Chapter 10: Dragged
Lexi Ayriss
"Ayriss!" hiyaw ni Faye habang pinagpapalo ang braso ko. Napangiwi naman ako sa lakas ng hampas niya.
Kanina niya pa ako pinagpapalo, pero hindi lang sa braso pati na rin sa iba't ibang parte ng katawan ko. Kiniwento ko kasi sa kanya ang lahat ng mga encounter namin ni Harry katulad noong na sa jeep kami, noong hinatid niya ako sa coffee shop at noong nangyari kahapon sa booth. Kaya ito ang ending. Kapag sumakit katawan ko mamaya, siya talaga ang salarin.
"Faye, hindi ako punching bag! Magtigil ka nga!" I hissed.
"Nakakakilig!" hirit niya.
"So kapag kinikilig manghahampas?" pagtataray ko. Ngumiti naman ito.
"Makapagsalita parang hindi rin gawain."
"Iyong sa akin hindi malakas, 'yong sa 'yo kulang na lang referree at ring! Bakbakan na!" reklamo ko. Napasapo pa ako sa noo nang tumawa lang ito nang malakas.
I groaned and rolled my eyes. Ano ba talaga ang gagawin ko sa 'yo, Paye?
Nakatambay kami sa labas ng department namin kung saan may mga concrete benches ang nakahilera. Hindi naman matao rito dahil halos lahat ng mga estudyante ay nasa mga booth at field. Kaya malayang nakakatawa nang malakas si Faye. No, scratch that. Wala naman pala talagang pinipiling lugar si Faye sa pagtawa. Anytime, anywhere.
"Grabe, Ayriss! Dalaga ka na!" sigaw niya ulit.
"Matagal na akong dalaga, Faye."
"But no! This is different!" she exclaimed and gestured her hand in the air. "His efforts are unique and different. Sa tingin mo ba talagang wala lang 'yon? Ayriss, he likes you!"
He likes me? Napailing ako.
"Faye, those are encounters. Just encounters. Okay? Wala lang 'yon," I said.
Sumimangot naman siya. Bakit ba kasi ang bilis mag-isip ng utak ni Faye?
"Bahala ka nga," inirapan naman niya ako.
Kumuha siya ng strawberry flavored donut sa loob ng brown box na nakapatong sa bench. Binili namin ito kanina sa booth ng HRM Department. Ayaw paawat ni Faye. Sabi ko kasi sa kanya, mamaya na lang bumili kapag uwian na pero ito hindi nakatiis bumili agad.
Kumuha na lang din ako ng chocolate flavored donut at kumain. Featured ng HRM students ngayon ang donut sa booth nila. Maraming iba't ibang flavors ang mapagpipilian. Masasabi kong masarap ang pagkagawa dahil hindi lamang ito ordinaryo. The flavors were all natural made from pure fruits. This was so delicious and perfect.
"You know what, Ayriss. Bakit hindi mo na lang tanggapin iyong sorry ni Harry? Mukha naman siyang sincere."
Napalingon ako kay Faye na ngayon ay ubos na ang kinakaing pagkain.
"Papatawarin ko rin naman iyon," sabi ko sa mahinang boses.
I would forgive him. Iyon naman talaga ang plano ko. Mali ang nagawa ko sa kanya. I blamed him. I got a lower grade not because of Harry. It was because of me. May pagkukulang din ako. Hindi ko binasa nang maayos ang papel na iyon.
Because of the disappointment and frustration, sinisi ko si Harry sa nangyari na dapat naman talagang hindi maaari. I badly needed to forgive him and apologize also.
"Oh, papatawarin mo rin pala. Sabihin mo na sa kanya," aniya.
"Faye—"
"Oh, wait!" she cut me off.

BINABASA MO ANG
My Genie
FantasiThree wishes are all could offer of a genie. ~•~ Date started: June 2016 Date finished: Written by: MissLovearts