinagmamasdan kami. Ang iba na dumadaan ay napapatingin na rin sa amin. Nakatambay kami sa loob ng isang building katapat ng department namin. May mga wooden bench na nakahilera dito sa open hallway nito. Inukupado namin ang isang bench malapit sa hagdan. Katatapos pa lang ng morning class namin, at alas-dyes pa lamang ng umaga. Mamaya pang alas-tres ang susunod na klase namin kaya napagdesisyunan naming tumambay na lang muna rito.

"Ayaw mo talagang mag-ice cream?"

Hinigit niya ako sa balikat para magkaharap kami. Tinitigan ako ni Faye sa mata. Iyong mga mata niya ay nagmamakaawa.

"Ayaw ko nga."

Hindi ko kakayaning mag-ice cream ngayon. Baka manigas ako sa lamig. Siguro siya kaya niya, trip niya, e.

"Bakit ba gusto mong mag-ice cream?" nagtataka kong tanong.

"I saw an advertisement on television showing a new flavor of ice cream. Nalaman kong mayroong nabibili no'n sa Cafeteria, so I wanna try it."

Masigla niyang kuwento sa akin habang nakangiti. That was it? Nakita niya lang sa commercial, bigla siyang nag-crave ng ice cream? Matindi pa pala ang level ng curiousity nitong babae na 'to kaysa sa akin. Max level.

My GenieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon